HAIBARA
Hindi naglaon ay dumating na 'yung teacher at naglelecture na naman. It bores me, at si Jane, dahil pumasok na History Teacher namin, hindi nakami nakapag-usap. Something's off with this girl. Simula pa lang nung una. Trying to distract myself from the idea, mas pinili ko nalang na humalumbaba sa bintana na katabi ko lang at tumingin sa labas.
Napakapayapa. Hindi ko tuloy lubusang maisip na 'yung tarantadong Conan na 'yun ang namumuno rito. Tss. Gwapo nga pero walang respeto sa babae. Ugh. Nag-iinit ang dugo ko tuwing naalala ko 'yung ginawa niya sa akin kanina. Jeez. Such a hassle.
Pero pwede narin siya. Malakas rin--Wait! Why am I even praising him? s**t Haibara. Get yourself together.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may naramdaman akong isang presensya na malapit at nakatingin sa akin na parang may masamang binabalak. Dahil doon ay pasimple kong iginala ang mga mata ko sa buong silid at may nakita akong isang nakatingin sa akin. Si Conan.
His eyes shout suspicions and....loneliness? Hindi ko alam pero parang nalungkot din ako. Tulad ng pagkalungkot ko noong may kumakanta at tumutugtog sa Music Room.
Napansin niya atang nakita ko siyang nakatingin sa akin kaya kusa siyang umiwas at ibinaling ang paningin sa harapan.Bumuntong hininga ako. Hindi siya 'yun. Iba ang nararamdaman ko roon sa tumitig sa akin at sa presensyang 'yun. I smell disaster.
Makalipas lang ang ilang oras ay natapos na ang teacher sa pagdi-discuss at nag-anunsyo na ng dismissal. Inayos ko na ang mga gamit ko na nakakalat dahil parang kinalalkal ito ng mga taong gustong pag-tripan kami nung wala kami rito.
Nerds are always getting bullied, pero hinahayaan lang nila. That's why I hate nerds that much. Pero kailangan kong magpanggap para mahanap si Cy-kun.
Halos lahat ng estudyante ay umuwi na maliban nalang sa amin nina Ash at ang buong Cephrins Gang. Hindi lang namin sila pinansin hanggang mag tanong nang biglaan 'yung tarantado nilang leader.
"Haibara sino ka ba talaga?" pang-uuyam ni Conan sa akin at halata sa tono ng boses niya ang pagkainteresado niyang malaman kung sino ako. Tch, ang dami ko agad nawaldas na impormasyon, first day palang naman. Kung alam ko lang, dapat siguro tumakbo nalang ako para hindi niya ako inuuyog ngayon.Napayuko ako at napakagat sa under lip ko. What to do?
"~Kaware ta, kurayami, naiteru kimi no kage~"
Naibaling ko ang atensyon ko nang biglaang tumunog ang cellphone ko. Mali, pati na rin pala ang kina Ash. Magkakaparehas lang kasi kami ng ringtone at sina Yui at Miwa ang pumili ng ringtone na ito. Daydream Syndrome. Buti nalang! Niligtas kami nito! Kung sino man ang nag send ng mensahe sa amin, malaki ang utomg na loob ko sa kanila....or not.
Itinaas ko ang cellphone ko at in-unlock ito. My eyes widened when I saw the one who sent the message. s**t! Si Dad! Binuksan ko ito.
"I'm in the Philippines right now and I wanted to have a conversation with y'all right here in my office on our mansion as soon as possible."
Pagkabasa ko no'n ay agaran akong tumayo at sinukbit ang bag ko sa aking balikat. Gano'n rin ang ginawa nina Ash. Lumingon ako sa tarantado. Ngumisi ako.
"Sorry but we have to go. It's an emergency." saad ko. Ha. Ano ka ngayon?
Hindi ko na sila hinintay na magsalita at naglakad na ako palabas at sinenyasan ko na rin sina Ash na sumunod sa akin.Tumango naman sila at tumalima. We left Conan dumbfounded.
Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay dumiretso na kami sa Front Door at doon ay sunod-sunod na luminya ang mga Maids at mga Butlers sa magkabilang gilid. They bestowed us as a sign of respect.
"Good evening youngladies." bati sa amin ng mga Maid and Butlers. Nasaan na ba si Butler Lim? Kailangan ko na siyang makita.Tumango nalang kami nina Ash bilang tugon sa pagbati ng mga Maids at Butlers. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang mahagip na ng mga mata ko ang hinahanap ko.
Si Butler Lim.
Naglakad ako patungo sa kaniya at nakasunod lamang ang mga ka-gangmates ko sa akin. Tumigil kami sa mismong harapan ni Butler Lim na may kausap pa sa Telepono. Tumikhim ako kaya agad siyang napalingon. Nagpaalam na muna siya sa kinakausap niya at nginitian ako.
Si Butler Lim ay nasa idad na bandang 20's at mayroon siyang medyo magulo na buhok na nakasuot ng parisukat na salamin. Katamtaman ang taas.
I looked directly at his black-charcoal eyes.
"Do you have an idea why he came all the way from Japan just to speak with us?" tanong ko. Ngumiti lang siya at umiling. Nilagpasan ko na siya at sumunod ang mga ka-gangmates ko sa akin.
"Thanks." I sarcastically said.
"Looks like no one wants to spill the bean~" Kanta ni Grae.
"It seems like it." pagsang-ayon ni Yui.
"It's intriguing actually. Bakit kaya siya biglaang napapunta riyo sa Pinas? Like, pwede naman niyang sabihin 'yon sa atin the other day. 'Yung araw na nasa Japan pa tayo." sabat naman ni Miwa.
Kailangan ko pang makita at makausap si Dad sa mga nangyayari. Ganun ba ka-importante ang sasabihin niya sa akin? Ano na naman ba kasi? Nalaman niya ba agad ang mga pinaggagawa ko sa H.U? Bakit kasi kailangan niya pang umuwi mula Japan papunta rito sa Pinas? At kailangan pa talagang personalan.
Lumiko muna kami sa isang pasilyo dito sa Mansyon bago ko siya sila sinagot.
"There is only one way to know the truth." saad ko at tinulak ang pinto ng Office ni Dad nang walang pasabi.
"Sa pagkakaalam ko, you attended your GMRC class way back then to learn that you should knock first before opening someone's door." saad niya agad. He got his hands busy to some paperworks scattered in his table, and his spectacles are almost falling off from his nose.
"You seemed busy, huh?" I mockingly said and walked straight to a couch. Uminom agad ako ng tsaa nanakalatag sa Cofee Table malapit sa akin at ninamnam ang lasa nito sa aking lamunan. It's still hot.
He's really expecting us to come. I cleared my throat as I watch him fixing his things.
"Spill out the bean, Dad." saad ko. Bakas sa tono ng pananalita ko ang pagkaseryoso kaya napataas siya ng dalawa niyang mga kamay sa ere na parang isang kriminal na sumusuko sa pulis. Alam niya na seryoso ako ngayon at ayoko ng mga pilosopong sagot. Wow. I sounded stubborn just by saying these words.
"Oh-kay, slowly princess. I've went here in Philippines to personally tell y'all that you're brother is visiting us for a while.And to tell you all that I know your identities as former assassins." seryoso ngunit may diin na saad ni Dad. Wait, galit ba siya? At paano niya iyon nalaman?
"And this convo really took a wrong turn." singit ni Ash habang nasipol.
"H-how did you know? Did you get spies to watch me?" nagugulantang at nauutal kong saad sa kaniya.This can't be happening! Imposibleng malaman niya na ang maselang impormasyon na 'yon. Me and my gangmates kept it a secret from him since I know that he's a Mafioso.
Unless...May spy si Dad o may nagtraydor sa akin na ka-gangmate ko.
"Hannah, wala kaming kinalaman dito." saad ni Gin. Lumingon naman ako sa kanilang lima.
"How can I be so sure?" saad ko. Nakita ko ang pagyukom.ng kamao ni Ash.
"Hannah, we've been through a lot ever since all of us are a child! Hindi namin 'yon magagawa!" reklamo niya. Napatayo naan si Grae at nawala ang childish na aura nito. Tumitig siya sa akin.
"Are you saying that you don't trust us at all, Haibara?" untag niya.
"What if I don't?" I said and smirked. Napasinhap si Miwa.
"What?" I bluntly said while glaring at her.
"A....test." saad ni Yui. Napatingin naman ang lahat sa kaniya. I smirked. At least meron paring isa sa kanila na marunong bumasa ng mga galaw ko.
"Stop it, girls. I have my own ways to know your secret." saad ni Dad.
"Care to tell me how you figured it out?" saad ko. Pinagtiklop niya ang dalawang kamay niya sa mesa at tumitig sa aming lahat.
"I'm the Mafia Boss of the Black Organization. Ang organisasyon na pinaglilingkuran niyo dati."