Marikit Hindi na maipaliwanag ng puso ko ang kasabikang nag-uumapaw dito. Ngayon na ang araw na magkikita kami ng aking Prinsepe. Ngayon ang araw na dadalaw sya sa aming bahay para lubos nya akong makilala at ang aking pamilya. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Naghalo halo na ang mga emosyon sa puso ko. Masaya! Nakakakaba! Tila ba lalagnatin ako sa tindi ng pananabik ko para sa Prinsepe. Pinaghandaan ko ang araw na ito. Gusto ko ay ako ang pinakamaganda para sa kanyang mga mata. Gusto kong mabighani sya sa unang araw ng aming pagkikita. Ilang balde na yata ng kilig ang bitbit ko mula pa lang nung malaman kong ikakasal ako sa Prinsepe. Nang palabas na ako ng aking silid ay napadako ang tingin ko sa aking cellphone na nakapatong sa lamesita. Napabuntong hininga ako.

