Marikit Isang buwan ang lumipas... Hindi na kami nagkita pa ni Macky. Hindi na rin sya nagtetext o tumatawag sa akin. Marahil ay hindi na sya makabili ng load dahil sa naging estado ng buhay nya ngayon. Madalas syang dalawin nila Trish, pero hindi na ako sumama pa. Ayoko nang bumalik sa lugar na tinitirahan ni Macky. Hindi ko kaya ang nakakasulasok na lugar na 'yon. Pero madalas na sumagi sa isip ko si Macky. Lagi ko syang iniisip at inaalala. Mas madalas ko pa nga syang isipin kaysa sa Prinsepe na lagi kong kasama. Minsan gulong gulo na ang puso ko. Pilit kong dinidikta sa puso ko si Charlie, pero laging nakaharang na doon si Macky. Si Macky pa rin ang nagmamay-ari ng malaking parte ng puso ko. Syet! Pero hindi na nga pwede dahil may Prinsepe na ako! At dahil... Mahirap na si Macky

