Pinanood ko ang lalaking lumuha sa gilid habang nakahawak ng mariin sa kamay ng walang malay na si Mapple. Ang sabi ng Doctor kanina ay naging malaki ang damage ng pagkakabagok ni Mapple sa semento na posibleng makaapekto sa pag iisip niya. Well, iyon ang bagay na lihim kong ipinagdadasal.. na sana ay walang masamang mangyari sa kanya. Wala nang mas sasakit pa kung sakaling magkaroon ng malaking epekto ang pagkaka aksidentr niya. "I-I'm sorry.. kasalanan ko lahat ng ito, Mapple." Paninisi niya sa sarili na lihim na ikinakunot ng noo ko. Paano niya nasabing siya ang may kasalanan? People nowadays, wala nang ibang binabanggit kundi sisihin ang sarili nila sa pagkakasakit ng mga mahal nila sa buhay. Gaya na lang ng narinig ko mula kay Sharon, pilit niyang isinisisi ang sarili niya sa pa

