Malamyos ang ihip ng hangin na ikinakagaan ng damdamin ko kahit na papaano.
Siguro, isa na sa pinaka magandang suhestiyon para sa mga taong gaya ko na may suicidal thoughts ay yung papuntahin sa isang tahimik na lugar upang makapag isip kahit na papaano.
Hindi ko alam pero ang mga ganitong klase ng lugar ang isa sa mga pinaka magandang lugar na napupuntahan ko sa tuwing inaatake ako ng maiitim na desisyon sa buhay.
Tahimik sa school garden kung nasaan ako. Narito rin ako sa pinakatagong bahagi ng school garden at payapang nagpapalipas lang ng sama ng loob dahil sa sagutan namin ni Sharon kanina.
Aaminin kong nakaramdam ako ng lungkot at pagkamuhi sa sarili nang makita kong dumaloy ang luha sa pisngi niya nang dahil sa sinabi ko.
Para bang doble doble ang sakit ng nararamdaman ko. Ito pa lang kasi ang pangalawang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak sa mismong harap ko at mas lalong sa harap pa mismo ng mga taong wala namang ideya sa relasyon naming dalawa.
Unti unti kong naipapakita sa sarili ko na medyo masama akong nilalang at anak para sa kanya.
Wait, hindi naman sa itinuturing ko siyang nanay. Sa katunayan nga ay hindi ko pa rin siya tanggap-
Oo na! May parte sa pagkatao ko ang unti unting tinatanggap ang katotohanang iyon at hindi ko nagugustuhan ang bagay na iyon.
Kahit naman na ipakita niya sa akin na sincere siya sa pagiging nanay ay hindi pa rin naman magbabago ang tingin ko sa kanya.. isa pa rin siyang kabit at naglanding babae kay Daddy para sa'kin. At hindi no'n maibabaliktad ang pag iisip ko para sa kanya. Sorry na lang siya dahil medyo mataas ang sarili ko at kahit na anong mangyayari ay hinding hindi ko ibaba ang tingin ko sa kanya kahit na nasa taas siya at ako ang nasa ibaba.
Tahimik sa lugar na kinauupuan ko kaya naman malaya akong umiyak sa sarili ko. Lahat ng mga hinanakit ko sa kanya sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng pagsasagutan namin sa isa't isa kanina, idinaan ko na lang sa pag iyak.
Para bang pinaghalo halo ang takot at pangamba sa'kin na hinaluan at sinamahan pa ng pinaghalong galit at pait para sa kanya.
Kung sakaling matured ang pag iisip ko nung mga panahong nasa puder pa ako nila Daddy at nagawa ko siyang tanggapin nung una pa lang, mapapariwara ba ang buhay ko?
Magiging maayos nga ba ako sa mga kamay niya?
Hindi naman siya nagkulang sa akin eh, ako lang naman itong mag isang lumalayo sa kanya kahit na alam ko naman sa sarili kong siya na mismo ang lumalapit sa akin. Kahit siya na mismo ang nagmamakaawang bigyan ko siya ng pagkakataon para magpaka nanay sa akin.
Mataas lang ang tingin ko sa sarili ko na kung tutuusin ay hindi ko naman magawang maibaba nang dahil sa pride kong nuknukan ng taas.
Tila ba binulag lang ako ng kasinungalingan at hindi na nagawang kumawala sa kasinungalingang ipinamukha sa akin habang tumatagal ang panahon ko sa mundo. Hindi ko alam pero nararamdaman ko sa sarili kong tila ba lumalaki akong ignorante sa lahat ng bagay.
Umaasa kasi ako na lahat ng bagay na nasa gilid ko ay nasa tamang posisyon kahit na wala naman sa ayos kung tutuusin. Umaasa ako na tama ang lahat at hindi na nagagawang lumingon pa sa kung paano itong nagsimula, which is hindi tama.
Nakakalito.
Isang singhot at pagpupunas pa ng uhog sa mukha ang ginawa ko bago nagdesisyong mag angat ng tingin mula sa pagkakayuko sa mga tuhod nang dahil sa magdamagang pag iyak magmula pa kanina.
Ewan ko ba pero malaking puntos para sa'kin ang mapaiyak ko si Sharon. Kalahati sa pagkatao ko ang nagalit sa sarili nang dahil sa pagsagot ko sa kanya habang ang maliit na parte naman ng pag iisip ko ay patuloy lang sa pagsasabi na deserve niya ang mga salitang binitiwan ko.
Tanging ang mga tahimik na lugar lang ang nakakapag pakalma sa'kin sa tuwing makakaranas ako ng bulto bultong anxiety sa katawan. Just like now, nag uumpisa nanamang tumindi ang insecurities ko sa katawan.
Pakiramdam ko ay walang nagmamahal sa'kin ay mas lalong walang taong gustong makinig sa mga problema ko.. yun ang bagay na nakakaiyak para sa'kin.
Halos mapatalon ako sa kinauupuang ugat nang makarinig ako ng isang boses na tiyak kong nanggagaling sa likod ng punong kinasasandalan ko.
Boses pa lang ay mabilis na akong nakaramdam ng iritasyon, kahit na hindi naman naging harsh sa'kin ang taong nagmamay ari ng boses na iyon.
Pakiramdam ko kasi ay lahat ng taong makakakita sa posisyon ko ngayon ay pagtatawanan ako at isa na doon ang lalaking umupo sa tabi ko at gumaya sa posisyon ng pagkakaupo at pagkakasandal ko sa puno.
"Anong meron, Faience?" Tanong niya habang pinapanood ko siyang umupo at umayos sa pagkakasandal.
Sarkastiko ko siyang binalingan ng tingin at nang mapansin niya ang titig ko ay bigla siyang natawa.
So, here it goes.. pagtatawanan na niya ako niyan.
"Anong meron sa titig mo?"
"Mga mata." Sagot ko na tinawanan niya.
Sa paraan ng pagtawa niya ay para bang iniisip niya na nagbibiro lang ako. Alam niya ba kung anong pinagkaiba ng nagbibiro sa seryoso?
Well, ang nagbibiro ay may ngiti sa labi habang nagsasalita at ang seryoso naman ay walang ibang mababakas sa emosyon kundi ang seryosong mga mata lang, at iyon ang pinagkaiba ng dalawang iyon.
"Hindi ko alam na marunong ka palang magbiro kapag kagagaling mo lang sa pag iyak-"
"Mukha ba akong nagbibiro, Akari?" Reklamo ko.
Panandalian siyang natameme sa pagkaka asar ko. Inabot siya ng ilang segundo na para bang nagitla sa reklamo ko bago siya tuluyang humagalpak sa tawa na inirapan ko na lang.
Yung tipong may problema kang iniinda tapos may isang taong dadaan at sasama sayo, hindi para samahan kang lutasin ang problema mo kundi para dagdagan pa ang inis na pino-problema mo.
Napakagaling lang..