Chapter 52

999 Words
"Goodmorning, Ma'am." Bati ni Brittany na nanatili pa rin sa pagkakasungaw sa pintuan. Hindi ko alam pero tila ba nadidismaya ako sa mga kinikilos ni Brittany. Biruin mo 'yon.. nagagawa niyang umalis at balewalain ang iba pa naming subject na nauuna sa subject ni Sharon, pero hindi niya man lang magawang balewalain ang subject ni Sharon. Kapag naman tinanong mo ay wala naman ibang isasagot kundi puro papuri lang para kay Sharon, kung gaano ito kagaling magturo, kung gaano nila ito nagagawang pakisamahan ng maayos. Ewan ko ba pero nagsisimula na rin akong makaamoy ng masangsang na amoy kung paano siyang nakapasok sa campus na ito. Nagpakilala siya sa harap naming lahat bilang isa sa mga substitute teacher na pansamantalang papalit kay Mrs. Garcia. Hindi niya rin naman magawang sagutin sa aming lahat kung ano nga ba ang tunay na nangyari kay Mrs. Garcia at sa halip na siya ang pumasok sa klase namin ay si Sharon ang nakatayo sa harap naming lahat. Alam kong may mali. Hindi rin naman magaeang sagutin ng iba pa naming ka-eskwela kung nasaan nga ba si Mrs. Garcia na magpahanggang ngayon ay hindi namin nakikita ang bakas niya. Walang bakas ng pagre-resign, walang bakas ng pag alis at mas lalong walang bakas ng pagshift ng klase. Hindi rin naman siya nahihirapan sa klase dahil maayos naman kaming makasama sa kanya at nakakasundo niya naman kaming lahat, kaya naman ang umalis siya ng walang paalam ay para bang nakakapagduda. Ni hindi man lang nagawang magpaalam saming mga estudyante na napamahal na rin sa kanya. Ang unfair lang. Hindi ko naman magagawang halukayin ang records ng pag alis niya kung ibang teacher ang nakatayo sa harap namin at hindi ang mismong madrasta na sumira ng pamilya ko ang naririto. Nakakaurat. Ramdam naming lahat ang pagpasok ni Brittany at hindi na hinintay ang senyas ni Sharon dahil naging abala na ito sa paninitig sa exam paper na nagawa ko lang namang ibagsak sa kanya. Ewan ko ba sa babaeng 'yan, nagagawang umalis sa klase ng ibang guro na gaya lang naman ng Law ay puro major rin naman kung tutuusin. Tapos kung makapasok sa klase ni Sharon ay para bang achiever rin gaya ko. Nagagawa niyang balewalain ang ibang professor tapos pagdating kay Sharon ay always completed sa attendance at mga group outputs. Ewan ko ba pero may chance na hugutin ko ang dila niya kapag natapos ang klase namin sa araw na ito. Gusto kong ipalasap sa kanya kung anong lasa ng pagpapaka bida sa klase ng madrasta ko. Kibit balikat at nakanguso siyang pumasok sa loob at dumiretsyo sa upuang nasa likod ko kung nasaan rin  nakaupo si Mikaela. Nanatili ako sa pagkakatayo habang hinihintay si Sharon na humuhugot ng lakas upang maipahiya ako sa harap ng mag estudyanteng gaya ko rin ay nag aabang sa sasabihin niya. "Anong meron?" Rinig kong bulong ni Brittany na tiyak kong si Mikaela ang kausap niya. Rinig ko ang singhap ni Mikaela bago napapikit sa sinabi nitong tila ba insulto yata para sa'kin. "Bumagsak lang naman sa test si Faience." Sagot niya. "Bakit ba kasi ngayon ka lang? Hindi ba't sinabi kong magmadali ka at agahan mong pumasok? Bakit ngayon ka lang?" "May masarap na kliyente. Sayang yung bayad kung hindi ko pinuntahan." Sagot ni Brittany na habang patagal nang patagal ang sandali ay pahina na n pahina ang boses niya. Alam kong pribado iyon at talaga namang nakakahiya kung lalakasan niya pa ang pagsagot sa tanong ni Mikaela. Pwede naman kasing mamaya na lang magkwentuhan pero.. bakit hindi man lang pumasok sa isip nila na pwedeng mamaya na lang? Mamaya na lang kapag nakaharap na ako sa kanilang dalawa at tapos na si Sharon sa pamamahiya sa'kin sa harap ng klase. "Really, Courtney? Nag eenjoy ka ba talaga sa pag aaral mo?" Sarkastiko niyang tanong na para bang nagsisisi ako sa pagpapabagsak sa subject niya. Wala naman problema sa'kin kung umulit ako sa kurso ko, ang importante lang naman sa'kin ay hindi na siya ang maging teacher ko sa susunod na taon. Wala akong pakialam kahit na umulit at muli akong magpaka pagod sa pagtatrabaho para sa mamahaling tuition, dahil alam kong may iba ng paraan para makalikom ng pera. "Faience Jamella ang pangalan ko, Misis." Sarkastiko kong pagtatama sa sinabi niya na hindi niya na rin ikinagulat. Madalas kaming magbardagulan sa loob ng klase kapag may oras kaming dalawa sa pang iinsulto sa isa't isa kaya naman kampante ako na hindi na magugulat ang buong klase sa panibagong scenery na nasasaksihan nilang lahat ngayon sa pagitan naming dalawa ng babaeng ito. Napangisi siya sa isinagot ko at dahan dahang lumapit sa'kin upang subukan sana ang pisi ng pasensya ko. Bawat pag apak niya sa malamig na tiles ng sahig ay umaalingawngaw ang tunog ng high heels niyang pwede nang makapatay ng tao kung iisipin mong itarak sa leeg ng mga makakaaway mo. Hindi ko inaasahan ang mabilis nitong pagsampal ng mga test paper sa mukha ko. Daglian akong napaigik sa kinatatayuan nang dahil sa pagkabigla. Hindi naman niya literal na isinampal sa mukha ko pero nakakainsulto ang paraan niya ng paghagis sa mukha ko ng mga ito. "Wala akong pakialam sa pangalan mong galing sa patay." Sumbat niya. Hindi ko alam pero tila ba nainsulto ako sa sinabi niya. At anong pangalang galing sa patay? Tanga ba siya? Maraming Faience Jamella sa mundo. Ewan ko ba kung bakit ang laki ng galit ni Sharon sa tuwing maririnig niya ang pangalan ko. Mabilis akong nag angat ng matalim na tingin sa kanya ngunit hindi na niya nakita ang reaksyon ko nang makita ko siyang nakatalikod na sa gawi ko at prenteng naglakad patungo sa harapan. "Mukhang hindi ka tinuran ng mabuti ng taong pinag iwanan ko sayo-" "Tumahimik ka, Sharon." Sabat ko na ikinangisi niya. Kung ginagawa niya ito para pikunin ako sa harap ng mga kaklase ko.. well, nagtagumpay siya dahil labis na ang panggigigil na nararamdaman ko sa katawan nang dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD