Chapter 25

987 Words
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin habang mag isang naglalagay ng kung anong kolorete sa mukha. Ngayon ang araw kung saan ga-graduate na ako sa pagiging senior high student. Parang kailan lang ay magkasama pa kaming nangangarap ni Mama sa medalyang matagal ko na ring inaasam, parang kailan lang ay kasama ko pa siyang manalangin sa simbahan upang hilingin ang plaque'ng iyon. Parang kailan lang ay sabay pa naming pinangarap iyon. Parang kailan lang ay kasama ko pa siyang manalangin upang maisakatuparan ang bagay na iyon na matagal na rin naming hinihiling. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin upang maabot ang bagay na ito. Pero hindi ko alam na sa bawat araw na lumilipas, mag isa ko na lang pala na hinihiling ang bagay na iyon. Simula nang nawala si Mama, para bang gumuho ang mundo ko. Hindi naman ito ang naging rason upang tuluyan kong i-give up ang kahilingan at pinapangarap naming iyon dahil magmula umpisa hanggang sa dulo, kasama ko siyang abutin ang bagay na iyon. Alam kong busy si Daddy sa case na hawak niya, kaya naman hindi na ako nagdesisyong sabihin at mag request sa kanya na samahan ako sa entablado para sa speech ko. Hindi ko rin naman nais na makasama si Sharon na kuhanin iyon kahit na alam ko namang bakante ang oras niya. Bakit? Sino ba siya? Kasama ko ba siya nung mga panahong nasa panalangin pa lang ako para sa bagay na iyon? Kasama ko ba siya nung mga panahong pinaghihirapan ko pa ang bagay na iyon. Hindi di ba? Kaya wala rin siyang karapatang sumama at samahan ako sa graduation na iyon dahil sa umpisa pa lang, wala na siya sa tabi ko at mas lalong wala siyang karapatan. Gaya ng sinabi ko ay mag isa lang akong tumuntong sa stage. Kabi kabila ang bulungan ng kapwa ko mag aaral habang mag isa lang akong naglalakad sa entablado. "Nasaan ang mga magulang mo, Uson?" Ngiting tanong ng Principal. Kahit na pabulong niya lang itong tinanong ay hindi ko naiwasang makaramdam ng hiya dahil sa mga kuryosong tingin ng mga co-teachers niya sa likod ko at sa akin mismo. "Wala po akong mga magulang." Walang reaksyon kong sagot na ikinagitla niya. Inabot pa ng ilang sandali siyang nakatulala bago nagdesisyong kawayan ako at isinuot sa leeg ko ang medalyang parang kailan lang ay pinapangarap pa naming dalawa ni Mama. Nang sandaling tumuntong na ako sa gitna kung nasaan ang kahoy na  dibisyon kung nasaan ang mikropono, ramdam ko na ang tinginan ng mga estudyanteng tila ba naaawa sa'kin. Sandali lang, para saan ang awa? Kailangan nga ba talaga akong kaawaan dahil walang magulang na tumuntong at sumama sa'king abutin ang medalyang iyon? Sa halip na ipakitang malungkot ako at kahabag habang ang itsura ko ngayon, mabilis akong ngumiti at ipinakita sa lahat kung gaano akong katapang, kung gaano akong kalakas sa harap nila, kung gaano akong kasaya kahit na wala akong kasama. Oo, in the first place pa lang.. kaya ko na. Kahit na wala na siya, kahit na.. wala pa sila. "Marahil ay nagtataka kayo kung bakit wala akong kasama ngayon.." panimula ko dahilan upang tumigil ang bulungan at nakinig sa'kin ang halos lahat ng abala sa pagbubulungan kanina. Para bang importante ang speech ko para sa espesyal na araw na ito. Importante nga ba? Importante naman talaga ang nilalaman nito.. at para ito sa mga katulad kong walang kasamang magulang ngayon at iniwan ng maaga ng taong magmula sa umpisa ay sumasama sa laban ko, gaya ng nangyari kay Mama. Gaya ng nangyari saming dalawa ni Mama. "Sa buhay natin, hindi natin maiiwasang maiwanan sa kalagitnaan ng paghihirap natin sa laban." Paliwanag ko. Sandali kong naramdaman ang pagguhit ng sakit sa lalamunan ko at ang pagbara ng kung ano rito. "Gaya ko.. maagang nawala ang taong sumuporta sa'kin. Maaga niya akong pinabayaan at maaga niya ring pinalasap sa'kin ang tunay na pait ng buhay. Siya ang nagturo sa'king lumaban sa bawat hamon ng buhay. Siya ang nagturo sa'kin tanggapin ang lahat ng sakit. Siya ang nagturo sa'kin na lumaban ng patas. Siya rin ang taong nagturo sa'kin na magagawa ko lahat ng imposible.. kahit na wala na siya sa tabi ko." Matamis kong ngiti. "Ouch." Rinig kong usal ng isang estudyante na mapait kong ikinangiti. "Pero kahit na ganoon, hindi naging hadlang ang pagkawala niya upang unti unti kong isuko ang laban at hayaan na lang ang lahat. Dahil para sa kanya ang bagay na 'to.." pagmamalaki ko kasabay ng pag angat ng medalyang nakasabit pa magmula kanina sa leeg ko. "Mahal na mahal kita, Mama." Pahabol ko. Ramdam ko ang pagtayo ng lahat at ang pagpalakpak nila. Lihim akong natuwa sa mga reaksyong ipinakita nila sa'kin habang nananatili lamang ako sa pagkakatayo ko sa harapan nilang lahat. Habang abala ang lahat sa pagpalakpak, may isang taong natunghayan ang mga mata ko. Mag isa lang itong nakaupo at nakayuko sa kinauupuan sa harap mismo ng mga taong abala sa pag cheer sa'kin. Bakas sa mukha nito ang lungkot at halos mapasinghal ako sa sarili nang makita ko ang kapiranggot na dismaya mula sa mga mata nito. Hindi ba siya masaya sa naabot ko? At bakit ba nandito siya? Sinabi ko bang nagpunta siya rito? Una pa lang, hindi ko na siya kailangan. Umpisa pa lang, sinabi ko na sa kanilang dalawa na walang aatend para sa'kin kahit na mag boluntaryo pa si Daddy. Nung umpisa pa lang, wala na akong olanong sabihin sa kanila na ngayon ang graduation ko. At bakit ngayon, nandito siya? Para saan ang pagpapakita niya? Para ipakita sa'kin na magpasa hanggang ngayon ay willing pa tin siyang suportahan ako? No way, hindi ko siya kailangan. Nagtagal ang titig ko sa kanya hanggang sa nag angat siya ng tungin sa harap kung nasaan ako. Kita ko ang mabilis na pagngiti niya sa'kin ngunit nanatili lang ang walang buhay kong tingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD