bc

Georgina's Sun

book_age18+
1.4K
FOLLOW
7.3K
READ
one-night stand
arrogant
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sa paghahanap ng katahimikan pagkatapos mamatay ng kapatid niya, napadpad si Georgina sa isla ng Boracay. Doon, umasa siyang makakalimutan niya ang nakaraan pati na ang nag-iisang lalaking minahal niya pero hindi siya mahal; si Leandro Zervos.

But when she thought she's doing a good job, nagtagpong muli ang landas nila ng binata. Naniningil ito sa ginawa niyang kasalanan noon, bagay na naging dahilan para hindi matuloy ang kasal nito sa fiancée na si Chantal.

But saying no to Lee's punishment is never an option. Mabubunyag sa buong Pilipinas ang ginawa niyang kagagahan sa bachelor's party nito. At hindi niya maaatim na bigyan ng karagdagang sama ng loob ang mga magulang pagkatapos nilang mawalan ng anak.

So she will burn in the hell created by Lee's hands.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Wala pang sampu ang nagagawa niyang hakbang nang makarinig ng sigaw. Pakiramdam ni Lee ay humigpit ang anit niya. Boses 'yon ng girlfriend niyang si Chantal. Mabilis siyang bumalik. "Ano'ng ginawa mo?!" Agad niyang nilapitan ang girlfriend at iniharang ang sarili. Naniningkit ang mga matang tinitigan niya ang kaharap. Magkaharap na nakatayo sa gitna Visual Arts Club Room sina Georgina at Chantal. Walang ibang tao maliban sa kanilang tatlo. Georgina Valdez stood annoyingly calm, poised in her pristine white blouse and maroon pencil cut skirt. Kahit walang revealing sa ayos ng babae ay nagsusumigaw ang kakaibang appeal. Sinadya niyang iwasang mapatingin sa dibdib nito. Kabaliktaran ang hitsura ni Chantal. Basang-basa ang girlfriend niya, kulay abo ang blouse at nangangamoy turpentine. "Sorry, hindi ko sinasadya," sabi ni Georgina. Hawak nito ang isang maliit na balde. Kumikinang pa ang aluminum sa liwanag, halatang bago. Sorry, my ass! Hindi ito tunog apologetic. Ang ikinaiinis niya ay parang wala lang dito ang ginawa. Nilingon niya si Chantal. "Totoo ba?" "Sinadya niya. Nilapitan niya ako at binuhos sa akin ang pinagbabaran ng mga brushes," mangiyak-ngiyak na sumbong ni Chantal. Nanlaki ang mga mata ni Georgina. Inambaan nito ng hampas si Chantal. "Wag kang sinungaling!" Sumulak ang dugo niya sa narinig na nginig sa boses ng babae. Gusto niyang ibalik kay Georgina kahit katiting man lang ng nararamdaman ni Chantal ngayon. With that thought, he grabbed her arm. "Mag-usap nga tayo." "Aray! Lee, nasasaktan ako. Ano ba?!" Bingi na siya sa rason. Kinaladkad niya si Georgina sa isang sulok, malapit sa bintana. Pasalya niyang binitiwan ang dalaga na napakapit sa pasimano ng bintana. Kasabay noon ay dumikit siya kay Georgina. He used his five eleven frame to block her escape. Halos magkapalit na sila ng hininga sa lapit ng mga mukha nila. "Makinig kang mabuti dahil hindi ko na 'to uulitin pa," may angil ang mababang boses niya. "Kahit ano'ng gawin mo, hinding-hindi mo ako makukuha. Matutunaw ang araw pero hindi ako mabibilang sa koleksyon ng mga lalaki mo!" Nakaramdam siya ng kaunting sundot ng konsensya nang makita ang pamumutla ng babae. Pero hindi niya hinayaang matalo siya ng damdaming 'yon. Bakit ba? 'Yon ang kailangan ni Georgina para magising ito sa kabaliwan. "L-Lee--" "It's Leandro for you, Georgina." Hindi pa siya tapos, hinagod niya ng tingin ang katawan nito. He licked his lips. "At 'wag mong iisiping hindi ko kayang magpaka-hayop. 'Pag hindi ka pa tumigil, ibibigay ko sa 'yo ang habol mo sa paraang babangungutin ka gabi-gabi." Napalunok ang babae, awang ang bibig na nakatingala sa kanya. Gumalaw ang mga labi nito pero hindi nagawang magsalita. Georgina flinched when he lightly touched her cheek. Napangisi siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
87.0K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

His Cheating Heart

read
41.6K
bc

My Husband's Mistress

read
298.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook