Isang mabilis na kilos at pagligo lang ang ginawa ko bago tuluyang umibis sa aprtment at nagpaalam kay Aling Susan na tutungo na sa trabahong night shift kong pinapasukan.
"Mag iingat ka, Faience." Ngiti niyang kaway na nakangiti kong tinanguan.
Habang abala sa pagsusulat at pag i-inventory sa sales stock ay hindi ko naiwasang mapaisip sa sinabi ni Brittany kanina.
Kapalit ng dignidad ay ang pahinga na matagal ko na ting inaasam.
Kaya mo ba 'yon, Faience? Isang gabi lang naman. Ang ang kaisa isang gabi na iyon ay kapalit na ng apat na buwan mong pagkakayod para lang makaipon sa tution mong kulang pa sa kinikita mo sa pagpasok sa trabaho rito sa negosyo ni Mang Rudy.
Hindi ko naman sinasabi na makunat pa sa goma ang pagkakatipid sa pagbabayad sa'kin si Mang Rudy, kung tutuusin nga ay medyo malakas siyang magbigay. Ewan ko ba kung dahil ba ito sa kasipagan ko sa pagpasok sa trabaho niya kahit na may klase ako o dahil ba sa may gusto siya kay Aling Susan at inaasahan niya na matutulungan ko siya sa paglalapit ko sa kanya at sa land lady namin ni Mapple.
Hindi ko alam kung may karapatan nga ba akong makialam sa relasyon nilang dalawa. Hindi rin naman nagpapatulong sa'kin si Mang Rusy kaya naman sa halip na makipag bardagulan pa sa kanya ay hinahayaan ko na lang siya na mag isang dumiskarte.
Hindi ko rin naman sure kung kailangan niya nga ba ng tulong ko dahil base sa kilos niya, mukhang may alam naman siya kung paano magpapansin sa isang babae.
Hindi naman ako labag sa relasyon nilang dalawa, ha? Buhay nila iyan eh, bakit ko naman papakialaman, hindi ba?
Rinig ko ang pagtunog ng wind chimes sa pintuan tanda na may pumasok nanamang customer. Malalim na ang gabi kaya naman nakapagtataka lang na may bibili pa ng mga ganitong oras.
Well, pwera na lang kung pasahero ka o di naman kaya ay isang teenager na may midnight snacks tuwing gabi, di ba?
Mabilis akong nagpunta sa counter upang salubungin ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket.
Sandali ko pa munang inayos ang mga items na nasa inventory list bago dinampot ang mga junk foods at dalawang lata ng soda na pinili niya.
Sabi ko na nga at isang teenager nanaman ang biktima ng midnight trolls eh.
Nang dahil sa naisip ay nakangiti akong bumaling sa lalaking nakahoodie upang biruin sana. Pero nang sandaling matama kami ng mga berde nitong mga mata ay mabilis na natunaw ang mga ngiti ko sa labi at sa halip na kausapin siya ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag scan sa mga pinamili niya.
"Two hundred five po lahat, Sir." Nakababa ang tingin kong sambit sabay pindot upang mailuwa ang resibo.
Tanging ang pagtunog lamang ng money machine ang bumuhay sa tahimik naming sandali hanggang sa inabot ko sa kanya ang paperbag na naglalaman ng mga binili niya.
Isang titig pa muna ang pinakawalan niya bago inabot ang bayad at agad siyang sinuklian para sa limang piso.
"Hindi ko alam na suma-sideline ka pala rito." Sambit ng panibagong boses mula sa kabubukas ng pintuan.
Magkasabay kaming napalingon ni Harper sa panibagong kararating lang at halos maestatwa siya sa pagpasok ni Akari.
Isang ngiti ang pinakawalan ko nang sa akin unang nadirekta ang tingin ni Akari bago bumaling kay Harper na magpa hanggang ngayon ay nananatili ang titig sa kakapasok pa lang.
"Medyo. Para bawas sa tuition." Hagikgik ko nang nakangiti siyang lumapit sa counter upang maningin ng mabibili. "Midnight trolls rin ba?"
"Medyo." Halakhak niya. "Anong gusto mo, Faience? Treat kita."
Ramdam ko ang sandaling pag init ng mukha ko bago nangiti sa sinabi niya.
"Hindi mo na kailangang-"
"Libre ko nga di ba?" Ngiti niya na nangunguso kong ikinatikom ng labi. "Bilang kabayaran man lang sa pagsama mo sa'kin kanina."
Sandali kong inilibot ang titig ko sa buong shop bago nangiti sa naalala.
"Gusto ko ng kimchi rice at kani rolls.."
Rinig namin ang marahang pagsinghal ni Harper sa gilid na ikinalingon naming dalawa ni Akari sa kanya. "Mukha bang may panis na kanin at repolyong may saging dito?" Sarkastiko niyang tanong.
Hindi ko alam pero halos magdilim ang paningin ko sa sinabi niya.
Insultuhin niya na ang lahat pero wala siyang karapatang insultuhin ang pagkaing nagpapagana sa'king mabuhay sa mundong ito!
"May kailangan ka pa po ba, Sir? O baka naman po may nakalimutan kayong idagdag sa vetsin at sodang binili mo?" Sarkastiko kong tanong na nagagalit niyang ikinaguso.
Hindi ko alam kung galit ba iyon dahil sa pang iinsulto ko sa ipinamili niya o tila ba nagpipigil lang ng tawa pero bakas sa mga mata niya ang naghuhumindig na inis mula sa mga narinig niya saming dalawa ni Akari.
Mabilis niyang inusog pabalik sa'kin ang paperbag na ikinataas ng kilay ko.
"Anong gagawin ko d'yan?"
"That's for you, stupid." Singhal niya na ikinalaki ng butas ng mga ilong ko.
"No thanks. I'm full. Hindi ko kailangang tumanggap ng mga bagay na galing sayo, asshole." Singhal ko pa.
Isang ngisi ang pinakawalan niya bago muling inusog papalapit sa'kin ang paperbag at lumingon kay Akari.
"Narinig mo ba 'yon? She's full. Hindi niya kailangan ng offer mo." Sambit niya bago tunalikod at nakapamulsang lumabas ng shop.
Halos mapapikit rin ako sa tila ba padabog niyang pagsara ng babasaging pintuan na ikinamaang pa ng labi ko sa labis na pagkairita at pagka mangha.
"Nakikita mo ba 'yon, Akari?" Duro ko sabay titig kay Akari na ngayon ay nangingiti pa rin buhat sa nasaksihang pag aaway naming dalawa ni Harper sa harapan niya. "Sinong tangang magtatagal sa ugali ng tarantadong iyon?" Napupuno kong sambit.
"Mukhang may hindi pa nakakatanggap ng closure sa inyong dalawa." Pagkibit ng balikat ni Akari bago pumasok sa estanteng pinasukan ko kanina.
Closure? For f*****g what? Eh hindi naman talaga kami nagkaroon ng relasyon!