Naging maayos naman ang t***k ng puso ni Mommy nang mabilis siyang naagapan ng tulong ni Daddy. Ako ngayon ang nakatoka sa pagbabantay sa kanya habang ang mga katulong na sumama sa'kin kanina na dalhin siya sa ospital ay panandalian ko munang pinauwi sa bahay upang kumuha ng mga gamit para kay Mama. Ilang oras na ang nakakalipas pero heto siya ngayon at hindi pa nagigising. May nakakabit na oxygen mouth mask sa bibig niya upang doon siya makahinga. Alam kong nahihirapan na siya sa paghinga kaya naman mabilis siyang nakaranas ng seizure. Mainit rin ang dampi ng hangin sa balat ngayon kaya naman nasisiguro kong isa rin ito sa mga dahilan kung bakit naisugod namin dito sa ospital si Mommy. Sa loob ng ilang oras kong pagbabantay sa kanya rito sa private room na kinuha ni Daddy, hindi ko ma

