Marikit Mukha akong tanga dito sa may sulok, habang pinagmamasdan ko kung gaano sya kalambing kay April. Pinipigilan kong huwag magpaapekto. Pinipigilan kong maging kampante sa mga nakikita ko. Panay ang pigil ko sa aking luha na huwag munang lumabas, kahit ngayon lang. Please kahit ngayon lang. Tuwang tuwa ang kaibigan ko sa napakalaki at magandang boquet ng flower na inabot sa kanya ni Macky. May kasamang pang mamahaling mga chocolates at isang human size teddy bear. Ito talaga ang tatak ni Macky, ang magpasabog ng mga mamahaling regalo. Hindi maipaliwanag ang kasiyahang nakikita ko kay April. Labis na kaligayahan ang umaapaw sa puso nya. Paminsan minsan ay may inggit akong nararamdaman, alam kong mali pero hindi ko talaga maiwasan. Umiwas muna ako ng tingin dahil heto na nama

