Chapter 33

990 Words
Pinanood naming tatlo nila Mapple at Harper kung paano pinagsusuntok ni Aling Susan sa mukha yung lalaking muntik nang mang agrabyado sa'kin. Kung hindi pa man siya inawat ng mga pulis ay baka nasakal na niya ito ng wala sa oras. Nanatili lamang kaming nakaupo sa bench sa harap mismo ng police chief office habang naghihintay ng pipirmahang dokumento upang tuluyan nang maipakulong ang r****t na iyon. "Mabuti naman po at hindi kayo nagalaw ng pesteng r****t na ito." Baling ng police office saming tatlo kasabay ng pagsimsim sa kapeng kanina niya pa hawak.  Normal naman siguro ang uminom ng kape habang nakaduty ka sa trabaho, hindi ba? Oo, normal iyon. Ako lang naman yata ang ma-issue dito na maski ang maliliit na bagay ay nagagawang pakialaman. Kasama na sa maliit na bagay na iyon ay ang pag inom ng kape. "Ilang cases na ang nakasangkutan ng lalaking iyan. Ngayon nga lang yata nagkatoon ng lakas ng loob na magpakita at nagpahuli." "Sinubukan niya pong tumakas, ako lang ang humuli." Sabat ni Harper bago bumaling sa'kin na ikinababa ng tingin ko. Nagpatuloy ako sa paglalaro ng mga daliri ko sa kamay habang pinapakiramdaman ang paligid. Pakiramdam ko tuloy ay may mali ako sa nangyari. Pakiramdam ko tuloy ay sasabunin nila ako mamaya kapag nagpasya na kaming makauwi ng bahay. Pakiramdam ko ay may limitasyon ang pagiging tahimik nilang dalawa ni Mapple.  Hindi ko alam pero isa sa kinakatakot ko ay ang pag init ng ulo ni Harper. Lalo na ngayon na para vmbang hindi na siya ang Harper na nakilala ko dati at naging kaibigan ng ilang taon. Para bang hindi na siya ang Harper na mapag patawad dati. Natigil ako sa pag iintindi sa maraming bagay nang maramdaman ko ang pagyapos ng kamay niya sa ibabaw ng dalawang kamay ko na abala pa rin magpa hanggang ngayon sa paglalaro sa isa't isa. "Okay ka lang ba?"  Well, mukhang nagkamali ako dahil siya pa rin ang Harper na maaalalahanin sa lahat ng bagay. Isang tango ang iginawad ko sa kanya bago tumikhim at nahihiyang tinanggal ang kamay niyang nakapaibabaw sa kamay ko. Pansin niya ang kilos kong iyon kaya naman namumula siyang nag iwas ng tingin sa'kin at umayos sa pagkakaupo. Malalim na ang gabi at tanging ang pag alingawngaw lang ng mga suntok ni Aling Susan sa r****t na iyon ang maririnig namin sa loob ng opisina. Sa kabilang bahagi namin ay naririnig namin ang mga lihim na pagtawa ng mga pulis habang nag uusap ng kung ano ano. May pagpupusta pa ngang nalalaman na sa halip na ikagalit mo ay matatawa ka na lang. "Pustahan tayo, sabog yung mukha ng lalaking iyan." Panay nilang bulungan kasabay ng pagtawa. Nanatili lamang kaming tahimik ni Harper habang si Mapple naman ay lagi kong napapansin na sumusulyap ng palihim sa lalaking katabi ko ngayon. Ako ang nasa gitna nila sa bench kaya naman feeling ko, ako pa ang barrier para sa kanilang dalawa. Nakakahiya lang. "Putang ina mo! 'Yan ang nagagawa ng shabu sa utak mo! Baboy kang animal kang punyeta kang hindot ka!" Nanggigigil na sigaw ni Aling Susan na magpa hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa loob. Tila ba naging live show, face to face ng TV5 Season 2. "Kasalanan ko bang maging masarap sa paningin ko 'yang alaga mo?" Sarkastiko at malaswang sambit ng lalaki bago lumingon sa'kin na ikinapula ng mukha ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paglalaro nito ng dila papasok at palabas sa bibig niya na para bang nanginginig habang nakalingon sa'kin. Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa ginawa niya. Pansin ko ang mga kamay ni Harper na kumuyom sa gilid bago siya umastang tatayo at susugod. Mabuti na lang at mabilis ko siyang nahawakan sa kamay na ikinalingon niya. "'Wag please." Pakiusap ko dahilan upang balingan ako nito ng tingin. Isang tinging nagmamakaawa ang ibinigay ko sa kanya dahilan upang pabuntong hininga siyang umirap sa'kin at pabagsak muling umupo. Agad kaming napangiwi nang marinig namin ang magkakasunod na pag alingawngaw ng tsinelas ni Aling Susan na magkakasunod niyang isinampal sa bibig ng kawawang r****t. Rinig ko ang sipulan ng mga pulis sa katapangan ni Aling Susan na palihim kong ikinangiti. Mas kinakailan talaga.. Patuloy lang siya sa pagsampal ng makapal niyang tsinelas hanaggang sa napadugo niya ang ilong at bibig ng lalaki na maging ang mga ngipin nito sa harap ay nabasag niya sa sobrang panggigigil sa kababuyang inawa ng r****t sa'kin. "Isa pang malaswang pagbuka ng bibig mo sa alaga ko.. hihilahin ko na palabas 'yang bituka mo at ipapalupot ko sa leeg mo!" Banta niyang duro. Minsan ay naiisip ko.. bakit hindi na lang si aling Susan ang naging magulang ko? Kung nawalan man sa mga kamay ko si Mama, pwede bang si Aling Susan na lang ang maging kapalit niya? Isang pirmahan na lang sa dokumento ang ginawa namin upang tuluyan nang maipakulong at makasuhan ang lalaking iyon. Naging sa daan pauwi sa apartment ay nakasunod si Harper. Kanina pa nga sila paulit ulit na nagkukwentuhan ni Aling Susan habang kami naman ni Mapple ay tahimik lang at nagmimistulang nakikinig na lang sa usapan nilang dalawa. "Maraming salamat talaga sa pagliligtas mo sa alaga ko.." taos pusong pasasalamat ni Aling Susan na magmula kanina ay paulit ulit na niyang sinasambit. Kamot ulong tumango tango si Harper at tila ba naaasiwa na sa paulit ulit na pasasalamat ni Aling Susan. "Kung hindi dahil sayo-" "Very much appreciated na ni Harper iyon, Tita." Putol ko na ikinanguso niya. "Gusto ko lang namang magpasalamat sa kanya sa pagliligtas sayo, Faience.." iling niya na ikinatawa ko at ni Harper. "Basta't si Faience, Tita. Walang problema sa'kin." Sagot ni Harper bago bumaling sa'kin at kumindat. Ramdam ko ang pag init ng buo kong mukha sa ginawa niya kaya naman hindi ko naiwasang umirap at nangingiting nag iwas ng tingin. Panay sa pagsipol si Aling Susan habang nanatili namang tahimik sa tabi si Mapple.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD