Simula nang magkasagutan kami ni Harper noong nakaraang buwan pa yata, hindi na kami madalas na mag usap.
Ako nga pala ang pumutol sa koneksyon naming dalawa. Okay, gets ko na may care siya para sa'kin.. pero hindi naman yata sapat na dahilan na pati sa desisyon ko sa buhay ay makialam siya hindi ba?
May sarili siyang buhay. May mga taong maraming pinagkaka abalahan sa buhay at alam kong marami rin siyang activities at tinatapos na kailangan niya sa pag aaral niya. Bakit kailangan niya ang pumasok sa buhay ng iba? Para may masabi?
Oo. Parte siya ng kabanata ng buhay ko. Oo, may dialogue naman siya kahit na papaano. Pero sana naman, naisip niya kung hanggang saang linya lang siya pwedeng manghimasok.
Ang weird lang na nanghihimasok siya sa mga desisyon at problema ko sa buhay gayong kung tutuusin ay wala naman siyang pakialam. Dati ko lang siyang kaibigan at naging parte lang naman siya ng walang kwenta kong buhay kaya naman ang makialam siya ng desisyon na wala sa script na hawak niya, invading my own privacy na iyon hindi ba?
Ano bang maitutulong niya?
Hindi ko naman kailangan ng isnag taong magvo-voice out sa mga problema ko. Hindi ko naman kailangan ng personal advisor para sa isang maliit na bagay at mas lalong hindi ko naman kailangan ng presensya ng kahit na sino.
Ano lang naman ang ginagawa niya? Bukod sa panghihimasok at pangingielam sa buhay ng iba, simpleng tanong at pagrereklamo lang naman ang kaya niyang gawin.
Anong gagawin niya kapag sinabi kong buntis ako? Wala hindi ba?
Anyways, hindi naman ako buntis at never na mangyayari iyon.
Actually, isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong mapalayo kay Harper ay ayaw kong madamay siya sa mga gulong pinapasok ko. Maayos siyang nag aaral, gaya ng pangarap ko dati ay nakikipag kumpetensya siya sa klase at alam ng lahat iyon. Achiever siya at siya lang naman ang inaasahan ng Lolo niya na gumagapang upang mapagtapos lang siya ng pag aaral.
Ayokong madamay siya sa'kin.
Ayokong mapariwara ang buhay niya nang dahil sa pagsama sa'kin.
Ayokong mawala siya sa tamang landas na pinili niya kahit na wala naman ako sa tabi niya.
Kung tutuusin ay tama nga ako sa desisyon ko, magiging masaya sa malayo si Harper habang ako naman ang kaisa isa niyang supporter na hindi magsasawang pumalakpak sa lahat ng achievements niya sa buhay.
Sa totoo nga kang ay mahal ko si Harper. Bilang kapatid, bilang kaibigan, bilang pamilya, bilang kakampi, bilang katunggali at mas lalong bilang isang taong nand'yan palagi sa tabi ko.
Hangad ko ang pagiging successful niya sa lahat ng bagay kahit na wala ako sa tabi niya.
Ni minsan ay hindi ko naman pinangarap na habambuhay na lang na tumayo sa gilid niya at sumuporta sa akin. Sa katunayan nga ay hindi ako regretful sa pananaboy ko sa kanya dahil kung ito lang naman ang natitirang paraan para mas lalo lang siyang magsikap sa buhay.. gagawin ko.
Gagawin ko kahit na alam kong pang habambuhay ko itong dadalhin sa sarili ko, dahil hangad ko ang kaligayan niya kahit na hindi na ako kasama sa kabanata ng buhay niya.
Saksi ako sa kung paano siyang nawalan, saksi ako sa kung paano siyang lumaban at magiging saksi rin ako sa laban niya kahit na wala na ako sa tabi niya.
"Kilala mo ba 'yon, Faience? Sayo madalas na tumitig eh." Ngiti na may haling pang aasar ni Mikaela na lihim kong inirapan.
Gaya ng madalas kong maramdaman kahit na magkasama pa kaming dalawa ni Harper tulad ng dati, mabilis kong naramdaman ang pag init ng mukha ko na ikinagulat ko pa dahil sa malakas na paghalakhak si Brittany.
"Kilala mo ba 'yon? Ex boyfriend mo ba 'yon?" Pangungulit pa ni Brittany na inirapan ko.
Dahan dahan akong lumingon kay Harper at gaya kanina ay hindi ko nanaman inaasahan ang titig nito na mabilis niya ring ikinaiwas.
"He's not." Iling ko habang nananatili pa tin ang titig kay Harper na ngayon ay nakayuko at natigilan sa salitang narinig mula sa'kin. "Ni hindi ko nga kilala 'yan. Baka random stranger lang." Tikhim ko na nakangusong tinanguan nilang dalawa.
Hindi ko inaasahan ang dagliang pagtayo ni Harper mula sa kinauupuan at mabilis na nilgpit ang mga aklat na kanina lang ay binabasa niya. Pinanood ko siyang nagmartsa palabas ng cafeteria na ikinabuntong hininga ko.
Mukhang hindi naman napansin ng dalawa ang biglaang pag ibis ni Harper dahil naging abala na silang dalawa sa pagkukwentuhan sa ibang bagay.
Tama 'yan, Harper. Sana maintindihan mo rin ako balang araw. Ayokong matulad ka sa isang gaya ko na pariwala na ngayon ang buhay.
Siguro tama nga ang sinasabi nilang, "Kung anong ginawa mo sa kapwa mo ay siya rin namang ibabalik sayo."
Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi ko na muling nasilayan si Harper sa cafeteria kahit na same schedule naman kaming dalawa sa klase at maging sa pagpasok.
Madalas kaming magkasalubong sa pathway na madalas naming nilalakaran dati nung mga panahong sobrang close pa namin sa isa't isa.
Sa bawat ang paglapat ng mga mata ko sa mukha niyang tila ba payapa na ngayon, para bang sumobra ang kirot sa tuwing makikita ko sa mukha niya na wala na siyang pakialam kung sakaling magkasalubong kaming dalawa.
"Kilala mo ba siya?" Tamong ng babaeng kasama niya nang lumagpas siya mula sa pagkakatigil ko sa paglalakad.
Sinadya kong tumigil upang pakinggan kung ano ang magiging sagot niya kahit na alam ko naman sa sarili ko na magiging masakit ang salitang isasagot niya.
Dahil ganon naman talaga di ba? At ganyan ang ugali ni Harper na magpa hanggang ngayon ay kinamumuhian ko nang palihim.
"Hindi ko kilala. Random stranger lang siguro." Sagot niya bago ko narinig ang paglalakad nilang habang tumatagal ang segundo ay mas lalong humihina sa pandinig ko.
Hindi ko alam pero mas masakit ang salitang iyon kapag sa kanya ko mismo narinig.
At wala kang karapatang magreklamo, Faience dahil ginusto mo 'yan di ba? Panindigan mo ngayon.