Nang dahil sa nangyari, nagdesisyon si Harper..
Okay, mali.
Nang dahil sa insidenteng nangyari na kinasangkutan ko nang dahil sa pag uwi tuwing malalim na ang gabi, nagdesisyon si Harper na samahan ako. Or, tama bang sabihin na si Harper lang ang nagdesisyon?
Kasi feeling ko, kasama rin sa nagdesisyong iyon ay si Aling Susan. O baka naman pinlano niya iyon dahil sa sinabi ni Harper?
Anyways, kaibigan at para bang kapatid na ang turing ko kay Harper.. at alam niyang hanggang doon lang iyon.
Nang dahil sa nangyaring pangangaliwa ni Daddy, natatakot na akong magpakita ng adorasyon sa isang tao.. lalo na kung importante sa'kin ang taong iyon.
Kasi sabi nila, kapag nakagawa ng kasalanan ang isang magulang.. hindi sa kanya papalo ang parusang inilaan sa kanya kundi sa mga anak niya. Ang mga anak niya ang makakatanggap ng parusa sa halip na siya. At ang bagay na iyon ang pinaka masakit para sa isang magulang.
Well, maliban na lang kung may pagmamahal ba talaga siyang ipinapakita sa mga anak niya o kung meron man.. edi mas maganda.
"Salamat sa kimchi rice at kani rolls, Mang Rudy!" Paalam ko na nakangiti niyang kinawayan.
"Ikumusta mo 'ko kay Susan!" Halakhak niyang bilin.
Hindi ko naman naiwasang mapangiwi sa sinabi niya. Naikwento sa'kin ni Mang Rudy na si Aling Susan raw ang naging inspirasyon niya sa pagtatayo ng negosyo.
Kung magtatayo daw siya ng negosyo, mas pipiliin niyang i-puwesto ito sa lugar kung saan nakatira ang babaeng una niyang minahal. At ang babaeng iyon ay si Aling Susan na may ari ng malaking palapag d'yan sa tabi tabi, ilang bloke lang ang layo sa shop niya.
Ang sabi niya ay para daw sipagin siyang makabenta at mabuhay ng mag isa. Isa rin sa mga naging rason niya kung bakit niya ako kinuha ay dahil nilagay ko sa character preferences ko si Aling Susan.
"Oo, sige. Ako ang bahala." Halakhak ko na ikinatawa naming dalawa.
Tatawa tawa akong lumabas ng shop niya at halos mabitin ang pagtawa ko nang makita ko si Harper na mag isang nakatayo at nakasandali sa gilid ng shop. Nakapamulsa sa itim niyang hoodie jacket at matalim na nakatitig sa'kin.
Anyways, normal na sa kanya ang paglingon sa isang tao gamit ang matalim na titig. Yung tipong kung makatingin siya sayo ag para kang may nagawang kasalanan sa kanya.
Ganyan ang uri ng tingin ni Harper na magmula noon hanggang ngayon, ikinakatakot ko pa.
Pinanood ko siyang prenteng lumapit sa'kin at inilapit ang mukha sa mukha ko. Daglian kong inilayo ang mukha ko na ikinangisi niya.
"B-Bakit?" Utal kong tanong na mas lalong nagpa kurba sa ngiti niya.
"May kulangot ka sa noo."
Agad kong kinapa at marahas na pinunasan ang noo ko na ikinatawa niya. Nang makita ko ang reaksyon niya na posibleng pinaglalaruan lang ako ay daglian ko siyang sinapok at pinitik sa noo na ikinaiwas niya.
"Nananakit ka na ngayon, Faience?" Reklamo niya na gigil kong sinagot.
"Eh gago ka pala eh. Nananahimik ako tapos lolokohin mo ako ng ganyan." Singhal ko bago nagpatiuna sa paglalakad na natatawa niyang sinundan.
Sa daan palayo sa shop na iyon ay napuno kami ng kwentuhan. Ganito ang hobby namin sa tuwing susunduin niya ako sa apartment upang ihatid sa trabaho, ganon rin ang gagawin niya tuwing gabi at off ko sa trabaho.
"Nakakamiss rin pala ang mga ganitong klase ng paglabas labas natin tulad ng dati." Ngiti niya na nakangiti at masaya kong tinanguan.
"Madami na ring nagbago sa paglipas ng panahon.."
"At wala ako sa tabi mo nung mga panahong mag isa mo lang na kinikimkim lahat ng sama ng loob mo sa mga magulang mo." Pag open up niya sa usapan.
Sa tinagal tagal naming magkasama nitong nagdaang linggo, unti unti naming napagkukwentuhan ang lahat.
Magmula sa pagkawala ng mga magulang niya, sa pagkamatay ng mama ko, sa paglipat niya sa probinsya kung nasaan ang lolo niya, sa mga bagay na gaya nga ng binubuksan niya ngayon.
"Let's not talk about this, Harper.." iling ko na dismayado niayng inilingan.
"Walang mangyayari sa buhay mo kung panay ka lang kimkim sa lahat ng bagay. Mas masarap magkwento ng mga ikinatatakot mo sa mga taong handang makinig sayo, Faience. Masarap mag share ng experiences at ng mga desisyon sa buhay.." tila ba parang tatay niyang sambit na ikinatawa ko.
Pansin ko ang pagkunot at pag arko ng mga kilay niya sa pagtatanong ngunit nanatili lang ang ngiti niya sa labi.
"Shareable na pala ngayon ang problema." Biro ko.
Hindi ko inaasahan ang kutos na iginawad niya sa'kin kaya naman bahagya pa kaming nagkatuwaan at naghabulan habang tinatahak ang daan patungo sa apartment.
Parang kailan lang ay naghahabulan pa kami sa daan habang kapwang nakasakay sa bisikleta, ngayon naman ay para kaming matatanda na naghahabulan sa madilim na daan.
Nakakatuwa lang na mayroon pa lang mga bagay na tumatagal at bumabalik sa dati.
Siguro, may mga bagay na ipinapahiram sa'tin. Katulad na lang ng buhay ng isang tao, na kapag dumating araw ay magagawa ring bawiin sa atin.
Naaalala niyo pa rin ba ang sinabi at tinukoy ko sa nakaraang kabanata?
Na walang kaibigan ang mananatili sa tabi natin, dahil para sa'kin.. walang permanente sa mundo.
Sige na nga, may permanente rin naman siguro sa mundo. Pero sa tingin ko, piling bagay lang ang masasabi kong permanente sa mundo.
May mga kaibigan tayong nakikilala lang natin sa maikling panahon at ang mga kaibigan ito ay ang mga kaibigang hindi rin kadalasang nagtatagal sa tabi natin. May mga kaibigan rin naman tayong matagal nating nakakasama peri mas pinipili nilang mamuhay ng payapa nang hindi ka man lang kasama sa chapters ng buhay nila.
Well, isa sa mga kaibigang tinutukoy ko na iyon ay ang lalaking nakahawak ngayon sa kamay ko at payapa naming tinatanaw ang mga bituin na kumikinang sa nadilim na gabi.
Kung ganito lang pala ang magiging resulta ng pagkakalayo naming dalawa.. sana nung una pa lang, mas tinagalan na.
Dahil mas masarap makasama ang isang tao kung matagal siyang nawala sa tabi mo.