Para bang nagdilim ang paningin ko sa sinabi niyang iyon. Gusto ko siyang sakalin. Hindi ako ang asawa ng Daddy mo? Anong lason ba ang ipinunla ni Gwyneth sa anak ko at nagagawa niyang magsalita ng ganitong klase ng bagay sa anak niya. Maaari ko ba siyang sakalin para malaman at ipamukha sa kanya na ako ang nanay niya at hindi ang babaeng naghihintay sa bahay na sinasabi niya! "I want my Mom here. Not you!" Sigaw niya sabay takbo paibis sa mga braso ni Orlan at nagtatakbo na papasok sa loob ng kotse. Dahan dahan akong tumayo at nangilid agad ang mga luha sa mata ko nang makaramdam ako ng panghihina sa salitang narinig mula sa sarili kong anak. Gusto niya si Gwyneth sa halip na sa akin. Gusto niyang makasama ang pinsan ko sa halip na akong tunay niyang ina. Nakakapa

