Halos liparin ang mga dahon at damo sa gitna ng quadrangle dahil sa helicopter na nakatigil sa ere. Lahat ng mga estudyante at mga professors ng University ay napalabas dahil dito. Lahat kami ay nakamasid sa helicopter. Sino ba ang sakay nito? Parang may inaabangan na hindi namin malaman at mawari. Nakita kong nagbubulungan ang ibang mga estudyante. Halos liparin na rin ang palda ng mga babae sa lakas ng ikot ng elisi nito. “My gosh! Ano kaya yan?” curious na tanong ni Trish Maging kami ay napalabas nang makita at marinig namin ang ingay nito. Nagulantang kami sa helicopter na nasa loob ng University. “Hindi ba nila alam na nakakaistorbo sila? Ano bang balak ng mga yan?” galit at halos pasigaw ang pagkakabanggit ko dahil sa hindi na kami magkarinigan sa lakas ng ingay ng helicopte

