Chapter 17

999 Words
Bitbit ko ang unan at kumot na galing pa sa sarili kong kwarto. Ito ang madalas kong gawin sa tuwing gugustuhin ko mang maglambing o mas tama bang sabihin na makipagkwentuhan kay Mama sa tuwing matutulog kami ng magkasama. Madalas ko itong gawin nung bata pa lamang ako at maging sa pagdadalaga ko ay nakasanayan ko na rin yata. Ramdam ko ang pagbagsak ng dulong bahagi ng kumot sa sahig ngunit nanatili lamang ako sa paglalakad ko.  Halos mapatalon rin ako sa paglalakad nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto ng guest room kung saan tumutuloy si Tita Sharon. Natigil ako sa paglalakad, malamang, nang makita ko siya ngunit hindi ko pinakita sa kanya na nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot sa harapan ko. "Oh, saan ka pupunta?" Gulat niyang tanong. Kung makapagtanong ay akala mo walang nangyari sa pagitan namin kanina sa hapag. Kung ako sa kanya, bakit hindi na lang siya manahimik kung gusto niya ng matiwasay na buhay? Isang irap ang pinakawalan ko na ikinagitla niya bago siya nilagpasan. Bastos na kung bastos. Basta ang akin lang, nagagawa kong i-express at ipakita ang mga bagay na alam ko sa sarili kong kinaaayawan at lihim kong kinamumuhian. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na mananatili lang na tikom ang bibig o kaya ay mananahimik na lang sa tabi lalo na kung alam kong against na sa karapatan ko ang ginagawa niya. Hindi ba? Isa na sa mga halimbawa na ito ay yung kapag nagagalit ako. Literal na sasabog ang usok sa ilong ko habang namumula pa ang kabuuan ng mukha dahil sa pagkapikon. At kapag nakita mo nang lumabas mula sa ilong ko ang usok na itinatago ko, kailangan mo nang matutong tumabi at balewalain ako dahil sa oras na mapuno ang galit ko nang dahil sa ginawa mong labag sa kalooban ko at nagawa mong punuin ang balde ng pinaka iingat-ingatan kong balde ng kumukulong pasensya, umpisahan mo nang magdasal dahil hinding hindi kita titigilan at tatantanan hanggang sa mapuno ka. Umpisahan mo na ring maghanap ng pagtataguan dahil sa oras na may gawin kang labag sa'kin, hahagilapin kita kahit na nasa loob ka na ng lupa. Anyways, ang dahilan lang naman na iyan ay kung ikaw si Tita Sharon.  Ako lang naman kasi yung tipo ng tao na hindi kikibo kahit na may ginawa kang masama sa'kin, pwera na lang kung ikaw si Tita Sharon. Pasensyoso naman akong tao kung ang pisi lang naman ang pag uusapan, pwera na lang kung ikaw si Tita Sharon. Maayos naman akong makipag usap lalo na kung makikipag usap ka rin ng maayos sa'kin, pwera na lang kung ikaw si Tita Sharon. Mabait naman ako at kaya ko namang panindigan kung sobra naman talaga ang pagkapikon ko sa pang iinis mo, pwera na lang kung kamukha mo si Tita Sharon. Mapapalagpas ko ang maraming bagay, pwera na lang sa isang tao.. At ang taong iyon ay si Tita Sharon. Ang malas mo naman sa mundo kung siya lang ang magiging kamukha mo at ang swerte mo kung iba naman ang maging kamukha mo. Ganon naman talaga sa cycle ng buhay di ba? Magpasalamat ka sa mga bagay na hindi mo ikasasakit at maging aware ka sa mga bagay na alam mong makakasakit at ikasasakit mo. Ang kailangan mo lang na gawin ay maging obserbatibo sa lahat ng bagay, sa lahat ng mga bagay na alam mo naman sa sariling mong makakasakit ka, hindi ba? Anyways, ang swerte mo kung hindi mo siya kamukha dahil magmimistula ka lang na isang ligaw na hangin para sa'kin kung isa ka lang na ordinaryong mamamayan dahil hinding hindi kita kikibuin at ie-entertain. That's my point. Ginto ang oras ko kaya naman kapag nagawa kitang paglaanan ng oras, mag umpisa ka nang mag impake at magdasal sa lahat ng santong kilala mo. Padabog kong binuksan ang kwarto ni Mama nang hindi man lang nagagawang kumatok kaya naman halos matawa ako nang makita ko siyang mapatalon mula sa pagkakahiga dahil sa labis na gulat. Tatawa tawa akong tumakbo patungo sa gawi kung nasaan siya nakahiga at walang kaabog abog na tumalon at sumampa sa tabi niya. Bitbit ko ang kumot at dalawang unan na galing pa sa kwarto nang daglian akong tumalon pahiga sa gilid niya na  ikinatawa naming dalawa. Bago pa man ako magtalukbong ng sarili ko sa kumot na dala ay mabilis niya iyong hinawi at pinilupot ang katawan ko ng mga braso niya na maging ang mga daliri nito ay abala sa pagkiliti sa mga sensitibo kong balat kung saan mahina ang laman at medyo malakas ang sensitivity ng mga ito. Hanggang sa napagod kaming dalawa at nagdesisyon na magsitigil sa pagkikilitian nang sa wakas ay kinapos ng hininga. Ramdam ko ang maririing haplos ni Mama sa braso ko na lihim ko ring ikinakangiti. Bawat haplos niya kasi sa balat ko ay nararamdaman ko ang pagmamahal doon. Yung pag aalaga, yung mga saya ko sa tuwing kasama ko siya. Sa bawat haplos niya rin sa balat ko, hindi ko maiwasang matuwa dahil nararamdaman mo talaga lahat ng pag aalaga at pagmamahal ng isang ina. Na kahit minsan ay hindi ko naramdaman kay Tita Sharon kahit na ilang beses niya pang akuin na siya daw ang nanay ko. Ha? May nanay bang mahilig manira ng isang maayos at masaganang pamilya? Nagbago lang naman ang trato ni Daddy sa aming dalawa ni Mama simula noong dumating ang Sharon na 'yan. Masyadong malandi, walang pagsidlan ang kati sa katawan. "Pwede ka bang mangako sa'kin, Anak?" Mahinang tanong ni Mama dahilan upang mag angat ako ng tingin sa kanya. Anong pangako? Depende naman siguro kung kakayanin ko, hindi ba? Why not? "Ano po iyon, Mama?" Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago hinaplos ang pisngi ko at nangiti sa'kin. Yung ngiting alam kong nahihirapan siya ngunit hindi ko man lang magawang sabihin kung amo nga ba ang dahilang iyon. Anong kailangan kong maipangako kay Mama at kailangang ganito ang boses niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD