Paano aila naging magkaibigan nang hindi ko nalalaman? Lihim akong nasasaktan sa tuwing makikita ko silang magkasama, nagseselos ako! "Ate Gwy. I really admire him a lot." Paulit ulit kong pagdadabog sa sementadong sahig ng bahay nila. Nang dahil sa kilos kong pang desperada, nagawa kong sumugod sa bahay nila Ate Gwy na katabi lang ng bahay namin at hindi na nag atubiling bumati kila Tito na nasa sala. Kilala naman na nilang dalawa ang ugali ko kaya naman kahit na hindi na ako nagpaalam, basta't ako ang dumating.. magagawa nila akong pagbigyan. Ako ang ingliterang baby ng pamilya namin. Kaya naman kahit na sino pa man ang humarang sa dadaanan ko, magagawa kong mahawakan sa leeg. Anyways, hindi naman ganon kasama ang ugali ko kaya naman minsan ay hindi ko na ginagamit an

