"Faience? Pangalan pa lang ayoko na, Orlan." Asik niya na tila ba dismayado sa ipinangalan sa'kin ng mga magulang ko.
Teka. Ano nga bang problema ng babaeng 'to? Pati pangalan ko ay gustong galawin at pakialaman.
Ang sabi nila, karapatan ng isang magulang ang pumili ng itatawag at magiging pangalan ng kanyang mga anak. Kasama ba sa mga mamimili ang mga ninang lang ng bata?
I don't think so.
Walang kahit na sino ang may karapatang magbigay ng pangalan sa kanilang mga anak kundi ang mga magulang lang na gunawa at nagsilang sa kanya rito sa mundong ibabaw. Walang sino man ang may karapatan kahit na nag boluntaryo kang maging abay ng kasal k mag-ninang sa bata.
Ano nga bang karapatan nila sa ipapangalan sa bata? Sila ba ang napakahirap na umiri sa katulad kong matigas ang ulo? Sila ba ang nasa posisyon nung ginawa ako? Hindi di ba? Kaya anong karapatan nila?
Anong karapatan ni Tita Sharon?
Okay, gets ko na. Mayroon siyang parte sa pagkatao ko ang alam kong importante pero mas lamang pa tin sa'kin ang parte ni Mama doon. At kahit na sino ang gustong magnakaw ng atensyon ko kay Mama, ako pa rin mismo ang babalik at babalik sa mga kamay niya.
Alam niyo ba kung bakit?
Dahil sa kanya ako lumaki.
Ganon rin naman siguro ang gagawin niyo kung lumaki kayo sa iisang tao. Kahit na kung sakaling hindi ko totoong magulang si Mama Gwy, sa kanya pa rin ako uuwi dahil siya ang magulang na kinalakihan ko.
Siya ang nag alaga, nagbihis at nagpakain sa'kin. Siya ang sumabybay sa pagkatuto kong magbasa at magsulat. Ganoon rin naman siguro kayo di ba?
Mas pipiliin niyo ang mga taong kinalakihan mo at nagawang tunayo at umalalay sayo kaysa sa mga taong nagawa kang abandonahin.
Wala naman akong sinasabing inabandona ako ni Tita Sharon. What if's lang naman. At saka kung totoo man ang sinasabi niyang hindi ko totoong magulang si Mama, mas malaki pa rin ang mapapasalamat ko sa kanya kaysa sa mga taong walang ibang ginagawa kundi pumasok sa buhay ko upang mang inis at manggulo lang.
Wala naman akong sinasabing si Tita Sharon ito pero.. parang ganon na nga.
Isang mabilis na halik ang iginawad ko kay Mama nang makaibis ako sa sasakyan at tumakbo patungo sa kanya.
"Kumusta ang unang araw ng klase, Faie?" Ngiti niya sabay haplos sa magkabilaan kong pisngi.
Hindi ko naiwasan ang paglobo ng mga pisngi ko sa ginawa niya kaya naman bahagya pa kaming natawa sa kalokohan naming dalawa.
"Masaya naman po, Mama. Marami po akong naging kaibigan at magaling po silang makasamang lahat." Sambit ko na ikinatawa niya.
Wala akong ibang nagawa kundi mangiti habang panay kami sa pagtutusukan ng mga ilong at pisngi.
"Good girl naman ng baby ko." Sambit niya bago ako ginawaran ng mahigpit na yakap na ikinatingkayad pa ng paa ko dahil sa panggigigil niya sa'kin.
"Mana po sayo, Mama ko."
Natigil kami sa pagkukulitan nang may tumikhim sa likuran ko. Mabilis na umayos sa pagkakatayo sa Mama at nakangiting pinagmasdan ang supladitang si Tita Sharon.
"Anong pakiramdam ng may anak, Gwyneth?" Tanong niya dahilan upang mapabaling ako ng tingin kay Mama na ngayon ay wala nang reaksyon buhat sa pagkukwentuhan at salubungan naming dalawa.
Sa malayo ay kita ko ang paglapit ni Daddy at ang pag akbay sa tiyak kong nanggagalaiti nang si Tita Sharon habang nakikipag palitan ng tingin kay Mama.
"Siguro, sobrang saya mo ngayon na may itinuturing ka ng anak.." halukipkip pa niya.
Mabilis kong hinawakan ng marahan ang kamay ni Mama dahilan upang bagsak ang balikat na sinundan iyon ng tingin ni Tita Sharon maging ni Daddy.
Ni hindi pa nga malinaw sa'kin kung bakit ngayon lang nagpakita sa akin si Tita Sharon pero kung makadikit siya sa Daddy ko, daig niya pa ang bulating inasinan at inihaw kasama ni Daddy.
Mamaya nga ay susubukan kong kausapin si Mama.
Ramdam ko ang pagganti ng hawak ni Mama sa kamay ko kaya naman mabilis akong nag angat ng tingin sa kanya.
"Go to your room, Faience. Mag uusap lang kami ng Tita Sharon at ng Daddy mo." Bilin niya.
Sa kabilang banda naman ay rinig ko ang mahina at palihim na singhal at bulong ni Tita Sharon dahil sa label na ibinigay ni Mama sa kanya.
"Tsh. Tita Sharon raw."
Sa halip na sumagot pa at intindihin ang salitang ibinuka ng bibig niya ay tumango na lamang ako at nagmadali na sa pagpasok sa loob.
Nasa bulwagan na ako nang magdesisyon akong lumiko sa pader upang tumigil doon at makinig sa usapan nilang tatlo. Mukhang magandang ideya rin ang ginawa kong pagtataho dahil mukhang wala silang plano pumasok sa bulwagan dahil magmula dito sa pwesto ko ay tinig na rinig ko ang mga pabulong nilang sambit.
"Ayoko ng ginawa niyo sa'kin, Orlan. Ayoko ng ganitong set up." Panimula ni Tita Sharon na mas lalong ikinatinis ng pandinig ko.
Ano kayang gusto niya? Nung nakaraan pa siya ah.
"Walang may gusto nito, Sharon." Sabat ni Daddy na ngayon ko lang yata narinig ang boses magmula pa kanina sa sasakyan.
"Walang may gusto? Pero bakit enjoy na enjoy nitong pinsan ko?"
Kahit na malayo ay ramdam ko ang galit niya at medyo na imagine ko rin ang pagduro nito sa mismong mukha ni Mama.
Sinubukan kong dumungaw ngunit mabuti na lamang at nagaea kong pigilan ang sarili at maghintay na lang sa mga sakitang ilalabas nilang tatlo.
Oo. Bata pa ako pero hindi naman ako ganon katanga na maging ang pagiging obvious ng topic nilang tatlo ay hindi ko magawang oag aralan at isa isahin.
Kung ako ang tatanungin ay tila bang may isang bagay na gustong palabasin si Tita Sharon. Isang bagay at salita na alam kong itinatago nilang tatlo sa'kin.
"Ginagawa ko naman ang lahat, Sharon.."
"Anong ginagawa mo, Ate Gwy?" Asik ni Tita Sharon kay Mama. "Ang ilayo ang loob ng anak ko sa'kin. Tama ba?"