Chapter 58

1001 Words
"Ang unfair lang sa'kin ng mundo.." panimula ko na ikinatigil niya sa pag iisip. Nalalasahan ko ang pait sa mga ngiti ko lalo na nang magbaba ako ng tingin at bahagya nanamang nanubig ang mga mata ko na parang kanina lang ay natapos na sa kaiiyak. Nagsisimula nanaman.. Bago pa man bumaha ang luha sa gilid ng mga mata ko ay mabilis ko na itong pinunasan. Nakita ni Akari ang ginawa ko kaya naman bahagya pang nanlambot ang matigas niyang ekspresyon kanina. "Lahat na lang ng bagay na malapit sa'kin.. nawawala. Lahat na lang ng taong handang makinig sa'kin, iniiwan ako. Lahat na lang ng bagay na importante sa'kin.. naglalaho. Masamang tao ba ako, Akari?" Dito na unti unting bumagsak ang mga luha ko lalo na nang mag angat ako ng tingin sa kanya. "May mali ba sa'kin? Masamang tao ba ako?" Insecurities sa katawan.. ito yata ang dahilan na papatay sa'kin sa mga taong magdadaan. Ni hindi ko na magawang kontrolin ang mga inside thought na madalas kong maranasan lalo na kung mag isa lang ako at walang taong pwedeng pagkwentuhan ko ng mga bagay na ito. Pwede naman siguro akong magkwento kay Akari di ba? Pero sa tuwing susubukan kong magkwento tungkol sa buhay ko.. hindi ko maiwasang mangamba sa lahat ng bagay. Paano kung i-judge niya ako sa kung ano ako ngayon? Paano kung pandirihan niya ako sa sinapit ko ngayon.. paano kung.. paano kung hindi niya ako matanggap? Bibihira lang ang mga taong tatanggapin ka sa kung anong anyo mo o sa kung ano mang estado mo sa buhay. Bibihira lang yung mga taong nand'yan sa tabi mo at handang manatili kahit na marami ka nang ginawang masama sa ibang tao. Kadalasan sa mga ganitong tao ay sila pa ang kauna unang magja-judge sa kung sino ka. Kaya hindi ko rin masisisi si Akari kung sa sandaling sabihin ko sa kanya ang totoo ay baka tuluyan niya na akong iwasan at pandirihan. "Walang mali sayo.." sagot niya sa tanong ko kanina. Dahan dahan akong nag angat ng tingin sa kanya at ang nakangiting mukha niya na ang bumungad sa'kin. "Ang mga taong nasa paligid mo, sila ang may mali." Malalim niyang tugon na di kalaunan ay nakuha ko rin. "Wala namang masama kung magkukwento ka sa'kin ng tungkol sa pagkatao mo, Faience. Nandito lang ako sa tabi mo kung kinakailangan mo 'ko." Ngiti niya pang dagdag. Ang sabi nila, in order to treat anxiety and depression.. dapat ay handa kang makinig sa sasabihin nila. No to judgements ika nga, kasi minsan ito pa ang nagiging sanhi kung bakit mas lalong lumalakas ang bad energy na nagmumula sa mga taong kumakaharap sa madilim na mundo. Sa halip na magkwento sila ng mga bagay na ikinakasakit nila ay nagagawa nilang tanggapin na lang ang masasakit na bagay na ibinabato nila at walang choice kundi magmukmok sa isang madilim na kwarto upang sarilinin ang problema. Malaking tulong para sa isang taong depressed ang pagkakaroon ng sounding board, o yung mga taong handang makinig sa saloobin nila. Yung handang makinig sa mga rants mo sa buhay at hindi magsasawang makita ka sa pag iyak sa lahat ng sandali. At ito ang ginagawa ni Akari ngayon dahil gaya nga ng sinabi niya kanina.. nakaranas na rin siya ng ganitong bagay sa lahat ng pagkakataon. Sadyang malakas lang ang loob niyang solohin ang lahat at never na pumasok sa isip niya ang magkwento ng problema sa kanya. Gaya nga ng sinabi ni Akari ay handa siyang makinig sa lahat ng kwento ko kaya naman hindi na ako nag atubiling ikwento sa kanya lahat ng nagpapagulo sa isip ko. Magmula sa pagkamatay ni Mama, sa pagdating ni Sharon, sa pagkawala ni Harper, sa pagbabalik ni Harper sa buhay ko, sa pagbabalik ni Sharon sa buhay ko at maging ang paghihikahos ko sa buhay ngayon ay nagawa kong ikwento sa kanya lahat. Magmula sa pagkakaroon ng sorority hanggang sa pagtalikod ko sa buhay na ito ay nagawa kong ikwento sa kanya. Labis nga ang naging pasasalamat ko na sa tuwing magkukwento ako sa kanya sa mga bagay na para bang may dark sides ay never kong naramdaman sa kanya ang judgements. Lihim nga akong natatawa sa tuwing makikita ko ang pagkislap at paghanga niya sa mga mata nang binanggit ko ang tungkol sa sorority at ang pagtayo ko sa sariling mga paa. "Alam mo bang proud ako sayo, Faience?" Sambit niya dahilan upang namumula akong nag angat ng tingin sa kanya. "Paano mo nasabi?" Mabilis siyang ngumiti at marahil ay natawa sa pamumula ko kaya naman hindi ko naiwasang mapangisi na lang. "Sinong hindi matutuwa sa isang babaeng malakas?" Hagikgik niya na ikinangiwi ko. "Nagawa mo ang lahat ng iyan nang ikaw lang ang mag isa. Sinong hindi matutuwa sa isang katulad mo?" Pwes. Hindi lahat ng tao ay nagagawang matuwa sa mga ginagawa ko.. at kasama na doon si Sharon na alam kong lihim akong kinamumuhian. "Ang importante lang ay wala kang ginagawang masama at labag sa loob mo.." ngiti niya. Hindi ko alam pero tila ba nakaramdam ako ng pagtarak ng punyal sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ba't maituturing nang masama ang gawaing pagpapagamit sa lahat ng lalaki para lang sa isang bungkos ng salapi? Ang ngiti ko kanina ay lubusang naglaho nang marinig ko ang sinasabi niya. Expected siguro ni Akari ay isa akong disenteng babae? Hindi niya alam na gumagawa ako ng mga bagay na hindi niya inaasahang magagawa ko. At kapag dumating ang panahong malaman niya ang bagay na iyon.. alam kong magagawa niya rin akong lisanin at iwanan na lang sa tabi gaya ng ginawa ni Harper na ngayon ay masaya na sa mga bago niyang kaibigan.. habang ako.. naririto pa rin sa tabi at nalulugmok sa madidilim na problemang kahit na paghirapan ko.. alam kong walang solusyon. What if tapusin ko na lang kaya ang buhay ko upang makatakas sa problemang hinaharap ko. May mababago kaya kapag ginawa ko ang bagay na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD