Bawat tapak ko sa sahig, lumalagapak ang heels na suot ko. Maging ang napakahaba at mabigat kong dress ay sumasayad sa sahig dahil sa sobrang haba nito. Nakakangalay rin pala ang pagsusuot ng mga ganitong klase ng burda ng bistida.
Sa bawat pag apak ko sa sahig, panay si Daddy sa papuri kung gaano na ako katangkad, kung gaano na ako ngayon kaganda. Panay siya sa pagpuri sa mga bagay na parang kailan lang ay binabalewala niya lang.
Sobrang bilis ng araw di ba?
Parang kailan lang ay masaya pa kaming tatlo nila Mama, pero nagbago ang lahat simula nang masira ang pamilya namin nang dahil sa babaeng nasa baba na nagagawa ko nang tanawin mula sa taas kung saan kami magkasabay na naglalakad ni Daddy.
Nang mag angat siya ng tingin sa amin ni Daddy habang pababa kami ng hagdan ay para bang kuminang ang mga mata nito lalo na nang magtama ang tingin naming dalawa.
Kung hindi pa man nasambot ng babaeng kakwentuhan niya kanina ang kopitang hawak niya ay baka dumulas na ito sa kamay niya at tuluyan nang nabasag sa sahig.
Napaka walang kwentang reaksyon ng isang feeling nanay sa'kin.
Well, tingnan natin kung magiging proud ka pa sa magagawa ko sayo ngayong nasa legal age na ako.
May ginawa silang entablado sa pool side sa bakuran para sa simpleng pagpapakilala.
Hindi ko naman masasabing special ito dahil simple lang naman ang pagkakagawa at disenyo ng bawat haligi nito. Isa sa mga bagay na lihim kong pinuri.
Dapat lang na hindi nila bonggahan dahil dalawang selebrasyon ang meron sa araw na ito.
Isang selebrasyon sa pagkabuhay ng isang tao, at isang selebrasyon para sa pagkamatay ng isang tao.
Ang galing ng timing, di ba?
Hindi man lang ipinagpa bukas ang selebrasyon. Masyadong nakaka insulto para sa side ko at sa side ni Mama.
Dalawa kaming nasa entablado ni Daddy. May hawak siyang kopita sa kaliwang kamay na naglalaman ng alak habang ang nasa kanan naman ay ang mikroponong ginagamit niya upang ipakilala ako sa lahat.
Maraming dumalo sa kaarawan ko. Kaarawan ko nga ba ang dinaluhan nila o ang anibersaryo ng pagkamatay ni Mama?
Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ba sila sa pagpunta rito sa selebrasyon ko o maiinsulto na lang dahil nandito silang lahat at nakangiti ngayon sa harapan ko.
Natutuwa ba sila na makita at masaksihan akong nagdalaga o natutuwa sila dahil sa wakas ay napapayag ako ni Daddy na maghanda para sa kaarawan ko?
O baka naman natutuwa silang lahat dahil malaya nang nagsasama si Daddy at si Tita Sharon dahil wala na ang hadlang sa relasyon nilang dalawa?
Lihim kong ikinuyom ang mga kamay ko na nakahawak sa bistida. Kita ko ang pagbaba ng tingin ni Daddy sa mga kamay ko kaya naman daglian niya itong hinawakan upang pagkalmahin siguro ako.
"Alam kong kinakabahan ka, Anak. Calm down." Pagmamanipula niya.
Daglian kong inangat ang kamay ko na hinawakan niya upang iiwas sana sa balat ko. Ramdam ko ang gulat niya at lihim na napahiya sa ginawa ko kaya naman sa halip na magsalita pa siya ay annahimik na lang siya at ipinagpatuloy na lang ang pagpapakilala sa'kin.
"Everyone, ito nga pala ang kaisa isa at pinaka mamahal kong anak. Nandito siya sa harapan niyong lahat upang pormal ko na siyang ipakilala bilang isang ganap na dalagita.." patuloy niya sa pagkuda na lihim kong iniirapan at sinisinghalan.
Marami pa siyang idinugtong sa mga sinabi niya. Ultimong ang pagbabalik tanaw sa mga kagaguhan ko nung maliit pa lang ako ay matagumpay niyang naisalin sa biro na ikinatawa ng lahat.
Nainsulto ako, oo. Sinong hindi maiinsulto na pinagtatawanan ng lahat ang mga bagay na iniiwasan mo dati dahil natakot ka nang muling magkamali?
Yung mga bagay na hindi dapat ikwento sa iba at dapat ay nililihim na lang, nagagawa niyang baliktarin at gawing biro sa mismong araw ko.
Overacting? Totoo namang masakit para sa'kin iyon.
Yung mga bagay na dati mong iniiwasang ipakita sa lahat, malaya niyang naisasambit sa harap ng mga taong never kong nakita.
Kung para sa kanya biro lang ang bagay na iyon, para sa'kin insulto na iyon. Insulto na iyon sa buo kong pagkatao.
Para bang hindi siya aware sa ugali ng pagiging sensitive ng kaisa isa niyang anak. Teka, naging ama nga ba siya sa'kin? Kasi pakiramdam ko, hindi. Never niyang ipinaramdam sa'kin na nandyan lang siya sa tabi ko. Never niyang ipinaramdam na handa siyang makinig sa lahat ng sentiments ko. Never siyang nakipag usap sa'kin nang kaming dalawa lang.
Nagbago lang naman ang lahat simula nang dumating sa kanya si Tita Sharon.
Tama. Nagsimula lang namang magbago ang lahat simula nang dumating ang babaeng iyan sa buhay namin.
Kung tutuusin nga ay siya lang dapat ang sisihin ko.. pati sa pagkamatay ng babaeng nandyan palagi sa tabi ko, siya ang nararapat kong sisihin.
Kabi kabila ang palakpakan ngunit kahit na anong gawin kong pilit sa sarili ko, hindi ko man lang nagawang ngumiti at suklian sila ng pasasalamat.
Bastos na kung bastos. Wala akong pakialam kahit na sabihin nilang hindi naging maganda ang pagpapalaki sa'kin nila Daddy.
O mas tama bang isipin na lang na baka nalalaman nila ang pakiramdam ko dahil nataon ang kaarawan ko sa araw ng pagkamatay ni Mama.
Bakit ganoon? Kung sino pa ang mga taong naiisip mong makakaramdam sa hinanakit mo, sila pa pala ang mga taong hindi nakakaramdam sa paghihinagpis mo.
Masakit isipin ang bagay na iyon at tila ba hindi ko magagawang masikmura hanggang sa mamatay ako.
Lahat kami ay napabaling ng tingin sa babaeng umakyat sa stage.
Nakangiti si Tita Sharon sa gawi namin ni Daddy habang nasa magkabila niyang kamay ang makulay na cake. Kulay pink ito at tila ba sinadya sa kulay ng bistida ko.
Lihim akong natatawa sa mukha nitong tila ba tuwang tuwa na nakatitig sa cake at tila ba iniingatan na hindi mamatay ang tulos ng birthday candle na nakapasak rito.
Tingnan ko kung matutuwa ka pa sa gagawin ko.