I leaned on the door frame and squared my arms as soon as I opened it. Donovan was standing from a distance, body drenched in water. Umuulan kasi at hindi siya lumapit sa bahay para sumilong o kaya'y pumasok pabalik sa sasakyan. Wala rin siyang dalang payong. Kahit ako naman ay hindi ko inaasahang uulan sa ganitong mga oras. Ganoon pa man, nanatili lang siya sa kaniyang puwesto. Hinintay niya talaga akong lumabas. Kanina pa siya nakatayo roon dahil ilang minuto muna ang lumipas bago ako lumabas. Ano bang pumasok sa utak ng lalaking ito? Is this some sort of his drama? Ramdam ko ang lamig sa labas dahil naka-night gown ako at anong oras na rin. Mag-a-alas diyes na 'ata. Hindi ko talaga inaasahang pupunta siya rito sa bahay ng ganitong oras. “Will you now let me?” tanong nito sa akin, pas

