Meron kaming kastilyo. Ito man ay hindi kasing laki ng isang mansyon ngunit dito ang mundo ko. Hindi ko ipagpapalit ito sa kahit anong kastilyo. Ito ay matatagpuan sa ibabaw ng isang bundok. Dito’y ayaw kong umalis pa kahit hanggang sa paglaki ko.
Isang araw, biglang nagkaroon ng malaking problema sa kastilyo namin. Nagsimula ito noong umaga, Magluluto si Reyna Umaga ng ulam. Hindi niya mabuksan ang sachet ng pampalasa. Hindi pwedeng hindi malagyan ng pampalasa ang ulam na niluluto niya. Hinaniya ang gunting ngunit hindi niya ito makita. Pumunta siya sa Sala ng Kaalaman upang itanong ito kay Prinsesa Hukuman. Nang makarating siya doon, si Prinsesa Hukuman ay hindi mapakali na parang nawawala ang kanyang Rubing Libro ng mga Gamot. Tinanong ni Reyna Umaga kung napansin ba ng prinsesa ang gunting. Sinabi ni Prinsesa Hukuman na hinahanap niya rin ito dahil nag gagawa ulit siya ng isang sining na kailangan niyang ipasa sa akademiya niya na pinasukan. Patuloy na naghanap ulit si Prinsesa Hukuman sa mga kagamitan sa Sala ng Kaalaman. Patuloy naman na nag-ikot si Reyna Umaga hanggang sa makapunta siya sa Larangan ng palaruan kung nasaan si Prinsipe Laro. Masaya na nagbubuo ng robot si Prinsipe Laro. Tinanong ni Reyna Umaga kung napansin niya ba ang gunting. Ang tanging sagot lang ni prinsipe ng Lao ay “Hindi ko po alam.”, at pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa pagbubuo. Nakarating naman si Reyna Umaga sunod sa Pasilyo ng mga pinto. Tumungo siya sa iba’t-ibang naghalo na kulay na pinto na akala mo ay pinaglaruan ang pagpinta sa pinto. Ito ang Kwarto ng Panaginip ni Prinsesa Kasawian. Sa loob nito ay hindi paikot-ikot si Prinsesa Kasawian na para ding may hinahanap. Kalmado lang siyang naghahanap sa kwarto niya na parang nagmumulto sa silid. Tinanong ni Reyna Umaga kung napansin niya ba ang gunting. Sinabi ni Prinsesa Kasawian na hinahanap niya rin ito dahil gusto niyang gupin yung mga tela na nakolekta niya. Sinabi niya na sasabihin niya nalang daw kapag nahanap niya tumango si Reyna Umaga at nagpatuloy sa paghahanap. Nagtungo siya sa Hardin ng Kapayapaan upang hanapin doon ang gunting sakali man na baka naiwan doon. Ngunit sa masamang palad ay hindi niya mahanap doon. Nagtungo siya sunod sa Laboratoryo ng Pagawaan upang tingnan kung naligaw ito sa mga gamit ni Haring Gabi. Ngunit hindi niya rin ito nahanap dito. Halos umiyak ang mga prinsesa at ang prinsipe na hindi nalagyan ng pampalasa ang ulam. Padagdag pa dito, nagngingitngit si Prinsesa Hukuman na hindi pa nila mahanap ang gunting na kailangan niya ng matapos ang sining upang maipasa na ito kinabukasan ng tanghali. Si Prinsipe ng Laro ay nagsimula naring hanapin ang gunting dahil hindi niya matanggal sa pagkakabuhol ng tali sa mga parte ng robot na gagamitin niya. Sa katulad rin na pag-aalala, si Prinsesa Kasawian ay mas lalong namumutla na parang tuluyan nang nagiging multo sa pag-aalala kung nasaan ang gunting upang magawa nya ang gusto niyang tahiin na damit panglaruan bago pa man it mawala sa ang ideya na ito sa utak niya kapag ninakaw na naman ito ng kawalan. Kahit ang kastilyo hindi alam paano papakalmahin ang mga nasa loob niya na nagpapanic na sa paghanap ng gunting. Buong araw na hinanap kahit sa kasuloksulokan ng kastilyo ang gunting ngunit hindi parin mahanap. Nakarating si Haring Gabi ngunit hindi niya napansin ang stress na kastilyo galing sa labas. Sa pagpasok niya ay tinawag niya si Reyna Umaga. Nakisuyo siya na putulin sintas ng kanyang isang sapatos dahil nagkadikit sila at hindi na matanggal kaya hindi niya rin matanggal sapatos niya sa paa niya. Nagulat siya sa naging reaksyon at awra ng Bahay. Sinabi ni Reyna Umaga na kanina pa din nila hinahanap ang gunting ngunit hindi nila mahanap. Nabigo ang Haring Gabi at kumain siya ng merienda ng malungkot dahil hindi niya matanggal ang sapatos niya dahil sa pagkakadikit ang sintas nito. Nagmumukmok rin sina Prinsesa Hukuman at Prinsipe Laro na nanguha ng merienda nila dahil hindi parin nila masimulan ang kailangan nilang magawa dahil kailangan nila ang gunting. Maya-maya lang ay dumarating si Prinsesa Kasawian sa kusina. Sa pagpasok niya ay hiningi nya ang pansin ng lahat at may ipinakita sa kanan niyang kamay. Nasilaw sa liwanag ang apat at nang makita nila ng maayos ay napalitan ng ngiti ang mga malulungkot nilang mga mukha. Parang isang kidlat, agad na kinuha ito ni Haring Gabi at binigay kay Reyna Umaga upang magupit na ni Reyna Umaga ang sintas ng sapatos. Parang lightspeed ang kilos ni Reyna Umaga na ginupit ang sintas ng sapatos ni Haring Gabi, hinugasan ang gunting at binuksan ang mga pampalasa at masayang nagluto na ng hapunan. Dali-daling nag Override Mode si Prinsipe Laro at ginupit ang nag buhol-buhol na tali sa mga parte ka kailangan niya sa robot niya. At parang isang Propesyonal na Doktor na nasa isang importanteng buhay at kamatayan na operasyon si Prinsesa Hukuman nang gumawa siya ng sining niya. Pinaalala ni Reya Umaga na ilagay sa Istante ng Kagamitan ang gunting upang hindi mahirapan pang hanapin ito. Nakinig si Prinsesa Hukuman at inilagay nga ang gunting Istante ng Kagamitan.
Wala ni isa sa apat sa kanila ang naisip na tanungin kung saan nahanap ni Prinsesa Kasawian ang gunting. Habang lahat sila kanina ay masayang naabala sa paggamit ng gunting, patagong napapatawa si Prinsesa Kasawian sa kanyang Kwarto ng Panaginip. Ito ay dahil noong buong araw na naghahanap ang apat sa buong kastilyo para sa gunting, si Prinsesa Kasawian ay nagbabasa lang ng kanyang mahiwagang manga sa kanyang higaan. Nang magbabasa naman siya ng bagong libro nakita niya ang gunting na nakakipit sa isa sa mga libro sa istante niya. Bigla niya naalala na nagamit niya ito kahapon sa kanyang ginawang sining. Masaya siya na magagawa niya ang damit na plano niyang gawin. Sa pagharap niya sa mga nakahanda niya na mga tela ay biglang umihip ang hangin at nawala na ang ideya na naisip ni Prinsesa Kasawian. Nagblangko na naman ang mukha niya. Lumabas siya sa ng Kwarto ng Panaginip nagtungo sa Kusina ng Tamis kung saan nalulungkot ang apat na hindi nila mahanap ang gunting. Binigay niya ito sa kanila, hindi niya na nasabi kung saan niya ito nahanap. Iniwan niya ang gunting sa kanila at bumalik na sa Kwarto ng Panaginip. Natatawa niyang naisip niya sa sarili na siya ang salarin ng nawawalang gunting.
THE END