Chapter 7

2163 Words
Sumakay na kami nila kuya Leighton at ng bagong babae nya sa kotse ni Macky. Sa likurang bahagi kami ng sasakyan naupo. Si Macky naman ay sa tabi ng driver nya naupo. Hindi na pinakilala sa amin ni Kuya ang kasama nyang babae, alam ko naman ang eksena nila, bukas lang ay ibang babae na naman ang kasama ng kuya ko. “Manong sa Westville Subdivision tayo” utos ni Macky sa driver nila Napayuko ako sa sinabi nya, heto na ang kinatatakutan ko, ang malaman nyang nagsisinungaling lang ako na sa Westville kami nakatira. Nagawa ko lang iyon para makasabay sa kwentuhan nila noon. Lahat kasi sila ay anak mayaman at sa magandang subdivision nakatira. Kaya.. Patay! Nagsalubong naman ang dalawang kilay ni Kuya Leighton. “Teka, hindi kami nakatira doon. Malayo kami sa Westville Subdivision.” Sabi ni Kuya Syet! Parang Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Heto na nga ang sinasabi ko, mabubuking na ako ni Macky Peniss. Nagpapanggap pa kasi akong sosyal eh. Nakakainis! Hindi ko naman alam na mangyayari ito eh. Tumingin sa akin si Macky na parang may pagtataka. Pero iniwas ko ang tingin sa kanya at ibinaling ko na lang ang tingin ko sa may bintana. Napakagat labi ako, at parang bubuhos na ang mga pawis sa noo ko sa sobrang kahihiyan. Sa peripheral vision ko, nakikita kong nakangiti naman si Peniss. Siguro pinagtatawanan na nya ako sa isip nya. Baka magbago ang isip nya sa panliligaw sa akin. Alam na nyang mapagpanggap ako. Alam na nyang nagsisinungaling ako. Nakakahiya at nakakainis! “Okay, sabihin  nyo na lang ang exact address.” Sabi ni Macky Agad sinabi ni Kuya Leighton kung saan kami nakatira. Ngayon ay alam na nya na hindi talaga ako nakatira sa exclusive subdivision. Nakatira lang kami sa maliit na bahay sa may España Manila. Syet! Sa biyahe ay halos mangawit na ang leeg ko dahil sa bintana lang palagi ako nakatingin, ayoko nang magtama ang mga mata namin ni Peniss. Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba. Parang ayoko nang makita si Macky. Pero pagsulyap ko sa kanya ay nakamasid sya sa bahay namin at parang may pag-aalinlangan sa mukha nya. Gusto ko nang dumeretso sa kwarto ko. Masyado na akong napahiya kay Peniss! Tumakbo na akong papasok ng bahay at umakyat na ako sa kwarto. Nakita ako nila mama at papa pero hindi ko sila pinansin. Marahil ay nagtataka sila dahil sa pagmamadali ko. Pumasok agad ako ng kwarto ko at nilock ko ang pinto. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at nagtakip ako ng unan sa mukha. Hiyang hiya ako kay Macky. Hindi ko talaga inaasahan na mapapahiya ako ng ganito sa kanya. Baka, kaya nya ako niligawan ay dahil akala nya ay kagaya ako ng ibang babae sa University na nakatira sa malapalasyong bahay. Pero malalaman nya na sa isang masikip at maliit na bahay lang dito sa Espanya kami nakatira?  Alam kong mapapaisip na sya kung itutuloy pa nya ang panliligaw. Maya maya lang ay may kumatok sa aking kwarto. Bagsak balikat akong tumayo at binuksan ko ang pinto. Nakita ko si Mama. Nakapameywang sya sa akin. Bumalik ako sa kama ko at nahiga muli. “Ano? Hindi mo bababain ang bisita mo?” Tanong nya sa akin Nagtakip muli ako ng unan sa aking ulo. “Ayoko ma, ayoko syang makita!” sabi ko Pero naramdaman ko ang maliliit na kurot ni mama sa akin. Galit sya. Galit si mama dahil may pangggigigil na sa mga kurot nya. “Tumayo ka dyan at asikasuhin ang bisita mo sa ibaba!” bulyaw nya Padabog akong tumayo. Naiirita talaga akong makita si Macky. Ano na lang ang sasabihin nya sa akin mamaya? Baka ibuko pa nya ako sa pamilya ko na isa akong mapagpanggap na tao. Pero wala na akong magagawa dahil narito na sya sa bahay! Napabuntong hininga ako. “Sige ma, magbibihis lang ako!” nakabusangot na sabi ko. Umalis na si Mama sa kwarto ko. Agad akong naghanap ng maisusuot sa cabinet ko. Napili ko ang high waist maong shorts ko at ang crop top white blouse. Ayos na siguro ito. Naglagay lang ako ng kaunting powder sa mukha at kaunting lipstick. Wala talaga akong gana! Pagbaba ko ay nakita kong pinalibutan na sya ng mga kuya kong usisero. Mukhang nacorner na nila para pagtripan si Macky. Habang kausap nya ang mga kapatid ko ay tila ba bumagal na naman ang oras. Bawat pagkurap nya ay nahuhuli ko. Bawat buka ng bibig nya ay nagugustuhan ko. Sobra  gwapo kasi ni Peniss at hindi ko talaga itinatanggi iyon. Kapag nakikita ko sya ay may kung anong bagay ang umiikot ikot sa tiyan ko. Nang lumingon sya sa akin ay parang malalaglag ang puso ko. Bigla na namang nagtalunan ang puso ko sa loob ng dibdib ko. Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang binitawan nyang salita. Wow! Napawow ko ba ang isang Macky Peniss? “Kapatid nainterview na namin si Macky. Infairness, gwapo na matalino pa!” sabi ni Kuya Jordan “Naku! Basta huwag nya lang sasaktan ang kapatid ko, makakatikim ka talaga ng kambal na bugbog sa akin!” si Kuya Leighton Sus! Kung makapagsalita si Kuya Leighton akala mo hindi nagpapaiyak at nananakit ng babae. Ilang babae na nga ang sumugod dito sa bahay. Napanguso ako habang naupo sa sofa, sa tabi ni Kuya Migz. Napansin ko  ang ilang piraso ng tinapay sa ibabaw ng center table at ilang baso ng softdrinks. Magaling talagang mag-alaga ng bisita si Mama. Si Kuya Leighton ay panay ang lambing sa kasama nyang babae, nakakairita! Si Kuya Jordan naman ay panay pa din ang interview kay Macky. Pero nang mapagawi ako kay Peniss ay may kakaibang tingin na sya sa akin. Ano ba ang problema nya ngayon. Hindi ko sya kakausapin dahil alam ko na ang laman ng utak nya. Nagsinungaling ako sa kanya at marahil ay hindi na sya nagtitiwala sa akin. “Ano namang nakita mo sa kapatid namin, bukod sa kaartehan nya?” nakakaasar na tanong ni Kuya Jordan “Kuya?!” sigaw ko Nakangiti lang si Peniss at mukhang handa naman nyang sagutin ang banat ng kuya ko. “Yes! Maarte po talaga si Kate! Pero ayos lang, gusto ko pa rin sya. Nakakatawa po kasi sya eh.” Sagot ni Peniss. Humagalpak sa tawa ang mga kuya ko. Nagsalubong lang ang dalawa kong kilay sa kanya. Salamat naman sa napakagandang sagot nya. Salamat naman at dahil sa sagot nya ay may pagkakataon na naman akong asarin ng mga kapatid ko. “Gusto mo pala ng nakakatawa! Mukha kasing clown ang kapatid namin!” isa pang banat ni Kuya Migz Alam kong hindi mapigilan ni Peniss ang mga tawa nya, nakikita ko ang labi nya na unti unti nang naaabot ang tenga nya. Gustong gusto nya akong pinagtatawanan talaga? Parang gusto kong umiyak sa harapan nila. Pinagkakaisahan nila ako, sa mismong bisita ko? Ibang klase talaga kapag may mga kapatid kang abnormal. “She’s cute and charming, kahit nakakatawa sya.” Dagdag pa ni Peniss Tumingin pa sya sa akin at binigyan na naman ako ng hanep na killer smile nya. Buti na lang at gwapo sya, kaya konti lang yung inis ko sa kanya. Buti na lang gwapo sya, napapangiti nya akong talaga. Ayee. Kalma lang ulit self! Syet! “Oh sya sige, aalis na ako at may work pa me!” sabi ni Kuya Jordan at nagpaalam na sa amin. Night shift kasi palagi si Kuya Jordan. Si Kuya Leighton naman ang nakipagkulitan kay Macky. Kasama na rin si Kuya Migz. Pero maya maya lang din ay isa isa na silang umalis. Si kuya Migz ay umakyat na ng kwarto nya, may tatapusin pa daw na homework. Samantalang si Kuya Leighton ay umakyat na din sa kwarto nya kasama ang bagong babae nya. Gagawin na naman nyang motel ang bahay namin. Nakakadiri sya! Naiwan kami ni Macky sa sala. Si mama kasi ay abalang nag-aayos sa kusina, si Papa naman ay inaayos ang motor nya sa labas. Kaya wala na kaming magagawa. Naiwan na kaming dalawa sa sala. Sandling nanahimik ang paligid. Hindi ko alam ang sasabihin ko eh. "I-I'm sorry kung lagi kitang inaasar dati. Sabi ko sayo, that is my strategy to get your attention!" Sabi nya Biglang nag-init ang pisngi ko. Grabe! Ibig sabihin ay dati pa nya akong gusto? "P-pero paano? B-bakit ako?" Tanong ko sa kanya Mas tinitigan pa nya ako sa mga mata ko. "Kasi maganda ka! Saka masaya ako kapag kasama ka!" Sagot nya OMG! Wala na akong masabi. Yung lalaking kinaiinisan ko noon dahil hindi nagagandahan sa akin, ngayon naman ay pinupuri ako. Ngayon naman ay nasa harapan ko sya dahil nanliligaw sya sa akin? Yung pangarap ng mga estudyanteng babae sa University ay sa akin may gusto? "A-akala ko si April ang gusto mo?" Tanong ko pa ulit Iyon talaga ang nasa isip ko. Akala ko ay si April ang liligawan nya. Kaya nga medyo nakaramdam ako ng lungkot, inis at .. at.. selos?? OMG! Bakit ako nagseselos? Pero bulto ng tawa ang itinugon nya sa akin. "April is a good friend! Saka, alam nya na ikaw ang gusto ko. Selos ka ba?" Tanong nya Napanguso ako at todo tanggi! Umiling ako ng ten times siguro para lang malaman nya na hindi ako nagseselos. Slight lang! Siguro! "Hindi ah!" Tanggi ko Ang pula pula na siguro ng pisngi ko. "Okay lang! Gusto pa rin kita, kahit nagsinungaling ka sa akin." Sabi nya Kinindatan pa nya ako habang lumagok ng softdrinks. Napakagat labi ako sa kanya at nahiya. "Gusto ko lang kasi na maging kagaya nyo. Sosyal, mayaman, at nakatira sa magandang bahay." Malungkot ang tinig ko nang sabihin ko ito. Napabuntong hininga sya sa akin. "You don't need to. Just accept who you are. Ako, tanggap naman kita. At sa nakikita ko, kahit maliit ang bahay nyo pero sobrang saya naman!" Sabi nya Parang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Tanggap ako ni Macky. Tanggap pa rin nya ang buong pagkatao ko. Kailangan ko lang magpakatotoo sa sarili ko. Ngumiti ako sa kanya, kakaiba rin pala ang isang Macky Peniss. Seryoso sya at nararamdaman ko talaga na mahalaga na ako sa kanya. Maya maya lang ay pumasok si Papa. "Sino nagpadeliver ng pizza? Ikaw ba hijo?" Tanong ni papa "Yes po!" Sagot ni Macky Tumayo sya para labasin ang inorder na pizza. Para sa amin ba yun? Bakit alam nya ang favorite ko? Mula sa starbucks, ngayon naman ay pizza. Lahat ng yan ay mga paborito ko. Ilang saglit lang ay dala na nya ang dalawang box ng 18inches na pizza. Nalula ako sa laki! "Bakit ka umorder?" Tanong ko Nilagay nya ang pizza sa ibabaw ng mesa. "Tinanong ko si Trish, isa daw to sa mga paborito mo!" Sagot nya Napailing na lang ako! Syet! Nagresearch pa talaga sya ng tungkol sa akin? Lumabas si Mama mula sa kusina. "Wow! Ang laki at ang dami naman nyan!" Sabi ni Mama Binuksan na nya ang isang box at sobrang dami ng toppings. Naglalaway tuloy ako. Sa tingin ko ay nakatunog ang mga kuya ko sa dumating na pizza kaya nagsibabaan sila. "May pizza ba?" Tanong ni Kuya Migz Napangiti si Macky. "Yes bro! Halika kain na dito!" Pagyaya ni Macky. Maya maya naman ay bumaba na si kuya Leighton, kasama pa rin ang bagong babae nya. Naku! Pawisan na ang dalawa ng bumaba. "Yown! May papizza si pogi ah!" Pang aasar ni Kuya Leighton. Kumuha sya ng isang piraso at inabot sa girlfriend nya. Sa tingin ko naman ay nagustuhan ng pamilya ko ang paandar na pizza ni Macky. Nagulat na lang ako ng ikuha ako ni Mackky ng isang slice na nakalagay sa tissue. "This one is the best! You must try it!" Sabi nya Kinuha ko ang pizza slice at kinagatan ko agad ito. Hindi na kasi ako makakilos sa mga pinapakita ni Macky. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. "Wow! Pizza? Anong meron?" Si ate Liza Kararating lang nya galing sa trabaho. Tumayo si Kuya Leighton. Hawak pa nya ang isang slice ng pizza at kumagat muna bago nagsalita. "Yung bunso natin dalaga na! May poging tisoy na galanteng manliligaw!" Pagbabalita ni kuya. Napanganga si Ate. Siguro ay ikinagulat nya na may nanliligaw na sa akin. May naglakas ng loob sa kabila ng may mga barako akong kuya. Ay yung isa pala ay binabae. "Ohh! Hi! I'm Liza! Ikaw?" Pagpapakilala ni ate Bahagyang napalunok si Macky. Pero ngumiti sya at buong pusong nagpakilala sa kanya. "I'm Makisig Peniss! Macky for short" sabi nya Biglang nabuga ni Mama ang kinakain nyang pizza. Nabilaukan sya! Nabulunan! Basta parang nagulat! "Ma! Ang baboy! Nakakahiya sa bisita!" Sigaw ni Kuya Migz "Peniss? Makisig?" Parang gulat na tanong ni Mama. Nanlaki din ang kanyang mga mata. "Y-Yes po! May problema po ba?" Sagot ni Macky Nagtataka ako sa mga ikinikilos ni Mama. Bakit parang ikinabigla nya ang pangalan ni Macky? Nagulat ba sya dahil pareho kami ni Macky na may kasumpa-sumpang pangalan. Napahawak sa dibdib si Mama. Uminom sya ng tubig. Tinitigan nya si Macky at biglang nabuo ang galit sa mukha ni mama. Bahagyang natakot si Macky sa biglaang pagbabago ng awra ni mama sa kanya. Pero bakit naman biglang nag-iba ang mood ni mama ng malaman ang totoong pangalan ni Macky. Parang kapag nagtatanong ako sa kanya kung bakit ba ganito din ang pangalan ko. Parehas ang reaksyon nya. Galit at wala na sya sa mood. Ano ba talaga ang tintago ni mama sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD