Chapter 37

999 Words
Habang tumatagal ang oras at araw, mas lalo ko lang napapatunayan sa sarili ko kung gaano akong nahuhulog kay Harper ngayon. I'm not sure kung may nararamdaman na ba siya mula sa mga lihim kong pagtawa at paghagikgik sa tuwing nasa tabi ko siya o sa tuwing magkasama kaming dalawa. "Matagal ka pa ba!" Sigaw ng pesteng nasa labas. Oo, tandang padamdam dahil yung taong nasa labas ay grabe kung maghintay at agresibo kung magparamdam. Halos manginig na ang kamay ko sa kakamadali sa pagsisintas sa sapatos na kanina ko pa ginagawa para lang mapabilis ang kilos ko, dahil ang taong nasa labas at naghihintay sa'kin ay mukhang walang balak na maghintay pa ng limang minuto. Hindi ko naman masisi si Harper dahil halos isang oras na rin siyang naghihintay sa labas. Hindi ko naman siya pwedeng yayaing pumasok sa loob dahil kwarto at mismong hnihigaan ko na ang bubungad sa kanya kung papapasukin ko pa siya. Nakakahiya lang dahil nagkalat pa ang kung ano ano sa sahig gaya na lang mga underwears na pagmamay ari ko. Anyways, malilinis naman ang mga underwear na 'yon at kalalaba ko lang, 'no. May iba pa nga na hindi ko pa nagagamit. Wala kasi akong time na mag ubos ng oras sa kakatupi ng damit kung hahalughugin kk rin maya maya kapag nagmamadali na ako sa pagpasok. Halos kalampagin na ni Harper ang pintuan ng kwarto ko na lihim kong ikinairap sa kawalan. "Putang ina naman! Wala akong maipambabayad kay Aling Susan kapag nasira mo 'yang hinayupak ka!" Sigaw ko pabalik habang nauurat na sa kakamadali sa pagsisintas. Pwede naman kasing magsuot ng black shoes pero mas maangas kasi akong tingnan sa pinaka paborito kong sapatos na regalo pa sa'kin nung 18th birthday ko. And guess what, hulaan niyo kung sino ang may regalo sa'kin ng sapatos na ito? Walang iba kundi si Sharon. Oo na! Kinasusuklaman ko siya sa panlalandi niya kay Daddy pero hindi ko naman maitatanggi na may taste pala siya sa pagpili ng mga gamit na pwedeng pamporma. Okay, hindi siya tulad ni Mama na medyo may pagka.. ano bang word ang dapat gamitin? Hindi siya katulad ni Mama na medyo may pagka hilig sa mga old style na gamit at medyo low quality tingnan. Hindi naman sa sinasabi kong losyang mamili ng gamit si Mama Gwy pero.. parang ganon na nga. I mean, hindi naman siya yung mga low class na tela. Hindi man high quality ng tela ang binibili niya ay masasabi ko namang nasa standard lang ang quality nito at tiyak kong hindi naman aabot sa below standard ng tela, 'no. Hindi naman ganon ka-kuripot si Mama. Get's nito pa ako? Halos napupunit na mga ngiti ang iginawad sa'kin ni Harper nang pabugnot kong binuksan ang pinto ng kwarto ko. Isang natalim na titig ang iginawad ko sa kanya na ikinatawa niya. "Umpisahan mo naman ang unang araw ng klase mo na may ngiti sa labi, Faience." Ngiti niya sabay akbay sa'kin at pilit na ini-stretch ang magkaparehong gilid ng labi ko. Wala akong nagawa kundi maglukot ng mukha sa ginagawa niya at di kalaunan ay nararamdaman ko nanaman ang pag iinit ng mukha ko sa ginagawa niya. "Tingnan mo, namumula ka nanaman." Halakhak niya pa dahilan upang ako na ang kusang umalis sa pagkaka akbay niya. "Sino ba namang hindi mamumula nang dahil sa pagmamadali mo. Alam mo bang nakakagalit ka?" Singhal ko na ikinatawa niya. Ako na ang nagpatiuna sa paglalakad na agad niya namang sinundan. Gaya ng madalas naming ginagaea ay nagkukwentuhan rin kami sa daan upang maibsan ang tahimik na sandali sa pagitan naming dalawa. Sino ba namang hindi mauubusan ng kwento kung halos sampung taon siyang nawala sa tabi ko? Naikwento niya sa'kin na simula nang umalis siya sa bahay nila, nag umpisa na rin siyang palihim na magtrabaho nang hindi nalalaman ng Lolo niya. Kahit na medyo bata pa siya that time ay pumapasok na sa isip niya na hindi siya pwedeng huminto sa pagtatrabaho. Dahil once na tumigil siya sa pagkakayod, mawawalan sila ng pagkakakitaan at kapag nawalan sila ng pagkakakitaan, ilang araw silang hindi makakakain. I mean, tama naman siya hindi ba? Hindi mo makukuha ang bunga ng sipag mo kung uupo ka na lang d'yan sa tabi. Hindi pera ang kusang lalapit sayo at mas lalong walang biyayang dadating sayo kung magpapatuloy ka lang sa pag upo at walang gagawin d'yan sa tabi. Nakakainggit lang na sa murang edad ay pinalasap na sa kanya ang hirap ng buhay kaya naman nananatili siyang matatag ngayon. Samantalang ako, ako na lumaki sa luho ngunit hindi binigyan ng pagkakataong magmahal sa mga taong nasa tabi ko. Ang unfair talaga ng buhay. "Heto na.." Natutuwa niyang sambit dahilan upang mangiti siya at magtitigan kaming dalawa. "Anong goal mo sa buhay bago pumasok at magsimula sa klase?" Ano nga ba? Marami akong gustong maabot at iyon ang gusto kong marating. "Gusto kong makipaglaban sa pwesto ng pinaka mataas." Halakhak ko na tinawanan niya. Alam kong alam ni Harper ang bawat ikot ng bituka ko. Alam ko rin na maging ang mga iniisip at lihim kong ginugusto ay alam niya. "Ikaw, anong gusto mo?" Baling ko ng nakangiti sa kanya. "Gusto kong makuha lahat ng gusto ng taong gusto ko." Ngiti niya bago nagpatiuna sa paglalakad. Ramdam ko ang pagbaba ng mga labi kong nakataas mula sa pagkakangiti kanina dahil sa sinabi ni Harper. May gusto siya sa'kin? Teka, ako nga ba talaga ang tinutukoy niya sa sinabi niya? Hindi naman kaya ay oa lang ako? Imposible kasi eh. Sa halip na gugulin ko ang sarili ko sa pag iisip tungkol sa sinabi ni Harper ay nagdesisyon na lang akong burahin sa isip ko ang bagay na iyon at nagmamadali nang sumunod sa kanya. Ipapangako ko sa oras na makatapak ako sa loob ng campus na ito, tutuparin ko ang pangarap naming dalawa ni Mama na makatuntong ako sa pinakatuktok. At iyon ang hinihiling ko na makuha magmula sa araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD