New Home - Ysabella's POV
Malayo at ibang-iba sa kinalakihan ko ang bahay na sa harapan ko ngayon. Gawa ito sa semento, ngunit wala man lang pintura. Ang tanging magandang bagay lamang na makikita rito mula sa labas ay pintuan nitong tila gawa sa matibay na puno at pinakintab ng varnish. Sa magkabilaan gilid naman nito ay ang dalawang tinted sliding windows.
Napasinghal na lang ako at napapikit bago pumasok. Ang bahay na ito ang magsisilbing tahanan ko bilang parte ng plano namin ni dad na pabagsakin ang mga Magnante. I am not used to this kind of living, but I am willing to go this far just to see their family crashing into dust. From being a sophisticated and untouchable heiress to being a simple girl trying to make a living to help her family.
Napatingin ako sa parehabang sofa na nasa kanang gawi ko lamang. Kulay maroon ito ngunit may ilang bahagi nito ang tila mapusyaw na ang kulay. Halatang second hand lamang. Sa tapat naman ng sofa ay ang isang maliit na mesa kung saan nakapatong ang isang vase na may lamang tatlong pekeng tulips. Pakiramdam ko ay tinatawag ako ng sofa para maupo roon, ngunit bago pa ko tuluyang maakit nito, minabuti kong puntahan muna ang magiging kuwarto ko.
Pagkapasok ko sa kuwarto ay una kong nilapitan ang malaking salamin. I saw my own reflection. Nakalugay lang ang aking buhok, samantalang walang make up o pampaganda sa aking mukha. Napahawak ako sa suot kong dress—daster kung tawagin saka napangiti. Bagay lang pala sa akin ang ganitong postura. Kukunin ko na sana ang suklay na nakapatong sa isang maliit na mesa na katabi lamang ng salamin nang biglang bumukas ang pinto ng aking kuwarto.
“Ma'am Ysabella!”
Kaagad akong napalingon sa aking likuran at nakita si Manong June, nakangiti at may kaunting pawis sa kaniyang noo. Nakasuot siya ng isang kulay puting collared shirt na pinaresan niya ng denim pants. Nakasapatos din ito at may dala pang supot sa kaniyang kanang kamay.
Si Manong June ang pinakamatandang private driver ko magmula pa noong bata pa ako. He's like a second father to me, especially when I had to live in a mansion where my daddy's shadow should not be seen. People only know that my daddy has a daughter, but they don't really know who his daughter is. Alam lang nila ang mukha ko noong bata pa ako, pero noong nagdadalaga ako tapos ngayon, hindi. They might even think that I live in States and already have a family of my own. Pero hindi. Pagkatapos ng trahedyang nangyari sa pamilya namin, itinago at pinalaki akong malayo sa mata ng publiko. Isang marangyang pamumuhay kasama ang mga taong hindi ko kaano-ano pero tinuturing akong pamilya.
“Ysa,” pagtatama ko sa kaniya saka lumapit. Kinuha ko ang supot na hawak niya at nakaramdam ako ng gutom nang malanghap ang amoy ng lechon mana. “Pero mas maganda kung masasanay kang tawagin akong anak.”
Mang June knows our plan and has an important role to play. Siya ang magpapanggap na biological father ko. Everything is set. My fake personal background is well polished and ready to deceive anyone. We prepared for this for a very long time and I will not make any of it to go into waste.
Napakamot siya sa kaniyang ulo.
“Hayaan mo na muna. Kapag masanay na ako, anak na ang itatawag ko sa 'yo,” wika niya saka inakbayan ako at inalog-alog ang aking balikat. “Tara na sa kusina dahil nagluto na ako ng kanin kanina pang umaga.”
Walang pagdadalawang isip akong sumama kay Mang June at sabay kaming nagtungo sa kusina. Hindi ito kalakihan at wala masiyadong gamit.
“Maupo ka,” saad ni Mang June sabay hila sa upuan at kinuha ang supot sa aking kamay. Kaagad naman akong umupo at ipinatong ang dalawang kamay sa mesang gawa sa kahoy. Mukhang may pagkakapareho ito sa disenyo ng pinto ng bahay.
Kumuha si Mang June ng mga plato, kutsara't tinidor, at baso. Sinubukan kong mag-alok ng tulong pero pinagsabihan lang ako na mas makabubuti kung mauupo lang ako.
Nang maihanda na ni Mang June ang kakainin namin, sa tapat ko siya umupo.
“O-okay lang ba sa iyo ang ganitong setup?” tanong niya saka paikot na itinuro ang loob ng bahay. “Sobrang layo nito sa nakasanayan mo. Kung hindi mo matiis ang ganitong pamumuhay, pagsabihan mo lang ako, ha? Ako na kakausap sa daddy mo.”
Napangiti na lang ako. Pakiramdam ko ay nabusog na ako sa sinabi ni Mang June. “Pipilitin kong sanayin ang sarili ko para hindi mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan natin,” saad ko at napahawak sa kaniyang kamay.
Nagsimula na kaming kumain at para akong gutom na gutom nang matikman ang litsong manok na binili ni Mang June. It brings back some of my memories when I was still a kid. Matagal ko na talagang gustong kumain ng litson manok lalo na kung nakikita ko ang mga katulong namin na kumakain, ngunit pinagbabawalan ako ni daddy. Marumi raw ang pagkakaluto at baka magkasakit lang ako dahil hindi sanay ganoong pagkain ang katawan ko. I asked Mang June to sneak the leg part into my room, so he did. That's my first time eating litson manok, and the first time that almost got Mang June fired. I took the responsibility and held myself accountable to save Mang June. When the time comes and I had to live with Mang June, kumakain kami ng litson manok at least once a month.
“Nga pala, bakit parang napaaga ang pagdating mo rito?” tanong niya saka tumayo para kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator.
Nakatalikod siya sa akin pero napalingon din sa aking gawi nang magsalita ako. “Interview ko na this week. Mabuti na lang din talaga at nauna ko nang ipadala mga gamit ko rito.”
Kinuha niya ang pitsel saka nilagyan ng tubig ang baso ko. “Paano ka nakarating dito? Nagpahatid ka ba kay Connie?”
Napahawak ako sa baso. “Nagpahatid lang ako kay Mang Connie sa sakayan. Doon na rin ako nagpalit ng suot kong ito. Pagkatapos, sumakay ako ng jeep at pedicab papunta rito.”
Napatango na lang si Mang June habang napapangiti. Hindi puwedeng mahalata na galing ako sa mayamang pamilya kung kaya'y pati ang araw-araw na na hinaharap ng simpleng mamamayan ay pinag-aralan ko. Kabisado ko rin ang lugar na ito—ang pasikot-sikot, mga bilihan, landmarks, at kung magkano pamasahe bawat lugar.
“Handang-handa ka na talaga,” wika nito at muling napaupo. “Pati sa pagsasalita mo, hindi ka pagdududahang anak ni Don Luis.”
Natawa ako. Kahit laki sa yaman, natuto at nahasa ang pagsasalita ko ng Filipino dahil sa mga kasama ko sa mansion.
“Ay, may isa pala tayong problema,” biglang sambit nito kaya napakunot ako ng aking noo habang nakatingin sa kaniya. I was thinking with what he meant. “'Yang kaputian mo!”
Malakas siyang napatawa, 'di ko na halos makita ang mga mata niya dahil bahagya siyang napapapikit kung tumatawa.
******
Gabi na at kasalukuyan akong nakahiga sa aking malambot na kama. Gustuhin ko mang matulog, hindi ko magawa. Hindi ako pinapatulog ng init. Nakatapat na sa akin ang electric fan ngunit pakiramdam ko ay nakabilad ako sa init ng araw.
Mayamaya pa'y biglang akong nakarinig ng notification sound sa cellphone ko. Kaagad ko iyong kinuha para basahin kung sino ang nag-text. Number lang iyon pero alam ko kung kanino iyon galing.
“Use your other phone. I'm going to call.”
Naglakad ako papunta sa may mesa na malapit sa salamin. Dumapa ako at kinapa ang isang square tile. Pagkatapos no'n ay kinuha ko ang isang box kung saan nakatago ang isa kong cellphone. My real and personal cellphone. Hindi puwedeng ito gamitin ko dahil mamahalin ito. Sa estado ng buhay na gusto kong ipakilala, hindi ko kayang bumili ng mamahaling cellphone.
Ilang minuto lang lumipas at may tumawag na.
“Dad,” saad ko saka muling napahiga. Kitang-kita ko nang maaliwalas ang kaniyang mukha. His face doesn't fit with his age. Ang bata niya pa rin tingnan.
My father has the kind of face that turns heads—not because it's friendly, but because it holds power. There’s a certain elegance to him, the kind that comes from being in control for as long as I can remember. His skin has that warm mestizo glow, smooth and polished. His eyebrows are thick and perfectly shaped, sitting over eyes that are deep and dark, always watching, always calculating. His nose is straight, his cheekbones sharp—like his words when he’s angry. His lips are full, but most of the time they’re pressed tight, like he's holding back everything he doesn’t need to say. And his hair—mostly silver now with traces of black—he keeps it slicked back, neat, precise, just like him.
“How's your new home, hija?” I felt his care for me. Kahit noong mga panahon na hindi na kami magkasama sa iisang bahay, ginagawa niya pa rin ang lahat para iparamdam sa akin na mahal niya ako.
Ngumiti muna ako bago ako sumagot. “Completely different, dad. But I know I'll get used to this.” Wala naman akong pagpipilian. At isa pa, ginusto ko rin ito.
Huminga siya nang malalim saka inayos ang pagkakahiga niya. Mukhang patulog na rin siya dapat.
“Don't you want an air conditioner in your room? Baka mahirapan ka niyang huminga.”
“Dad, I'll be fine. Mas mahihirapan akong huminga kung patuloy kong makikita ang paglago ng Magnante Tech.” Napatiim-bagang ako saka naalala ang mukha ng bagong CEO ng Magnante Tech.
“I know how prepared you are, hija. But are there any changes with your plan,” tanong nito saka tumagilid.
“None, Dad. We will stick to the plan.”
Alam ko na kung paano pababagsakin ang Magnante Tech. Kilala ko na ang mga tao sa loob ng kompanya at napaghandaan ko na kung paano ko sila hihilain pababa sa hukay na inihanda ko para sa kanila.
Napangiti si dad. It was a smile full of hope that finally, the justice we deserve is so close to our hand.
“This is just the beginning,” wika ni dad at biglang sumeryoso ang mukha. “They underestimated us for how many years. Now, the biggest threat is coming to their company.”
“I am not just a threat, Dad. I am a destroyer—born to avenge our family and make the Magnante family suffer in hell,” I firmly said and balled my hand into fist.