"Yey, kamukha mo si Mommy!" Paglalaro ko aa batang natatawa na ngayon sa boses ko. "Mabuti na lang at sa mukha ng nanay mo nagmana 'yang mukha mo dahil kung sa tatay-" "Tigilan mo nga ako, Sharon! Lamang lang ng dalawang paligo sa'kin 'yang boyfriend mo." "Ang kapal ng mukha mo." Asik ni Orlan na tila ba manununtok dahil sa salitang narinig mula sa kanyang boyfriend. Ang masaya at tahimik na buhay na inaasahan naming apat ay nauwi sa isang malagim na aksidente. Nagising ako sa pagkakahimbing nang tumunog ang cellphone ko sa magkakaaunod na tawag. Pabugnot ko itong sinagot at pinaringgan kung sino nga ba ang pesteng namemerwisyo ngayong malalim na ang gabi. Bawal sa aking nagising ng dis oras sa gabi dahil ang sabi ng Doktor ko ay posibleng lumaking sakitin ang batang pi

