Macky Hindi ko maitago ang kaligayahang nadarama ko nung pumayag si Kuya Leighton sa plano kong dinner date with Kate tuwing Sabado. Gusto ko lang naman mapalapit sa kanya at baka may makuha akong impormasyon tungkol sa mama nya at sa nakaraan nito. At, syempre para makasama ko na rin sya. I am so happy everytime I’m with her. Ayoko nang magpaliwanag. Habang papalapit kami ni Kate sa classroom ay napansin namin ang grupo ng mga lalaking estudyante na nagkukumpulan, naghihiyawan at nag-aasaran sa may gilid ng poste malapit sa main building. Magugulo sila. Maiingay at mukhang nagkakatuwaan. Pagdaan namin ni Kate ay bigla silang natahimik. Napatingin sila sa amin at ang iba ay nagbubulungan. Ano bang problema ng mga lalaking ito? Pero parang kilala ko ang grupong ito. Mga miyembro

