bc

THE UNTOLD LOVE

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
second chance
neighbor
stepfather
heir/heiress
no-couple
lighthearted
bold
witty
campus
secrets
addiction
like
intro-logo
Blurb

Jasmine Kaye had a tough childhood days,she'd been a strong girl,she was independent on her own.She's living with her rebeled father and her Lola that had given her all the love and care she needed.She had her ate but they are in a long distance,she had a best friend that always supports her, they have a gave and take relationship...But one day....it changes... everything changed... because of someone else. She always gives up on things for her best friend because she believes in a saying "it's better to give than to receive" ....but then her belief changes....She tried so many times but she can't....she can't give up on him...Her Heart says other than her mind... She can't think straight!She was so confused!Who will she choose?....Her best friend that is always on her side through laughter and tears or the guy that suddenly showed up between them?A life full of problem only one thing is the solution and its follow what your heart wanted...do the things that can make you happy...Would she be able to set aside her belief? And follows what her heart says? Or maybe keep what she's feeling and pretend that it's nothing?

chap-preview
Free preview
SIMULA
Malapad ang ningiti ko habang nagdo-door bell sa lumang gate,halos kainin na iyon ng kalawang.Pinagmasdan ko ang makalumang bahay na kinalakihan ko,kailangan na talagang ipaayos iyon may natutuklap na kasing yero at ang capiz sa bintana ay kulang na rin. Ilang segundo rin ang paghihintay ko bago ko narinig ang nakakabinging ingay na pagbukas ng gate.Gulat ang mukha ni ate ng makita ako. "Kaye!" masayang salubong ni ate Jorhea sa akin sabay yakap ng mahigpit. "Ate!" Tili ko sabay ganti ng yakap. Halos mawalan kami ng balanse dahil sa pagsalobong niya sa akin ng mahigpit na yakap,para na rin akong kinakapos ng hangin at alam kong ganoon din siya pero hinayaan lang namin ang isa't isa sa ganoong posisyon. Matagal-tagal na rin ng huli kaming magkita sa tingin ko anim na buwan na ang nakalilipas at palaging sa tawag o text lang ang komunikasyon namin, simula pagkabata ay iyon lang ang koneksiyon namin sa isa't isa. Bata palang ay iniwan na kami ng aming ina at ipinagpalit sa lalaki si papa naman ay nalulong sa babae at alak kaya kay lola kami naiwan.Nung mga panahong iyon walong buwang sanggol palang ako habang si ate Jorhea ay limang taong gulang.At dahil hindi kaya ni lola ang buhayin kaming dalawa ay pumayag siyang doon muna si ate sa isa naming kamag-anak na may kaya.Bagama't magkalayo kami nanatiling magkalapit ang aming loob sa isa't isa,kailan man ay hindi namin nakalimutan ang isa't isa lalo na sa mga importante at mahahalagang okasyon sa buhay namin. "Bakit hindi mo sinabing ngayon ang uwi mo?Di ba dapat sa susunod na buwang pa ang uwi mo?Napaaga naman ata,akala ko ba may malaking event kayong ihahandle at kailangang kailangan ka doon?" magkasunod niyang tanong habang kumakalas sa to yakap.Napangiti ako halata kasi ang pagkasabik sa boses niya. Bago pa man ako makasagot ay muli siyang nagsalita. "Bago mo sagutin ang tanong ko halika pasok ka muna" excited na sabi nito at tinulungan akong dalhin ang mga bagahe ko papasok sa kabahayan.Pinaupo niya ako at tenimplahan ng juice saka excited siyang umupo sa katapat na pang-isahang upuan. "Sagutin mo na ang tanong ko" ngiting aniya. Uminom muna ako bago sumagot "Hindi ko sinabi para surprise- "Aba! Talaga namang na surprise ako!" putol nito sa sinasabi ko. Ipinagpatuloy ko ulit ang naudlot kong paliwanag "Dapat talaga sa susunod na buwan pa,kaya lang nag-aalala ako sayo dahil alam ko ang dami pang kailangang ayusing preperasyon" Two months mula ngayon ay kasal na ni ate kaya ang daming kailangang ayusin.Hindi naman ako mapakali sa trabaho habang iniisip na mag-isa siyang mag-aayos kaya nag leave ako, buti pinagbigyan ako ni boss. Kumunot ang noon niya "Akala ko may malaking event kayo next month at kailangang kailangan ka doon?" Sumimangot ako.May malaking event na gaganapin next month at bilang isa sa mga manager ng hotel isa ako sa mga kailangan doon para sa pagsasaayos. "Indefinite ang leave ko,pinagbigyan ako ni boss dahil ngayon lang daw ako humingi ng mahabang leave at saka importante naman daw." "Wow! Nakakataba naman ng puso, dahil sa akin nasira ang napaka-perfect mong attendance"pabiro nitong aniya. " 'yaan mo babawi ako kapag ikaw ang ikinasal"dagdag na tudyo nito. Umirap ako "Wala,malabo at matagal pa iyon mangyari dahil kaka-break lang namin ni Jason" "Ano!Susmareyosip!"gulat niyang saad "Aba'y pangatlo na ah!" "Ate! Alam mo namang ayaw ko sa premarital s*x d'ba? E, iyon ang hinihingi niya sa akin at hindi ko iyon maibibigay sa kaniya kaya ayun nakipaghiwalay ang gago" naiinis kong aniya. "Sus! Buti nakipaghiwalay hindi ka niya tunay na mahal" Akala ko noon si Jason na talaga,akala ko iba siya.Mali pala ako! Nakakilala kami sa tulong ng common friends namin.Sinadya ko ring pahirapan siya sa panliligaw,halos umabot rin sa isang taon.Akala ko noon iyon ang matibay na pundasyon sa isang relasyon.Mali pala ako,isang huwad na damdamin ang ipinakita niya sa akin at peke lahat ng ipinaramdam niya dahil ginawa niya lang iyon dahil may kailangan siya sa akin.Gusto niyang makuha ang akin. What an asshole! "Nga pala!" Napabalik ako sa ulirat ng biglang nagsalita ng malakas si Ate na tila may naalala.Napatingin ako sa kaniya,nagtatanong. "Iyong binilin kong pasabulong ni lola nabili mo ba?" Ngumiti ako "oo" "Alam mo bang miss kana nun,may minsan ngang Kaye na ang tawag nun sa akin" "Talaga! Asaan siya ngayon?"excited na tanong ko. Namiss ko na din si lola.Mula kasi ng nakapagtrabaho ako minsan nalang ako umuwi dito,tuwing December pagpasko at sa January tuwing new year lang, isang linggo lang ang nilalagi ko minsan nga tatlong araw lang. "Nakay tiya Puring siya,baka sa susunod na araw o di kaya sa susunod na linggo pa umuwi iyon.Alam mo naman si lola hindi na mapermi" Napatango-tango ako. "Nga pala ate nakahanap na ba kayo sa magrerenovate nitong bahay? Kailan daw ba sisimulan?"magkasunod na tanong ko. Kailangan masimulan na ang pag-aayos, dito lang din kasi ang venue ng reception sa kasal ni ate.Nag-aalala ako na baka hindi matapos bago sumapit ang kasal ni ate. "Si Juancho at kuya Roel m na raw ang bahala doon"tukoy nito sa fiance. Napaawang ang labi ko,bigla namang tumingin si ate sa akin na tila may kahulugan. "Naaalala mo pa ba si Juancho?"dagdag pa nito. Napaiwas ako ng tingin ng marinig ang pangalang iyon.Tila kinapos rin ako sa paghinga at sobrang nagwawala ang dibdib ko.Kinakabahan ako na 'di mapaliwanag.Sa paanong paraan ko siya hindi maaalala gayong siya ang taong ginawan ko ng malaking kasalanan na sa tingin ko bibitbitin ko habang buhay. Napabaling ako ng marinig ko ang malakas na tawa ni ate.Napakunot ang noo ko.May nakakatawa ba? "B-bakit ?"nauutal kong tanong Tumawa ulit siya "Sa reaksiyon mong 'yan gusto ko nang maniwala kay Juancho na may utang ka sa kaniya at sisingilin niya iyon sa muli niyong pagkikita"mapanudyo nitong aniya. Sa sinabi ni ate napainom tuloy ako sa juice.Tinunga ko ang nangangalahating inumin. "Sinabi niya 'yun sayo?" Tumango si ate at halata ang aliw sa mga mata nito "uh-huh! Alam mo bang nasasabik ako kung ano 'yun.Sigurado kasi akong hindi cash ang utang mo, e"halata ang panunudyo sa boses niya. Umirap ako para itago ang kaba "wala siyang dapat singilin sa akin.It's just a simple misunderstanding"matapang na sabi ko. "Kumuha na rin tayo ng ibang tao na magrerenovate ng bahay"deritsang dagdag ko. "Ohh,akala ko ba simple misunderstanding lang, bakit gusto mo ng iba"ngising tudyo ni ate. "Hindi ko kayang bayaran ang talent fee ng isang Pangilinan"pagdadahilan ko. Marami akong narinig na balita tungkol sa pamilya nila.Mula sa pagiging middle class ay umangat sa first class ang pamilya nila. Tumawa si ate "Siya nga ba? Huwag kang mag-alala libre naman na daw" "Ate seryoso ako!Kausapin mo si kuya Roel"nagsisimula na akong mapikon. Bumungisngis ito"Seryoso din naman ako,libre lang daw.Wala namang masama doon diba?Magkalapit ang pamilya natin sa kanila at isa pa magkaibigan si Kuya Roel mo at Juancho at sa pagitan nila ang usapan na iyon,labas ako doon" Wala akong pakialam! Basta ayaw ko! Hindi ko ata kayang harapin siya.'di bale ng gumastos ako ng malaki basta may peace of mind ako. "Kung di mo kaya,ako nalang ang kakausap kay kuya Roel "matapang na sabi ko. "Kaya mo 'yun?"nanghahamon na tanong ni ate. "Oo"confident na sagot ko. "Alam mo parang naiintindihan ko na ngayon kung bakit ka umuuwing single dito kahit pa nga kung saan saan ka nakakarating"Pag-iiba nito sa usapan. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.Hindi ko makuha ang nais niyang sabihin. "Ano?" Hayan na naman ang ngiti niyang nanunudyo "It seems you left something special here" Umirap ako at tumayo kinuha ko ang maleta at binitbit papanhik sa taas,magpapahinga nalang ako.Nakakapikon siya!.Dinig ko pa ang malakas na tawa ni ate at ang pasigaw na tawag nito sa akin. "Kaye,tama ako 'no!"sigaw nito "Ewan ko sayo!" Mabilis ang hakbang ko paakyat sa kwarto.Kaagad akong humilata sa kama ng makarating,na miss ko ang kwartong ito.Maya-maya ay nakarinig ako ng katok,tinatamad akong bumangon at pinagbuksan ang kung sino Mang kumakatok ng pinto. Nakangiting aso si ate habang inilalahad sa harapan ko ang traveling bag ko.Nanunudyo pa rin ang tingin nito.Bago pa man siya makapagsalita inunahan ko na. "Magpapahinga ako" Humalakhak siya.Sinarado ko na ang pinto bago pa man niya ako matudyo.Pikon talaga ako kay ate, siya pa man din ang pinakamapang-asar,kaya kadalasan inililihim ko ang mga bagay-bagay sa kaniya. Magpapahinga muna ako nanakit ang likod ko sa apat na oras na pagkakaupo,nakakapagod din pala ang matagal na byahe papunta rito. Naligo muna ako at nagbihis bago humiga sa kama,mamaya na ako nag-aayos ng gamit.Napatitig ako sa kisame,wala pa ring pinagbago ang kwarto ko,ganoon pa rin ang ayos nito mula ng umalis ,nakakamiss! Ipinikit ko ang pagod kong mga mata at pinilit na makatulog,ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ako dinadalaw ng antok nakailang palit na rin ako ng posisyon.Kainis naman! Ang utak ko kung saan saan lumilipad! Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni ate kanina,parang tangang paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko iyon. "Sa reaksiyon mong 'yan gusto ko nang maniwala kay Juancho na may utang ka sa kaniya at sisingilin niya iyon sa muli niyong pagkikita" "Sa reaksiyon mong 'yan gusto ko nang maniwala kay Juancho na may utang ka sa kaniya at sisingilin niya iyon sa muli niyong pagkikita" "Sa reaksiyon mong 'yan gusto ko nang maniwala kay Juancho na may utang ka sa kaniya at sisingilin niya iyon sa muli niyong pagkikita" Parang gusto ko nang bumalik sa Manila! Juancho! Alam kong darating ang araw na magtatagpo ulit ang landas namin pero hindi pa ngayon.Hindi pa ako handa! Sampong taon na ang nakakalipas mula ng huli kaming magkita.Sa sampong taon na iyon pinilit kong kalimutan siya,pilit kong ibinaon sa limot ang mga nangyari pero bitbit ko pa rin ang kasalanang nagawa ko. Kailanman ay hindi ako nakatakas sa kaniya,daladala ko ang guilt mula noon hanggang ngayon.May parte sa akin na gusto siyang makita pero mas lamang ang parte na ayaw ko siyang makaharap. Natatakot ako! Natatakot ako sa tratong ibibigay niya sa akin,malaki rin ang kasalanan ko.Alam kong rin na sa paglipas ng panahon marami at malaki ang ipinagbago niya. Pumasok na sa isip ko na maaaring hindi na siya ang Juancho na nakilala ko noon.Mas marangya na ang kinalalagyan ng pamilya nila kumpara noon. Bumangon ako.Hindi ako makatulog mapapagod lamang ako sa kakahiga.Tumungo ako sa terrace ,may araw pa pero hindi gaanong mainit dahil mag-aalas kwatro na ng hapon.Nakaharap ang terrace ng bahay sa dagat at mula sa kinalalagyan ko kitang kita ang unti unting pag-lubog ng araw tila naman niyayakap ng alon ang papalubog na araw.Ang ganda ng view! Kasabay ng halos pag-lubog ng araw ang panunumbalik sa akin ng nakaraan.Tila ibinubulong ang pangalang ni Juancho ng malakas na hanging nanggagaling sa dagat. Sa kalagitnaan ng pag-aagaw dilim at liwanag ay siya ring pagbalik ng mga alaala ko mula sa nakaraang pilit kong kalimutan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
316.3K
bc

Too Late for Regret

read
334.8K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
146.3K
bc

The Lost Pack

read
449.5K
bc

Revenge, served in a black dress

read
155.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook