Kung tutuusin ay wala akong karapatang manghimutok sa nangyari sa aming tatlo o sa anak ko, dahil sa totoo lang ay ako ang may kasalanan sa lahat. Kung nagpaalam lang ako ng maayos sa academy ay baka saling hindi nawala ang koneksyon ko sa kanilang tatlo. Kung hindi lang sana nawala ang koneksyon ko sa kanilang tatlo.. baka halos araw araw kong ipinaparamdam ngayon kay Courtney kung gaano ko siyang kamahal. Pero nagbago ang lagat nang dahil sa pagkakamali nilang dalawa ni Orlan at ni Gwyneth. "Hindi ko rin naman ginustong tawagin siya sa pangalan ng anak ko, Sharon. I'm sorry." Nanginginig sa takot na sambit ni Ate Gwy dahil na rin siguro sa galit ko. Hindi ko naman sinabing lumuha siya sa harapan ko nang dahil sa namumuo niyang takot sa akin, pero kasi.. Hindi lang nam

