Chapter 6

997 Words
Kapatid ang turing niya kay Daddy, pero mag asawa silang dalawa. Ang gulo hindi ba? Hindi ko na inintindi ang sinabi ni Mama at sa halip na pagtuunan ng pansin 'yon ay daglian na akong hinila ng antok at pagod sa paglalaro naming dalawa ni Mama kanina. Napapangiti na lang ako sa bawat tapik na nararamdaman ko sa hita niya na para bang isa pa rin akong sanggol sa paningin niya at kinakailangan pang tapikin sa binti upang makatulog. "Kami ang unang nagkakilala ng Daddy mo, pero iba ang pinili niya at iyon ay ang Tita Sharon mo." 'Yan ang mga salitang huli kong narinig mula sa tinig ni Mama bago ako tuluyang dinalaw ng panaginip ko. Dumaan ang maraming araw at dumating na nga ang pinaka unang araw ko sa eskwelahan. Panibagong araw at panibagong taon kung saan muli akong makakakilala ng mga bagong kaibigan. Palubog na ang araw at ito rin ang pinaka unang araw na natapos ko ang isang buong klase.  Marami rin akong nakilala sa klase kaya naman hindi ko na mapagsiglan ang tuwa sa sarili ko habang naglalakad sa pathway. Hindi naman ganoon kahaba ang pathway at tila ba sinadya lang talaga para sa mga bata. Para bang pinahaba lang dahil sa maliliit na hakbang ng mga paa namin at kung susumahin mo ang hakbang, tiyak ko namang hindi aabot sa labindalawang hakbang ng matatanda ang pathway na tinutukoy ko. Palukso lukso akong naglakad patungo sana sa pinakadulo. Dahil nga sa sobrang pre occupied ng isip ko ay napapatulala at napapangiti na lang ako sa sahig na nilalakaran ko. Isang beses pa muna akong ngumiti sa sahig bago nag angat ng tingin at itinuon ang titig sa pinakadulo ng pathway. Agad akong natigilan sa nakita ko lalo na nang makita ko ang isang pamilyar na piguro ng batang nakita ko sa simabhn nitong nakaraang buwan. Paulit ulut naman kaming dumadalo sa mga misa sa simbahan ngunit iyon na ang pinaka una't huling nakita ko siya. Kaya naman ang makita siyang naririto sa harapan ko, ilang dipa ang layo mula sa'kin ay nakakapanaba ng puso. Nakatalikod siya sa gawi ko ngunit hindi iyon naging hadlang upang mawala sa memorya ko ang hugis at bulto ng katawan niya. Ilang dipa na lang ang layo ko sa kanya ay nagsimula na itong malakad palayo. Wala tuloy akong nagawa kundi bilisan ang paglalakad ngunit hindi naman pinahalatang gusto kong maabutan ang batang lalaki na iyon. Nang makaliko siya sa pathway ay siya namang bahagyang pagbagal ng pagtakbo ko at napapagod na huminto sa pagtakbo ko nang makarating ako sa dulo kung saan siya nakatayo kanina. Ilang baling mula sa kumpulan ng mga estudyante ang ginawa ko bago ko muling nakita ang bulto ng katawan niya sa gawi kung saan mas marami ang mga batang nagkukumpulan. Tanging ang kulot nitong buhok sa likod ang ginawa kong palatandaan upang mahagilap siya dahil kung tutuusin.. gusto ko talaga siyang makilala! Ewan ko ba pero may pakiramdam ako na gusto ko siyang makausap man lang kahit na sandali. Nang sandaling makakalapit na sana ako sa gawi niya ay siya namang may humarang sa harapan ko na nagugulat kong ikinatigil. Binalak ko sanang magreklamo pero nung makita ko ang nakangiting nukha ni Daddy ay napangiti na lang ako. Anyways, may iba pa namang araw, hindi ba? At saka isa pa, mukha namang magkapareho kami ng academy na pinapasukan kaya naman hindi malabong magkabanggaan kami sa mga suusnod na araw. At isa pa, ito pa lang naman ang pinaka unang araw ko sa school. Hindi na rin naman masama. "Kanina ka pa namin hinahanap ng Mommy mo, Faience." Sambit ni Daddy bago ako hinawakan sa braso upang alalayan sa paglalakad. Naisipan ko pang bumaling sa gawi kung saan ko huling nakita ang batang lalaki upang magbaka sakali sana ngunit hindi ko na nasilayan ang katawan nito. Owemji, ang pangit naman ng nasilayan ang katawan. Let me revise it, then. Naisipan ko pang bumaling sa gawi kung saan ko huling nakita ang batang lalaki upang magbaka sakali sana ngunit hindi ko na nasilayan ang anino nito. Ang chaka lang. "Si Mama po?" Tanong ko ngunit isang singhao ang pinakawalan nito bago nagmadali sa paglalakad na animong may humahabol saming dalawa. "Kasama mo po si Mama?" "Nope." Tipid niyang sagot bago ngumiti at bumaling sa'kin. "Alam kong magugulat pero at the same time ay natitiyak ko namang matutuwa ka sa kung sinong kasama natin para sa first day ng school mo." Dagdag niya pa. Nang unti unti kaming makapaglakad sa parking lot at unti unting lumilinaw sa'kin ang lahat. Kita ko ang nakatalikod at pamilyar na pamilyar na bulto ng katawan na nakatayo sa pinto ng passenger seat. May katawagan ito sa cellphone at mukhang kanina pa naghihintay sa labas. Mukhang tanga lang dahil ang kapal pa ng sweater na suot niya. Oo tama si Daddy, nagulat nga ako sa nasaksihan ko pero hindi ako natuwa gaya ng sinabi niya. Anong nakakatuwa kay Tita Sharon? Anyways, bata pa ang isip ko that time kaya naman pinilit kong ngumiti kahit na nakakaramdam pa rin ako ng dismaya sa sinabi ni Daddy. Bakit si Tita Sharon ang kasama mong sumundo sa'kin kung pwede namang si Mama na lang, di ba? May problema ba sa inyo dalawa? Hindi ko alam pero pinaghalong dismaya, inis at poot ang naramdaman ko sa ginawa ni Daddy. Is this even a surprise? Like what the f**k? Nang makarating na kami sa kinaroroonan ni Tita Sharon ay mabilis niyang tinakbo ang distansya naming dalawa at paluhod akong ginawaran ng yakap na hindi ko na ikinagulat. Sanay na ako sa mga ganitong klase ng yakap niya na minsan ay ikinakatuwa ko pa. "This is your first day, right? Do you want me to treat you something you like?" Matamis na ngiti niya dahilan upang tumango ako at palihim na sumilip sa loob ng kotse, nagbabaka sakaling naroon si Mama. "What do you want to have, my princess?" "I want my Mama, Tita Sharon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD