Chapter 19

1008 Words
Ang mainit na sinag ng araw na tumatama sa binti ko ang nagpagising sa natutulog kong diwa. Umiyak sa balikat ko kagabi si Mama habang nakayakap sa akin. Marami siyang ibinilin na hindi ko na rin masyadong maalala. Ni hindi ko na nga rin maalala kung paano akong nakatulog mula sa pagkakayakap niya. Dahan dahan kong ipinasok sa kumot na nakaladlad sa aming dalawa ni Mama ang binting natatamaan ng sinag ng araw. Nang dahil sa pag uusap namin ni Mama kagabi, ni hindi niya na rin yata naalalang isarado ang kurtina sa loob ng kwarto niya kaya naman malayong nakakapasok sa loob ang sinag ng araw. Medyo mainit na ang liwanag na iyon kaya naman nasisigurado ko na medyo tirik na rin ang araw sa labas. Sino ba namang hindi tatanghaliin nang alas dose na kaming tumigil ni Mama sa paghaharutan? Syempre, hindi pa kasama sa alas dose na iyon ang ginawa kong pag comfort sa kanya kagabi sa kaiiyak niya, 'no. Dahil nga sa nabibigatan ako sa brasong nakadagan sa tiyan ko ni Mama ay mabilis ko itong inangat. Labis labis ang tahip ng dibdib ko nang maramdaman ko ang panlalamig nito. Hindi ko rin naman napansin na naka-off naman ang aircon kagabi bago kami natulog kaya naman lalong nakakapagtaka na medyo malamig ang balat ni Mama gayong nasa katirikan na rin naman ang araw sa labas. Binalewala ko ito at marahan nang inangat mula sa pagkakadagan sa'kin dahil nakakaramdam na rin ako ng pagpipigil ng ihi. Bago pa man pumutok ang pantog ko ay mabilis na akong dumiretsyo sa banyo niya upang doon magpalabas ng tubig na kagabi pang naipon sa pantog ko. Nang maghuhugas na ako ng kamay sa sink ay daglian rin akong napatigil sa pagbukas ng gripo dahil natabig ko ang isang garapon na naglalaman ng mga maliliit na tabletas. Isang irap ang pinakawalan ko bago yumuko sa sahig upang isa isa itong pulutin at sinupin sa garapon na gumulong pa sa pinaka ilalim ng sink. Wala akong choice kundi pahirapan ang sarili ko sa kakaabot nito. "Hindi talaga marunong magsinop ng gamit si Mama." Reklamo kong bulong bago nakapa ang plastic na bote at inabot ito paibis mula sa ilalim. Agad na napataas ang kilay ko nang makita ko ang label na nakakapit sa gilid nito. "Carboplatin?" Bulong ko sa sarili bago pinagmasdan ang mga prescription na nakasulat sa paligid nito. Tila ba hindi ko na rin inalala ang mga tabletas na sininop ko at nanlalaki ang mata na nabitawan ito nang mabasa ko na ang prescription na nakasulat sa likod nito. Anong problema ni Mama at bakit umiinom siya ng mga gamot na may kinalaman sa chemotheraphy medication? Nang mahinuha ko na ang mga sagot ko ay hindi ko na inabala ang mga gamot na dumausdos sa nanginginig kong palad at sa halip na muli iyong pulutin ay mabilis na akong lumabas sa banyo at nanginginig na nagtungo sa kama kung saan natutulog si Mama. Pinagmasdan ko ang mukha niyang namumutla, na kung hindi ko pa man nakita ang bote ng mga gamot na iniinom niya ay hindi ko mapapansin na may sakit siya. Maging ang labi nito ay tila ba namumuti na. Ang mga mata nito na parang kailan lang ay may buhay pa, ngunit ngayon ay parang sing lalim na ng mga mata ng taong nagugutom sa daan. Nanginginig akong nagtungo at sumampa sa kinahihigaan niya at dagliang inangat ang braso niyang sinlamig at sintigas na ng bakal. Dito na unti unting pumatak ang mga luha sa mata ko nang muli kong kinapa ang pulso niya sa leeg ngunit wala na akong pintig na maramdaman mula dito. "M-Mama.. t-tanghali na po.." nanginginig kong sambit kasabay ng paghikbi. Paulit ulit ko siyang tinapik sa pisngi, na para bang may magagawa ang mga tapik ko para magising lang siya. "M-Mama.. wag namang ganito oh?" Pakiusap ko habang paulit ulit siyang tinatapik at niyuyugyog. "P-Parang awa mo na Mama, wag 'kong iiwan ng ganito.." hikbi ko. Bakit sa dinami dami ng taong pwedeng mawala, bakit yung mga taong alam mong importante pa sayo? Minsan ka na nga lang magkaroon ng taong makikinig sa lahat ng hinaing mo sa buhay, babawiin pa mula sa mga kamay mo. Lord, ano bang nagawa kong mali sa inyo? Naging mabuting anak naman ako, hindi ba? Hindi naman ako naging masama sa mga magulang ko. Sumusunod ako sa lahat ng bilin nila. Halos araw araw ko nang iluhod ang sarili ko sa inyo bilang pagpapasalamat na ibinigay niyo siya sa'kin.. pero bakit ganito ang natatanggap ko? Naging mali ba ako sa mga bagay na ipinapakita ko? Naging mali ba ako sa lahat ng bagay na ipinaparamdam ko sa iba. Kung hindi, bakit ganito ang natatanggap ko? Pinaparusahan niyo ba ako? Nung una, si Harper ang nawala.. pagkatapos ngayon naman, si Mama. Ano bang mali ko? Saan nga ba ako nagkulang? Nagkulang ba ako sa kanila? Nagkulang ba ako sa inyo? "M-Mama.." hagulgol ko kasabay ng pagyakap ng mahigpit sa walang buhay na katawan ng babaeng nagpalaki sa'kin. "Mama, wag ganito. Nangako ka sa'kin na hinding hindi mi ako iiwan. Nangako ka sa'kin na sasamahan mo ako hanggang dulo, pero bakit nand'yan ka na?" Hagulgol ko pang muli. Rinig ko ang magkakasunod na yapak sa labas ng kwarto bago ko narinig ang sigaw ni Tita Sharon at Daddy na ngayon ay nagmamadali nang nagtungo sa gawi naming dalawa ni Mama. Ang regalong ibinigay sa'kin ng Panginoon simula noong ipinanganak ako, ay ang regalong binawi niya rin sa'kin ngayong mismong araw ng kaarawan ko. Hindi ko alam pero nagdoble doble ang hinaing at problema ko sa buhay. Dinala nila sa ospital si Mama ngunit ang mismong rescuer na ang nagsabi na hindi na siya muling mare-recover pa dahil tiyak nilang ilang oras na ang nakalipas simula nang mamaalam si Mama. Ramdam ko ang mga nag aalalang pares ng mga mata nila na nakatingin sa'kin ngunit nanatili lamang ang paningin ko sa mukhang namumutla ni Mama. Wala akong ibang sisisihin sa pagkamatay ng Mama ko kundi kayong dalawa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD