Marikit Napakaganda ng babaeng humarap sa akin. Sa tingin ko ay mga kasing edad sya ni Mama. Nagulat lang ako sa kagandahang taglay nya. Sa ganung edad ay napanatili nya ang kanyang kagandahan. Ngumiti sya sa akin ng buong puso at marahang lumapit sa akin. “Anong ginagawa mo dito? Gabi na mahal na Prinsesa, baka mapagalitan ka ng Hari?” napakalambing na sambit nya sa akin. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Sa palagay ko nga ay parang ang tagal na naming magkakilala. “Pasensya na po, hindi kasi ako makatulog , kaya lumabas muna ako para magpahangin. Nasabik lang ako kung ano ang meron sa loob ng malaking pader na ito.. at kilala nyo po ako?” Sabi ko Agad nyang hinawi ang buhok ko at hinimas ang mga pisngi ko. “Oo naman. Ikaw ang Prinsesa na mapapangasawa ng Prinsepe.” Sabi pa

