Marikit Nagising ako dahil sa kamay na humihimas sa mga pisngi ko. Hindi ko masyadong maimulat ang mga mata ko dahil sa liwanag ng ilaw na tumatama derecho sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng pananakit sa bandang tagiliran. Agad kong iminulat ang aking mga mata nang maaalala ko ang mga lalaking dumukot sa amin ni Benedict. Pagdilat ng mga mata ko ay pinalilibutan ako ng mga lalaking nakamaskara. Yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla kong narinig ang tawanan nilang lahat. Natakot ako! Umagos muli ang mga luha sa mga mata ko. Para silang mga demonyo habang tinatawanan ako! Pagdako ng mga mata ko sa aking kaliwa ay nakita kong walang malay na nakahandusay si Benedict. Triple ang hilakbot na bumabalot sa aking puso. Ang kanilang mga tawa ay umaalingawngaw sa buong kwarto. Mis

