I want him. Gusto kong makita si Harper ngayon. Gusto kong isigaw sa kanya na tama nga ako sa konklusyon na matagal ko nang ipinaglalaban sa kanya. Gusto kong ipangalandakan na tama ako at mali siya sa naisip niya. Gusto kong isumbat na tama ako sa mga naisip ko. Gusto kong ipagmalaki na tama ako, na nasa tama talaga ako kahit na sa umpisa pa lang. Tama ako sa lahat ng sumbong ko. Tama ako sa lahat ng ipinaglaban ko at tama ako sa mga bagay na kinakatakutan ko.
At least, may isang bagay na na magagawa kong maipagmalaki sa kanya. Pero nasaan na siya ngayon?
Totoo nga ang kasabihang, "Kung kailan mo kailangan ang isang tao, doon naman siya mawawala sa mga kamay mo."
Nakakalungkot lang isipin na nagawa niya akong iwanan sa mga problema ko gayong naroon ako nung mga panahong may problema siya.
Hindi naman sa sinusumbatan ko si Harper sa pagluwas niya sa probinsya at doon magpatuloy ng pag aaral. Naiinis lang ako dahil, kung kailan ko siya labis na kailangan.. doon niya naman maiisipang lumisan at iwanan akong luhaan.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng saya nang matagumpay kong maisumbat at maipangalandakan kay Tita Sharon kung ano nga bang papel niya sa buhay at bahay namin. Natutuwa ako sa sarili ko dahil sa wakas ay naibuga ko na sa kanya lahat ng salitang ilang taon ko na rin namang kinikimkim sa loob ko.
Hindi naman sa ginusto kong sumbatan siya pero kasi.. sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkakataong sabihin sa kanya lahat ng pagkakamali niya.
Tama ba ako sa kalagayan ko? Tama ba ako sa ginawa ko? Nasa tama nga ba ako?
Ayoko lang namang nahihirapan si Mama. Ayokong nakikitang mag isa lang na lumalaban si Mama na kung tutuuusin ay dapat kasama niyang lumaban si Daddy.
Ganoon naman talaga di ba kapag mag asawa kayong dalawa, hindi ba? Ganoon naman talaga dapat ang responsibilidad nilang dalawa sa isa't isa, hindi ba? Ganoon 'yon. Ganoon kasi dapat 'yon.
Pero yung matanggap ko ang lumalagapak na sampal sa'kin ni Daddy, marami akong narealize na bagay sa buhay ko.
Kaya naman namin ni Mama ang mabuhay ng kaming dalawa lang. Hindi naman namin kailangan si Daddy dahil ilang taon na rin naman siyang nasa kamay ni Tita Sharon at magpa hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang umiikot sa nga palad ng babaeng iyon.
May magagawa nga ba ako kung sa mismong hapag lang ay nagawa na niyang mamili?
Kahit naman na hindi niya sabihin, sa paraan pa lang ng pagsampal niya sa'kin ay para bang sinasabi na niya sa'kin na si Tita Sharon ang pipiliin niya kaysa sa'ming dalawa ni Mama.
Sa paraan pa lang ng kilos na iyon ay alam ko na ang magiging sagot niya.
Magagawa mong ipagpalit ang isa't kalahating dekada sa lagpas limang taon mong pagsama kay Tita Sharon na minsan mo lang makasama sa bahay at sa trabaho.
Magagawa mo iyon, Daddy?
Napaka walang kwenta mo namang mamili kung ganon.
Pinanood ko ang mga bituin na patuloy lang sa pagkinang sa madilim na kalangitan sa taas. Medyo presko sa bubong kaya naman ginawa ko ang lahat ng magagawa ko para lang maka akyat dito sa pinaka mataas, kahit na nasa tatlong palapag ang bahay namin ay hindi ito ang naging dahilan upang umatras ako.
Ganito ang gawain naming dalawa ni Harper sa tuwing may problema kaming dalawa.
Isang tingin at hiling lang sa bituin, maaayos na ang lahat.
Syempre, hindi mawawala ang pananalangin sa Diyos para magabayan ka niya sa lahat ng pagkakataong katulad ng ganito.
Silang dalawa na nga lang yata ni Harper ang hindi nagsasawang makinig sa lahat ng rants ko sa buhay. Syempre, hindi mawawala sa pagpipilian si Mama, 'no.
Sadyang mapanakit lang ang tadhana sa'kin nang alisin niya si Harper sa mga pagpipilian ko sa buhay. Medyo harsh pero alam ko naman na kakayanin ko lahat basta't nandyan lang si Mama at lalong lalo na ang Panginoon na hindi nagsasawang makinig at gumabay sa'kin magmula noong una pa lang.
Nang matapos sa pag emote ay siya namang pagdedesisyon kong bumaba na at nang makapagpahinga.
Tahimik ko lamang na tinatahak ang hallway nang mabilis akong nagtago dahil sa dalawang anino na magkaharap at tila ba nagtatalo sa isang bagay na alam kong ang nangyari kanina ang tinutukoy nilang dalawa.
"Wala kang karapatang saktan si Faience, Orlan." Rinig kong sambit ni Tita Sharon kay Daddy nang marinig ko ang lumalagapak na sampal na iginawad niya.
Walang karapatan?
Anyways, wala nga namang karapatan si Daddy dahil ngayon niya lang yata ako napagbuhatan ng kamay simula noong ipinanganak ako sa mundong ito.
"Nabigla lang naman ako, Sharon. Hindi ko rin naman inaasahan ang ginawa ko sa anak ko. I'm sorry, okay?" Pagmamakaawa ni Daddy na ni minsan ay hindi ko man lang narinig na sinabi niya kay Mama.
Gaano niya bang kamahal si Tita Sharon at ginagawa niya dito ang mga bagay na parang kailan lang ay hindi ko man lang narinig na sinabi at ipinakiusap niya kay Mama.
Ganyan ba niya ipakita ang pagmamahal niya sa isang babaeng mas nakahihigit kay Mama?
Ano bang nagustuhan niya sa babaeng iyan bukod sa ganda?
Hindi naman masama ang itsura niya pero tiyak ko namang masama ang buo niyang pagkatao. Mabait at marunong makisama si Mama hindi katulad ng babaeng iyan na para bang kung makaasta ay pagmamay ari niya ang lahat ng bagay na nakikita niya.
"Minsan mo pang pagbuhatan ng kamay ang anak ko, ako ang mananakit at mananampal sayo." Banta ni Tita Sharon na lihim kong tinawanan.
Ngayon naman ay inaako niya na anak niya ako? Well, hindi ko siya itinuturing na nanay.
Yung pagiging Ninang nga niya sa'kin ay lihim kong isinusuka, yung pagtayo niya pa bilang nanay ko?
Wala akong ibang nanay kundi si Mama lang at alam ng Diyos na siya lang ang ituturing kong nanay hanggang sa mamatay ako.
Kahit na baliktarin man ang mundo at si Tita Sharon ang maging nanay ko.