Chapter 54

996 Words
Ilang beses ko ba dapat na ipaliwanag sa kanyang.. hindi nga ako ang Courtney na sinasabi niya! Faience ang tang inang pangalan ko! Faience ang kinalakihan kong pangalan at Faience lang rin ang tatanggapin ko sa oras na mamatay ako! Baka nga Faience rin ang hahanapin kong pangalan kung sakaling magkita na kami ni San Pedro sa langit, o kung doon ba talaga ang punta ko? Nang dahil sa lakas ng pagkakasampal niya ay napatagilid ang ulo ko sa sobrang lakas ng paglapat ng palad niya sa kaliwa kong pisngi. Ramdam ko ang diin nito kaya naman masasabi ko na nagpipigil na lang siya ng gigil sa'kin sa sarili niya na saktan at sabunutan niya ako sa harap mismo ng klase. Rinig ko ang pagsinghap ng lahat at ang bulungan nila lalo na nang marinig ko ang pagsinghot ni Sharon sa gilid ko. Nanatili ang mukha ko sa gilid habang nakababa ang tingin sa sahig. Para bang natatakot na sa oras na mag angat ako ng tingin sa kanya ay mababakas ko na ang sakit na matagal niya nang inipon ng matagal na panahon nang dahil sa pagiging matigas ko pagdating sa kanya. Alam kong mamamaga ang pisngi ko mamaya dahil sa nakakagigil na sampal niya sa'kin. Nakakatawa lang na nagagawa niyang bantaan si Daddy sa tuwing masasaktan niya ako nang dahil sa galit tapos.. heto siya ngayon, nasampal niya sa unang pagkakataon. Sarkastiko akong bumaling ng tingin at ngiti sa kanya at halos muntik nang manlaki ang mga mata ko sa nasaksihan at mabuti na lang ay nagawa ko pang pigilan ang sarili ko. Kita ko ang marahang pagdaloy ng luha niya sa pisngi nang dahil sa sinabi ko. Alam kong nasaktan siya dahil kahit na sino naman ay masasaktan sa ginawa kong pagsagot sa kanya sa harap ng maraming tao. Dahil ba iyan sa pagkapahiya o may iba pa bang bagay na hindi ko pa nalalaman sa ngayon? "Nagagawa mo na akong saktan ngayon?" Pambabalewala ko sa pagluha niya sa harap ko at sa harap ng maraming tao. Sobrang dali lang i-set aside ng nararamdaman ng ibang tao.. pero alam kong nasasaktan siya lalo na nang dinagdagan ko ang sinasabi ko sa kanya ngayon. "Ganyan ka ba talaga ka-desperado na makuha ang atensyon at panig ng lahat ng taong nandito?" Tanong ko kasabay ng panginginig sa boses. Hindi ko alam pero para ba akong nanghina nang dahil sa nasasaksihan kong sakit na bumabalot sa kanya ngayon. Malaki ang parte ng pagkatao ko na tila ba kumbinsido sa nararamdaman ni Sharon. Para bang may kakaiba na hindi ko pa mahinuha sa ngayon dahil wala pang sapat na ebidensya para sa sarili ko. "Akala mo ba makukuha mo ang panig ng lahat dahil sa pag iyak mo?" "Nasasaktan ako sa mga salitang binitiwan mo, Anak-" "Wala akong nanay na katulad mo!" Hiyaw ko na naluluha niyang ikinaatras. "Palagi mo na lang ipinapasok sa maliit mong kokote na may responsibilidad ka sa'kin kahit na wala. Ano na nga bang tawag d'yan?" Satkastiko kong tanong sa sarili bago humagalpak ng sarkastikong tawa na ikinalingon nilang lahat. Grabe talaga ng nagagawa ng pagiging emosyonal mo kahit na sa ibang maliliit na bagay lang naman ang dahilan. Maliit na bagay nga lang ba? "Hindi kita magiging nanay. Hindi kita itinuturing na madrasta dahil para sa'kin.. isa ka lang kabit na may kakayahang magmanipula at manira ng isang masayang pamilya.." dismayado kong sambit. Pinanood ko siyang nanginginig na pinunasan ang ilong at mga pisngi na ngayon ay bumabaha na sa luha nang dahil sa hinanakit na paulit ulit kong sinasambit sa harapan niya ngayon. "A-Ano bang kailangan kong g-gawin paara maniwala ka?" Tanong niya na may halong panginginig. Hindi ko alam pero bahagya akong napangiti ng may halong sarkasmo nang dahil sa sinabi niya. Ano nga bang magagawa niya? At anong natatanggap? Matatanggap na maging madrasta ko siya. "Kahit na anong gawin mo.. hinding hindi na magbabago ang tingin ko sayo, Sharon." Sagot ko. Dahil kahit na anong mangyari ay mananatili na lang na sarado ang isip ko sa maraming bagay, kahit na alam ko sa sarili kong nasa panig ako ng mali at pagiging ignorante. "Isa kang basura." Sambit ko. Umalis ako sa kinatatayuan at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan upang lumabas sana. Palabas na sana ako nang bigla na lamang pumasok sa isip ko ang isa pang napaka importanteng bagay na kailangan ko pang ipaulit ulit sa kanya upang makuha niya. Mabilis akong tumigil sa paglalakad ngunit nanatili lang ang pagbaba ng tingin sa sahig at harap mismo ng pintuan. "Matatanggap kong laiitin mo ang pagkatao ko, laiitin ako sa harap ng ibang tao, ipahiya sa lahat ng nakikita mo, sa lahat ng taong importante sa buhay ko.. pero hinding hindi ko matatanggap na laiitin at punahin mo ang pagpapalaki sa'kin ng magulang ko." Panimula ko bago bumuntong hininga at lumingon pabalik sa kanya. Nanatili siya sa pagkakatayo niya sa gitna ng klase at nakatalikod sa gawi kung nasaan ako ngayon. Nakababa ang titig niya sa sahig at napapansin ko rin ang mahinang paggalaw ng balikat niya na abala pa rin sa paghikbi ngayon. Hindi ko alam pero unti unting sumisikip ang puso ko nang dahil sa pagkakasaksi ko sa pag iyak niya. Ngayon ko na lang siya muling nakitang umiyak at ang nauna kong paghuli sa iyak niya ay noong namatay pa si Mama, halos iaang dekada na ang lumipas. "Sa susunod na idamay mo ang pangalan ng taong patay na sa isang simpleng argumento sa'kin, hindi ako magdadalawang isip na isunod ka sa kanya." Tikhim ko sa nag uumpisa nang pamumukol sa lalamunan at tindi ng pagpipigil ng iyak. "Teacher ka, abogado ka.. sana naman mapag aralan mong lumugar sa pwesto mo at wag nang mangielam sa buhay ng iba, di ba?." Pagkatapos kong magsalita ay mabilis na akong naglakad palayo. Habang lakad takbo ako sa pathway ay hindi ko na naiwasang pigilan ang pagdaloy ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit nasasaktan ako sa nasaksihan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD