Chapter 45

993 Words
"I'm Sharon Michella Uson, your substitute teacher for Law Subject. Pleased to meet you all." Pakilala niya bago bumaling sa'kin at nag iwas ng tingin. Hindi ko alam pero kinilabutan ako sa sinabi ni Mikaela. Magkamukha kami ni Sharon? Sa anong parte kung ganoon? Nang dahil sa sinabi niya ay nagkaroon ako ng phobia na tumingin sa salamin. Ewan ko ba pero may parte sa pagkatao ko ang naniniwala sa narinig mula kay Mikaela. Natatakot ako na sa oras na tumingin ako sa salamin ng kwarto ko ay baka makita ko ang pigura ng mukha ni Sharon na nakatitig sa'kin. Ewan ko ba pero maliban sa pagtitig sa salamin ay nagkaroon rin ako ng takot na tumitig sa mismong mga mata niya. Baka sa sandaling lumingon ako sa bahagi ng mata niyang iyon, baka makita ko lang ang pagkakapareho naming dalawa. Aminin ko man sa sarili ko o hindi, malaki ang pagkakahawig naming dalawa. Sa mga kilos, sa paraan ng pagsasalita, sa pagkakatayo. Halos lahat ng bagay na ginagawa ko ay may pagkakahawig sa kanya. Hindi ko alam pero halos kalahati ng pagkatao ko ang naniniwala sa mga sinasabi nila dati na si Tita Sharon ang tunay kong nanay. Pilitin ko mang bulagin ang sarili ko sa katotohanang ipinagkait kong malaman, unti unti rin namang lumalabas ang totoo sa bawat araw na lumilipas na nakikilala, nakikita at nakakasama ko siya sa iisang lugar. "That's all for today. Thank you." Tikhim niya bago lumabas ng klase. "Magaling palang magturo yung Mommy mo." Hagikgik ni Brittany na inirapan ko. Oo, magaling siya magturo. Halos lahat ng mga salitang binabanggit niya ay binibigyan niya ng description at kahulugan. Pero iba ang hatid nito para sa akin. Sa mga araw na nagdaan at sa mga linggong lumipas na si Sharon ang nagtuturo sa amin, mas lalo lamang akong nawawalan ng ganang pumasok sa klase niya. Okay naman ang halos lahat ng grades ko sa ibang subject maliban sa subject niya which is isa sa mga major subject ng kurso ko na kailangan kong panatilihing malakas. Mataas ang grado ko sa Law noong si Mrs. Garcia pa ang proffesor namin, pero kung kailan naglaho na parang bula si Mrs. Garcia, siya namang paglaho rin ng napakagandang grado ko dati. Tila ba isang kalabit sa kalibre ng baril ang pagpasok muli ni Sharon sa buhay ko na naging resulta kung bakit bumabalik nanaman ako sa dati kong buhay noong nasa pader pa nila ako. Bakit ganoon? Kung kailan mo naisipang magpakatino, siya namang pagdating ng mga taong nagiging dahilan kung bakit nagiging bastos ka. Gagawa sila ng paraan na ikagagalit mo, tapos kapag sumagot ka at naging bastos ka nila.. magrereklamo sila. Sasabihin, "Bastos kang bata ka!", without knowing na nakakabastos rin naman ang salitang binitiwan niya di ba? Ewan ko ba sa mga taong ito. Masakit magsalita sa harap ng iba, yung tipong ipapahiya ka pa tapos kapag sumagot ka at ipinaglaban mo yung side mo which is nasa tamang panig ka naman, d'yan na sila magsisimulang tumalak at kukuda ng walang hanggan. Minsan ay nakakasawa ang mga ganitong klase ng mindset ng isang tao. Kunwari mabait sayo kapag may nakaharap na iba, pero gagawa sila ng paraan na ikakagalit mo tapos ipagkakalat sa lahat kung gaano ka-demonyo at kabastos ang ugali mo. Nakakasawa. Nakakagalit at mas laling nakakapikon. "Sa sobrang galing magturo, natutunan niya ring mang agaw ng pamilya nang may pamilya." Iling ko bago padabog na umalis sa kinauupuan upang lumabas na ng klase. Kita ko ang mabilis na pagtinginan nila Mikaela at Brittany sa isa't isa bagi nagdesisyon na sumunod sa'kin. "Pero totoo yung sinabi ko ha. Legit, no lies. Magaling magturo yung Madrasta mo." Pag highlight ni Brittany sa paulit ulit niyang sinasambit magmula pa kanina. Ang pinaka ayoko sa ugali ni Brittany ay yung pagiging manhid niya sa pakiramdam at pinagdadaanan ng mga taong nakakasalamuha at nakakaharap niya sa pang araw araw. What I mean is yung.. halimbawa, namatayan ka ng kamag anak tapos sa halip na makiramay siya ay magkukwento pa siya ng mga bagay na may kinalaman sa purgatoryo at impyerno. Putang inang 'yan. Yung tipong halos mamatay ka na sa kakaiyak dahil nawala na sa mga kamay mo yung taong isa sa pinaka mamahal mo tapos madadagdagan pa sa pagluluksa mo yung pag aalala para sa kaluluwa ng taong kinuha sayo. "Tigilan mo nga siya si Faience, Brittany." Reklamo ni Mikaela na hindi ko na sinagot. As usual, nagpatuloy sila sa bardagulan habang naglalakad kami patungo sa canteen. Gaya ng lagi naming ginagawa at nakagawian na rin naming gawin ay nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan hanggang sa makarating na nga kami sa sarili naming mesa sa cafeteria. Kami lang ang may karapatang umupo rito at kahit na sino, baguhan man o hindi ay bawal na lumapag o maski tumambay rito. Iyon ang rules na si Mikaela mismo ang gumawa. Maselan kasi siya sa lahat ng bagay at isa na doon ang mga bagay na alam niyang may karapatan siya. Sabihin na nating underwear ang usual place namin na ito, sino ba naman ang magkakagustong humiram ng underwear sa iba at alam mo namang hindi mo pagmamay ari di ba? Nakakadiri lang kung iisipin mo pa. "Kanina ko pa napapansin na madalas lumingon sa table natin yung lalaking iyon." Nguso ni Brittany dahilan upang mag angat ako ng tingin sa ininguso niya. Nagkasalubong ang tinginan naming dalawa ni Harper at di kalaunan ay siya na rin ang kusang nag iwas ng tingin. "Kilala mo ba 'yon, Faience?" Tanong ni Mikaela na ikinabuntong hininga ko. "Sayo madalas na tumitig eh." Ngiti niya pang dagdag na inirapan ko. Wala akong time na makipag usap at magpaliwanag sa kanilang dalawa ngayon. Kung ano man ang sasabihin ko, yun ang tanggapin at lunukin nilang dalawa. Wala akong time na ikwento kahit na kanino ang tungkol sa pagkakaibigan naming dalawa ni Harper. Magkaibigan pa ba kami? Kasi pakiramdam ko.. tapos na ang lahat sa pagitan naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD