Chapter 18

985 Words
"Pwede ka bang mangako sa'kin, Anak?" Tanong ni Mama habang nakatingin mismo sa mga mata ko. Minsan lang maging vocal si Mama sa lahat ng nararamdaman niya, at minsan rin lang siyang makiusap saming dalawa ni Daddy. Kaya naman ang tila ba nakikiusap niyang mga mata ngayon na nakatitig sa mga mata ko.. tila ba nakakapagtaka lang na nagtatanong siya ng mga ganitong klase ng bagay sa'kin ngayon. Para bang nakikiusap na, ewan. Ewan. Hindi ko maipaliwanag. Basta't ang nararamdaman ko lang ngayon.. natatakot ako sa mga salitang sasambitin niya. Para bang iba kasi ang tono ng pananalita niya ngayon. Ah, basta! Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba! Nakangiti siya sa'kin ngunit nararamdaman ko ang lungkot sa mga labi nito. Maging ang mga mata niya na nakatitig sa'kin ngayon ay tila ba walang buhay at para bang kung makatitig siya sa'kin ngayon ay para bang hinahalungkat nito ang buo kong pagkatao sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata ko. "Ano po iyon, Mama?" Kuryoso kong tanong. Sa halip na sumagot siya ay dahan dahan niyang inangat ang palad at hinaplos sa pisngi ko. Kita ko ang mga walang buhay niyang mata na nagsalitan ang tingin sa mga mata ko at sa kabuuan ng mukha ko na tila ba sinasaulo ang bawat hugis at kurba nito. Maging ang kilay at tungki ng ilong ko ay pinasadahan niya ng haplos gamit ang daliri na ikinangiti ko dahil sa sandaling pagka kiliti sa ginawa niya. "Mami-miss ko ang mukha mo, Faie." Ngiti niya. Agad na nangunot ang noo ko sa biglaang pagkislap ng mata nito at kasabay nito ay ang panunubig sa nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata niya. "M-Mama.." Aaminin ko sa sarili kong nag aalala ako sa biglaan niyang pagiging emosyonal. Daglian kong hinawakan ang kamay niya ngunit ibinaba niya lang ito na para bang binabawalan ako na sumabat sa mga sentiments niya. "May problema ko po ba, Mama?" Isang iling ang pinakawalan niyang bago ngumiti ng malungkot. Kasabay nito ay ang paglandas ng mainit na luha na nagmumula lang kanina sa malulungkot niyang mga mata. "Mangako ka sa'kin, Faie." Aniya na ikinalito ko. "Mangako ka sa'kin na kahit anong mangyari.. hinding hindi ka magagalit sa Tita Sharon mo.." Tita Sharon? Bakit si Tita Sharon? Ano namang kinalaman ni Tita Sharon na kailangan kong mangako kay Mama na hinding hindi ako magagalit sa kanya? Oo, grabe ang galit ko kay Tita Sharon dahil sa panlalandi nito kay Daddy. Siya ang may kasalanan kung bakit nahati ang atensyon ni Daddy para saming dalawa ni Mama. Karapat dapat naman talaga akong magalit kay Tita Sharon sa ginawa niya di ba? Kung hindi niya nilandi si Daddy at nanatili siya sa bakod na ibinibigay para sa mga katulad niyang ahas na balak manira ng relasyon at samahan ng isang buong pamilya.. hinding hindi ako magagalit sa kanya. Dapat nung una pa lang, alam niya na kung saan siya lulugar. Dapat nung una pa lang, alam na niya kung anong limitasyon niya. Dapat nung una pa lang, alam niya nang pamilyado ang lalaking gusto niya. Dapat nung una pa lang at simula nung tumira siya sa pamamahay na ito, dapat alam niya na lahat ng bagay na hindi niya na kailangang tumapak paibis sa linya niya. Ewan ko ba sa mga katulad niyang salot, walang ibang ginagawa kundi manira ng pamilya nang may pamilya. Ganito ba ang ugali ng mga taong pinalaki sa ibang bansa? Nag aral naman siya. Abogado siya. Pero hindi niya yata napag aralan ang delikadesa para sa sarili niya at sa mga taong nakakasama niya. Abogado? Baka Abogaga! "H-Hindi ko po maintindihan, Mama." Iling ko bago napaupo mula sa pagkakahiga sa tabi niya. Nanatili naman si Mama sa pagkakahiga at tila ba pinagmamasdan ang reaksyon ko. "Ano pong kinalaman ng kabit ni Daddy sa usapan natin, Mama?" Tanong ko. Hindi ko inaasahan ang mahina nitong tawa kasabay ng pag ubo na bahagya ko pang pinag alala. Sumenyas siya na ayos lang siya kaya naman nanatili na lang ako mula sa pagkakaupo ko. "Hindi kabit ng Daddy mo si Sharon, Anak." Pagpapaintindi niya bago tumikhim. Para bang ginawa niyang katatawanan ang biglaang pagbuhos ng inis ko sa sinabi niya kanina kaya naman sa halip na makinig sa bawat paliwanag niya ay napairap na lang ako sa kawalan. "Walang kabit sa aming dalawa, Faie.." "Hindi po ba kabit ang tawag sa panlalanding ginagawa niya kay Daddy sa tuwing nakaharap tayong dalawa?" Asik ko na nagmistulang reklamo kaya naman ang pagkinang ng mga mata niya sa pagkatawa kanina ay tuluyan nang naglaho nang dahil sa sinabi ko. "Hindi ko po maintindihan, Mama. Kayo ang nand'yan pero iba ang hinahanap niya." Dismayado kong iling. Hindi ko inaasahan ang paghila sa'kin ni Mama kasabay ng mahigpit na pagyakap na ikinagitla ko pa. Nangangawit ako sa posisyon ko ngunit hinayaan ko lang si Mama na yakapin ako. "Magagawa mo ring intindihin ang lahat balang araw at kapag dumating ang araw na iyon, magpapasalamat ka sa naging desisyon niya para sayo.." "H-Hindi ko po talaga maintindihan, Mama." Ramdam ko ang pagtapik niya sa likod ko bago ako inilayo sa harap niya at tinitigan nang mata sa mata. "Mangako ka sa'kin na magiging mabuting anak ka sa kanilang dalawa, Faience. Mangako ka na hinding hindi ka papasok sa gulo. At higit sa lahat, mangako ka sa'kin na ipaparamdam mo rin kay Sharon kung ano ang ipinaramdam mo sa'kin bilang isa sa mga nanay mo.." Agad na nalukot ang mukha ko sa sinabi niya na malungkot niyang nginitian. "May problema po ba, Mama? Bakit sa tono ng pananalita mo.. para ka na pong magpapaalam. Iiwanan mo na po ba ako sa kanilang dalawa? Aalis ka po ba?" Pero sa halip na sagutin ako ay isang mahigpit na yakap muli ang pinaramdam niya sa'kin kasabay ng pagsinghap at pagbulong sa tenga ko ng salitang madalas kong marinig mula sa kanya. "I love you, Courtney Abegaile.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD