Pakiramdam ko ay may ginawa silang labag sa loob ko at iyon ang ikinakatakot ko. Hanggang sa nakarating na nga ako sa sinasabi niya at agad na nagliwanag ang mukha ko nang makita ko na si Courtney. Lumaki siyang maganda, tila ba isang batang bersyon ng oinaghaling mukha namin ni Orlan. Bakas ang pagkatuwa sa mukha ni Orlan nang magtama ang mata naming dalawa na ikinalawak ng ngiti ko bago lumuhod sa harapan ni Courtney na ikinakunot ng noo niya. Marahil ay hindi niya ako naaalala.. Sino ba namang hindi makakaalala kung ilang taon lang siya noong huli kaming magkita, di ba? Bakas ang pangunguwestiyon sa mala anghel na mukha ng anak ko na mas lalo kong ikinangiti sa harapan niya. "Siya ang Ninang mo, Anak.." sambit ni Ate Gwy dahilan upang mapangiti ako. Tinaw

