Chapter 5

997 Words
Ramdam ko ang pagta-tiyaga niya sa'kin sa mga araw na nagdaan. Panay siya sa pagbisita sa bahay kahit na hindi ko naman hinihiling. Wala namang problema sa'kin kung gusto niyang bumawi o ano. Ni hindi ko nga alam kung anong babawiin niya sa'kin. Sa katunayan nga ay hindi ko alam kung ano ang sinasabi niyang pagkukulang. Pagkukulang saan? Ni wala nga akong kaalam alam sa pagkukulang na sinasabi niya. Gaya ng sinasabi ko ay panay siya sa pagbisita sa bahay. Lahat ng mga regaling ibinibigay o yung mga gamit na hindi ko naman hinihiling at mas lalong hindi ko naman kailangan ay walang humpay niyang ibinibigay. Syempre, bata. Wala akong ubang ginawa kundi abutin ito at magpasalamat sa kanya. "Good girl." Ngiti niya sabay haplos sa buhok ko. Ramdam ko ang pagbaba ni Mama sa gilid ko kasabay ng pagluhod at paghawak sa magkabila kong balikat upang iharap kaming dalawa. Kita ko ang lihim na pag irap ng babae kasabay ng pagbaling ng nagtatanong na tingin kay Daddy na ngayon ay nakangiti sa'kin. May mali sa mga ngiti niya. Para bang ang lungkot niya na makita kaming magkasama ni Mama. May problema ba? "Pumunta ka muna sa kwarto mo Faience.." bilin niya na mabilis na sinabat ni Tita Sharon. "It's Courtney Abegail Uson, Ate. Hindi mo kailangang banggitin ang buo niyang pangalan kapag nasa harap niyo 'ko.." "Sharon. Nag usap na tayong dalawa, hindi ba?" Sambit naman ni Daddy. Panay sila sa pagbardagulan ng palihim sa likod ni Mama habang si Mama naman ay napapanguso na lang at tila ba malungkot sa nangyayaring ito. "May problema po ba, Mama?" Tanong ko dahilan upang muli siyang mag angat ng tingin sa'kin at di kalaunan ay umiling. Kagat labi niya akong pinagmasdan magmula ulo hanggang paa bago ngumiti. Pero katulad nga ng palagi kong sinasabi ay tila ba may lungkot ang mga mata nito. "Kamukhang kamukha mo siya, Faie." Ani niya. 'Yan ang salitang madalas ko nang marinig mula kay Mama simula nung dumating si Tita Sharon. At simula nga noong dumating si Tita Sharon na palaging bumibisita sa bahay para sa'kin.. para sa'kin nga ba? Pagkatapos niya kasing makipaglaro sa akin ay bigyan ako ng magagarang damit at laruan, pagkatapos lamang ng ilang oras ay magpapaalam na siyang umalis at ang pinaka nakakatanga sa lahat ay.. bakit kinakailangan pa siyang samahan ni Daddy. Sa ganoong uri niya ng istilo sa pananamit, wala ba siyang kotse? Wala ba siyang sariling sasakyan? Nagagawa kaming iwanan ni Daddy para lamang sa kanya? Oh well. Bata pa lang kasi ako that time kaya ang mga ganoong uri ng kilos, hinahayaan ko na lang. Sige, tutal at mukha naman kayong close at pinsan ka naman ni Mama, sige.. palalampasin ko. Sige, walang personalan at walang malisya 'yan. Pero sa tuwing iko-comfort ko ang sarili ko sa mga ganoong klase ng bagay.. hindi ko maiwasang mangamba. Madalas nang umuwi ng hatinggabi ngayon si Daddy. Hindi na rin siya gaanong naglalaan ng oras para saming dalawa ni Mama. Madalas silang magkasama ni Tita Sharon sa buong oras na magiging bakante ang araw niya sa trabaho. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba. Lumaki ako or tama bang sabihin na pinalaki akong hindi pakialamera ng mga magulang ko. Lumaki akong, "Hanapan mo ng solusyon ang problema mo at wag mong problemahin ang problema ng iba", kaya naman sa halip na hagilapin silang dalawa kung may ginagawa nga ba silang kababalaghan eh, hindi ko na sila pinapakialaman. Labas naman siguro ako d'yan, di ba? Pwera na lamang kung masasaktan nila si Mama nang hindi sinasadya. Mukha namang walang pakialam si Mama sa mga lakad nila Daddy at Tita Sharon, at sa halip na pakialaman silang dalawa sa mga lakad at pangyayari sa buhay nila.. naiisipan na lang ni Mama na makipaglaro sa'kin at basahan ako ng maraming libro. Aware ako na simula nang magkaroon ako ng malay at natutunan ko ang maraming bagay, madalas kong makita na hindi okay ang pagsasama nila Daddy at Mama. Para bang magkaibigan lang silang dalawa at hindi mag asawa. Normal ang kilos nilang dalawa, walang nakakakilig, wala lahat ng bagay na madalas kong makita sa tuwing makakakita ako ng mag asawa sa daan. Hindi sila naglalampungan gaya ng palaging ginagawa ng dalawang normal na mag asawa. Walang malisya sa bawat galaw nilang dalawa. Walang kahit na anong nakakasabik at nakakakilig na makita para sa'kin na anim na taong gulang sa kanilang dalawa. Walang sweetness, walang kilig. I mean.. kuha niyo ba ako? Walang kahit na anong oagmamahal ang namumutawi sa kanilang dalawa. Oo may pag aalala naman kahit papaano pero yung mga ganoong klase ng pakiramdam, sweetness, kilig? Lahat ng iyon ay wala sa pagsasama nilang dalawa. Minsan nga ay naisip ko, mag asawa ba talaga silang dalawa? Kasi may kakaiba eh, may kakaiba talaga. Magkaiba sila ng kwartong tinutuluyan. Hindi rin si Mama ang nag aayos ng mga damit pang opisina ni Daddy. Ni minsan nga ay hindi ko man lang sila nakitang magyakapan o magkilitian man lang. Para bang may magagalit sa oras na magdikit silang dalawa. Para bang lahat ng kilos nilang dalawa sa loob ng bahay, may makakakita at magrereport sa kung sino mang may magbabalak na mag spy sa kanilang dalawa. Alam kong hindi sila nagsasama sa isang kwarto dahil sa tuwing binabangungot ako ay sa kwarto ako ni Mama dumidiretsyo at nagpapaalam na matulog. "Mama, bakit hindi kayo magkasama ni Daddy sa iisang kwarto?" Tanong ko habang nakayakap sa kanya. Madilim na sa paligid at tanging ang dim lights na lamang ng lamp shade niya ang nakabukas. Ramdam ko ang paghahabol niya sa hininga bago ngumiti ng maaliwalas sa'kin at hinaplos ang pisngi ko. Wala naman akong nagawa kundi mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya na ikinatawa niya. "May mga bagay na hindi ka dapat lumagpas sa limitasyon. Obligasyon kitang alagaan at hindi ang Daddy mo, Anak." Sambit niya na hindi ko nakuha. "Para nang kapatid ang turing ko sa Daddy mo." Kapatid?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD