Nawala ang atensyon ko sa maraming bagay at kabilang na doon ang pakikipag bonding kay Daddy at kay Sharon. Oo, kay Sharon. Unti unti ko na siyang natatanggap pero likas na yata sa aming dalawa ang pagiging intrimidita sa tuwing hindi nakaharap si Daddy. Minsan ay nakikita ko siyang tahimik na nagbabasa ng aklat na may kinalaman sa medisina, parati ko nga siyang nakikitang may hawak na medical certificate at kung ano ano pang may kinalaman sa reseta ng gamot. "Anong meron?" Intrimidita kong tanong dahilan upang sandali pa siyang mapabalikwas sa pagkakahiga sa sun lounge na lihim kong ikinatawa. "Nakahiligan mo na ba ang manggulat?" Reklamo niya. Hindi ko naiwasan ang pagnguso sa reklamo niya. Nakita niya ang reaksyon ko kaya naman maging siya ay namula sa kahihiyan at di kalaunan ay

