Chapter 14

988 Words
Ilang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Hindi na masyadong lumalabas ng bahay si Harper na kahit gustuhin ko man siyang sunduin at pilitin ay hindi ko magawa. Oo, ilang linggo na ang lumipas pero alam ko sa loob kong magpa hanggang ngayon ay nangungulila pa rin si Harper sa mga magulang niya. Alam kong masakit iyon dahil maging kami na nasa tabi niya ay nararamdaman at nadadamay sa mafilim at malungkot niyang presensya. Saksi ako sa pagbibiruan nilang dalawa ng Mama niya. Yung bonding nilang dalawa ng Papa niya ay saksi rin ako. Kung hindi lang nga dahil kay Mama at kay Daddy ay baka ipinilit ko na lang ang sarili ko na tumira sa bahay nila Harper dahil kung ikaw ang nasa kalagayan ko, mararamdaman mo rin ang saya sa tuwing magkakasama silang tatlo. Nagbago nga lang ang lahat dahil sa pagkawala nilang dalawa. Ganoon naman siguro talaga ang buhay, hindi ba? Kung sino man ang nagiging sanhi mo ng kaligayahan, sila rin ang magiging bunga ng pagiging malungkot mo. And believe me, yung mga ganitong klase ng hindi patas na mundo, ito ang kinasusuklaman ko sa ngayon. Hanggang sa dumating ang araw na ikinakatakot ko. Dahan dahan kong inabot ang sulat na ibinigay ni Mama sa'kin. Speaking of Mama, labis na ang timbang na nawala sa kanya. Panay siya sa pag ubo at tila ba kinakapos ng hangin sa tuwing maglalakad o magsasalita. Halos linggo linggo rin kaming dumadalaw sa Doctor pero sa tuwing darating na ang resulta ng laboratory test niya, wala siyang ibang ginagawa kundi ilayo ito sa akin at tila ba ayaw ipaalam kung ano nga ba ang resultang nakasulat rito. Palaisipan sa'kin lahat ng mga gamot na nakikita kong nagkalat sa kwarto niya. At alam niyo ba kung anong ikinaiinis ko?  Sa halos linggo linggo naming pagbisita sa Doktor, ni minsan ay hindi man lang nagpakita ng interes si Daddy. Para bang habang tumatagal ang panahon, mas lalo akong naiinis sa kanilang dalawa ni Tita Sharon. Kahit na ilang beses kong sabihin kay Daddy na nagpapa Doktor si Mama, wala siyang ibang sinasabi kundi, "Okay", "Sige", like, hello? Tanginang buhay 'yan. Dahan dahan kong inabot ang sobrang inaabot ni Mama sa'kin. Ipinakita ko sa kanyang nag alala ako nang bigla na lamang siyang umubo at para bang nasusuka pero sumenyas lang siya na hayaan siya at ilaan na lang ang oras ko sa pagbuklat ng sobre. Para sa'kin ay mas importante ngayon ang kalagayan ni Mama dahil panay na siya sa pag ubo na para bang mailuluwa na niya lahat ng lamang loob niya sa sikmura. "O-Okay lang ako, Anak.." sambit niya kasabay ng marahang pagtulak sa'kin at nagtungo na sa kwarto niya upang doon maghapong magkulong. Malungkot kong binalingan ang pinto ng kwarto niya na magpahanggang sa kinatatayuan ko ay naririnig ko ang mga lagapak ng pag ubo niya. Alam kong may itinatago siya sa amin nila Tita Sharon na maging si Daddy na asawa niya ay pinagtataguan niya ng sikreto. Samantalang itong si Daddy, walang ibang ginawa kundi sumama at humaliparot kay Tita Sharon. Isa pa itong malanding babae na kahit na alam niyang may asawa na ang lalaking kinakalantaryo niya, wala siyang ibang ginagawa kundi lumingkis kahit na nasa harapan niya si Mama. Ni hindi ko nga alam kung may kahihiyan pa ba silang dalawa sa aming mga nakakakita. Dahan dahan kong ibinaba ang titig ko sa kulay asul na sobreng inabot ni Mama sa'kin at prenteng inilabas mula rito ang isang nakatuping papel na alam kong sulat para sa'kin. Korte pa lang ng pagkakadikit ng mga letra nito, alam kong galing ito kay Harper. Agad kong natutop ang bibig ko at hindi an nagawang magpaalam kay Mama nang nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Ni hindi ko na rin nagawang mag ayos ng sarili dahil sa sulat na binasa ko, walang dapat na ipag ayos! "Faience, saan ka pupunta?" Tanong ni Tita Sharon nang makita niya akong dumiretsyo sa garahe. Mabilis kong tinanggal ang lock ng bisikleta ko at inibis na iyon palabas ng garahe. Kanina ko pa nakita si Tita Sharon na nakaharap sa mga halamanan at abala sa pagdidilig nito gamit ang water hose. Natigil lang siya sa pagdidilig nang makita niya akong papalapit sa garahe upang damputin ang bisikleta na gagamitin ko. "Aalis ka ba?" Tanong niya. Alam kong may namamagitan sa kanilang dalawa ni Daddy. Pero as long as hindi nasasaktan ang Mama ko, ipapakita at ipaparamdam ko pa rin sa kanya ang respeto kahit na alam ko sa sarili kong hindi niya naman deserve ang putang inang bagay na 'yon. "Opo, Tita." Sagot ko na lang habang nanginginig na ang mga kamay. Punyeta ka kasi, Harper! Bakit kasi sa dinami dami ng araw na lilipas, bakit ngayon pa? Gusto kong ibato ang bisikletang haeak ko at magwala dahil sa nabasa ngunit ginawa ko ang lahat upang maging kalmante at hindi ipakita sa babarng nasa harap ko ang tinay na nararamdaman ko ngayon. Kita ko ang concern sa mga mata niya na inirapan ko sa isip ko. Para saan ang concern, Tita Sharon? Kasi sa totoo lang.. marami ka dapat na rason upang lumuhod sa harapan ko at lalong lalo na sa pinsan mo. Marami kang pagkukulang at isa na doon ang mga pagkakamali mo.. pagkakamali niyong dalawa ni Daddy. "Ikaw na po muna ang bahala kay Mama." Kita ko ang pagbakas ng pait sa mukha niya bago niya nagawang pilasin iyon at ngumiti ng pino sa harapan ko. "Sure thing, Faie.." Hindi ko alam pero nandidiri ako. Anong karapatang niyang taeagin ako sa palayaw na tanging si Mama lang ang nagagawang banggitin. Faie? Hindi porket nakatira ka sa bahay namin ay magagawa mo nang pumapel sa buhay ko. Walang ibang tatawag ng Faie sa akin kundi si Mama lang! Pairap ko siyang nilabanan ng tingin na ikinagulat niya bago ko siya nilagpasan at nagpedal na paalis sa harap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD