Chapter 38

1003 Words
Nangako ako sa sarili ko na magpapakatino ako sa pag aaral ko bilang pambawi man lang sa pagkukulang ko kila Daddy at kay Mama. Nangako ako na gagawin ko ang lahat upang makuha ang pinapangarap kong titulo at maisakatuparan ko ang lahat ng minimithi ko sa buhay. Eto ako eh. Nangako ako sa sarili kong gagawin ko ang lahat dahil wala naman akong ibang iniintindi kundi ang sarili ko lang, di tulad ng ibang babaeng kaedad ko lang rin ngunit nagbabanat na ng buto para may mai-pambuhay sa pamilya nila. Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko.. Ano kaya ang pakiramdam na magtatrabaho ka para sa pamilya mo? Yung halos lahat ng kinikita mo ay mapupunta sa kanila. Na masaya ka kahit na walang matira sa perang pinaghirapan mo, as long as nakikita mo silang masaya at thankful sa pag uuna mo sa kanila. Ano kayang pakiramdam na may pamilya kang inuuwian sa tuwing napapagod ka sa trabaho? Ano kayang feeling na may taong naghihintay at umaasikaso sayo sa tuwing uuwi kang pagod galing sa eskwela at sa trabaho? Oo, may mga magulang ako pero never kong naramdaman mula sa kanila ang pagmamahal ng isang magulang. Sa halip kasi na unahin nila ang anak nila, nagawa nilang unahin ang sariling kapakanan at kalimutang may inaalagaan sila. Oo, nabuhay ako sa isang mundong puno ng kasakiman at kakulangan sa pagmamahal. Hindi ko naman siguro kasalanan na maging ganito ang klase ng buhay ko di ba? Magkaiba kami ng kursong pinasok ni Harper, ganon rin naman si Mapple na accountancy yata ang kinuhang kurso. Magkaiba man kaming tatlo ng mga kursong kinuha ay hindi naman nagbago ang oras ng pagpasok namin, well, maliban kay Mapple na nauuna ng isang oras at nahuhuli sa pasok naming dalawa ni Harper. "See you when I see you, Faience!" Ngiting kaway ni Harper na nginitian ko bago ko siya pinanood na maglakad padiretsyo sa pathway. Nanatili lang ako sa pagkakatayo ko sa hallway na iyon habang pinagmamasdan ko siyang nakapamulsang naglalakad muli papalayo sa'kin. Mas masakit pala yung iwanan ka ng nagpapaalam kaysa sa lumisan ng walang paalam. Hindi ba? Kapag lumilisan ng nagpapaalam sayo ang taong importante sa buhay mo, nagagawa mong ihanda ang sarili mo sa mga trial at consequences na maari mong harapin ng wala sila sa tabi mo. Gaya na lang nung sakit na naiiwan sa puso mo sa tuwing maaalala mo ang mga bagay na pinagsamahan niyong dalawa sa iisang lugar na hindi mo maiwasang magbalik tanaw. Nakakatawa lang na mas preffered ko ang iwanan ng nagpapaalam kay sa iwanan ka ng walang paalam. Isa na rito yung nangyari saming dalawa sa nakaraan na para bang nagpaalam lang siya sa mismong araw na iiwan niya ako. At hindi siya personal na nagpaalam dahil sa pamamagitan lang naman siya ng sulat nagkaroon ng lakas ng loob na magsabi sa paglisan niya. At iyon ang pinaka nakakatakot sa lahat at ayoko na muling maranasan ang pang iiwan niyang iyon. Ramdam ko ang pagtitinginan ng grupo ng mga babaeng nag kukumpulan sa harap mismo ng klaseng papasukan ko. May iilan sa kanila ang masama at matalim kung makatitig sa'kin habang ang ilan naman ay napapangisi na lang habang pinagmamasdan ang kabuuan ko. May isang humarang sa harapan ko nang magdesisyon akong lagpasan sana sila upang makapasok na sa loob. Agad akong natigilan sa paglalakad ko lalo na nang makita kong humalukipkip ito sa harapan ko. "Bago ka?" Tanong niya na peke kong nginitian at tinanguan. "Goodluck sa pinaka una mong semester sa impyerno, kung ganon." Ngisi niya bago ako kinaltukan sa ulo na ikinaatras ko. Agad na nagsipag hagalpakan sa tawa ang mga babaeng nasa grupo niya na gaya niya ay natatabunan rin ng mga kolorete ang mukha. "May problema ka ba?" Reklamo ko dahilan upang matigil sila sa kakatawa. "Wag kang umaktong hawak mo ang lahat sa school na ito. Pareho lang tayong estudyante. Umakto kang estudyante at hindi ikaw ang reyna dito." Reklamo ko bago siya nilagpasan. "Gago ka pala eh." Rinig kong bulong niya bago ako hinila sa buhok na ikinatigil ko sa paglalakad at nagpabalik sa'kin sa kinatatayuan ko kanina. "Hindi mo alam kung sinong kinakalaban mo, babae?" "Bakit? Nagpakilala ka na ba?" Singhal ko. Ramdam ko ang pagbitaw niya sa buhok ko at tinulak ako palayo sa kanya na muntik ko pang ikauntog sa damba ng pintuan. "Hindi ito ang unang beses na makakaharap kita at ng grupo ko. Tandaan mo 'yan." Banta niya kasabay ng pagngisi at pagpapatiuna sa paglalakad. Kung susumahin ko ang naging kilos at ng porma ng halos karamihan ng babae sa grupong sinasabi niya, masasabi kong siya ang pinaka pinuno sa sorority na sinasabi nila. At gaya nga ng sinabi niya, hindi iyon ang naging unang pagkakataon na nakaharap ko siya dahil pagkatapos ng insidenteng nangyaring iyon, hindi na nila ako tinantanan sa mga sumunod na oras at araw. Madalas akong umuwi ng may pasa sa mukha at sa mga balat na visible sa uniporme ko. Sa tuwing makikita ito ni Harper ay hindi ko siya magawang pakalmahin at patigilin sa kakasinghal at pagbabanta sa'kin na sasaktan niya ang kung sino mang gumagawa sa'kin nito. "Aray! Dahan dahanin mo lang ah!" Reklamo kong singhal sa panggigigil niya sa pagtusok sa pumutok kong labi ng bimbo. "Palagi ka na lang sumusuot sa gulo, Faience." Dismayadong sambit ng kaibigan kong tatay kung umakto sa'kin. "Kailan mo ba matututunang lumaban sa kanila ha?" Malungkot akong nangiti sa salitang narinig mula sa kanya. Kapag kapakanan ko ang usapan, palagi na lang siyang nakaabang. Over protective kumbaga. "Hindi ko kailangang lumaban kung alam ko naman sa sarili kong walang patutunguhan ang pakikipaglaban." Ani ko kasabay ng malungkot na pagngiti na inismiran niya. "Masyado kang mabait, Faience. Hindi na ako magtataka kung maaga kang bawian ng buhay." Iling niya na ikinatawa ko. Is that so? Kung maaga nga akong bawian ng buhay.. baka sakaling magpasalamat pa ako. Dahil alam ng Diyos kung gaano ko nang kagustong lumisan sa impyernong mundo na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD