“I swear on everything they took from us—I will make them pay for every ounce of pain, every sleepless night, and every tear we’ve shed. They will regret ever crossing our family.” Iyon ang mga eksaktong salita na sinabi ko sa puntod ni mommy nang makauwi ako pagkatapos ng graduation ko sa New York.
Pinigilan ko ang sarili kong mapaluha nang muli kong maalala ang mga katagang iyon. Napasulyap ako sa labas at kahit na malayo pa, kitang-kita ko mula sa passenger seat ng taxi na sinasakyan ko ang matayog na building ng Magnante Tech. Ang kulay itim nitong building ay punong-puno ng salamin ay may limampu't walong palapag. Para itong higanteng microchip lalo na kung gabi dahil dahil sa bughaw at puting ilaw na nagbibigay liwanag sa building. Sa halip na humanga, ang nararamdaman ko ngayon ay ang init na nanggagaling sa aking kaibuturan. Ito ang unang araw ng paghihiganti ko at ito ang unang beses na magtatagpo ang landas namin ng kaaway ko.
Napatingin ako ng oras sa aking cellphone at napabuntong-hininga dahil mukhang napaaga ang dating ko. Alas otso pa lang ng umaga at alas nueve pa ang aking interview.
“Salamat po,” wika ko saka bumaba sa sasakayan. Bitbit ang isang brown folder na naglalaman ng mga dokumento tungkol sa aking pekeng pagkatao, napatingin ako sa entrance saka muling napaangat ng tingin sa buong katayugan ng building. May malaking letrang M na nakapaloob sa isang circle ang makikita sa ibabaw ng entrance. Samantala, may dalawang guard naman sa magkabilang dulo ng entrance na bantay sarado sa mga papasok at lalabas.
Pinagpagan ko ang kulay itim kong pencil skirt at saka tinanggal mula sa pagkakabutones ang upper part ng aking rolled up brown polo. Nakaramdam ako nang ginhawa. Medyo may kalakihan din itong hinaharap ko. Though it's a struggle to have two big bossoms, I can use them in luring my enemy. Aside from the beauty that I got from my mom, this is a big head-turner factor of mine.
Excitement took over my system as I started walking toward the entrance. I was so close to entering the building when the guard stopped me.
“Miss, bago ka rito? Bakit wala kang suot na ID?” tanong nito, mata'y nanlilisik sa akin. Wala pa akong ginagawa ngunit pakiramdam ko ay huhulihin at babarilin na ako ng guard na ito.
Lumapit ako sa guard, nakangiti at nakipagtitigan. Marahang dinampian ng aking kamay ang kaniyang braso hanggang sa pinadulas ko ito pababa sa kaniyang kamay. “Hindi pa po,” malambing kong sambit. “Pero may scheduled interview po ako ngayon.”
Napansin kong parang naestatuwa nang ilang segundo ang guard sa aking ginawa. Kaagad ko namang ibinigay sa kaniya ang aking folder at hinayaan itong tingnan ang nasa loob nito.
Napangiti siya at napakamot. “Pasensiya ka na, Ma'am. Pasok na lang po kayo,” itinuro niya ang entrance, “tapos kaliwa po. Magtanong na lang po kayo sa receptionist kung anong floor ang sa HR.”
I don't have to ask. Alam ko kung saang floor iyon makikita. May nag-leak sa amin ng blueprint ng building na ito at alam ko na ang bawat sulok dito.
Tumango na lang ako at muling binigyan ng matamis na ngiti ang guard bago pumasok. I smirked as I stepped my foot on their marbled floor. I felt the cold air seeping through my clothes. Hell, I miss the feeling of being in an air-conditioned room. I took a minute to take a glance at the lobby—the ceiling is too high and has geometric lighting. Their furnitures have black, silver, and white aesthetic. But those design weren't a big deal. Ang mas nakaagaw ng pansin dito ay ang fourty-foot tall LED wall na may holographic display ng history ng kompanya. Pati ang mga naging at CEO ng kompanya ay makikita sa LED wall. Their smiling faces fit well on the suits that they wore. I can't wait to do the same—smile with pride and victory in elegant and sparkling dress, the moment this company becomes a part of history as the company being exposed and ruined by the victims of its injustices.
Maglalakad na sana ako papunta sa elevator nang makita ang mukha ng target ko sa LED Wall. Kumpara sa mga naunang mukha, siya lang ang hindi nakangiti. Nakasuot siya ng kulay itim na coat na pinailaliman niya ng puting long sleeves. Para siyang nagpakuha ng formal picture para ID niya.
Anyway, I shouldn't care. Kahit ano pa ang itsura niya, wala dapat akong pakialam.
“Seduce that son of a b*tch and ruin their company!” paalala ko sa aking sarili bago ako naglakad palayo sa LED wall.
Nakita ko na ang elevator. Muli akong napasulyap sa aking paligid bago kunin ang aking cellphone para i-check ulit ang oras. Alas otso kinse na pala. Nagpatuloy ako sa aking paglalakad palapit sa elevator ngunit di ako pumasok. Dahil walang puwedeng maupuan doon, nanatili akong nakatayo sa gilid nito at nagpanggap na nagsi-cellphone. Sa limang minuto kong pagtayo doon, may iilang napadaan na nakatingin sa akin. But I kept my eyes on my phone, even if I am just doom scrolling.
I have to stay from where I am right now. Kahit pakiramdam ko paubos na ang pasensiya ko, kailangan kong magtiis. I have to make sure that my first interaction with him would be memorable—something that will linger on him forever. Our source from this company told us that the CEO usually arrive between eight thirty in the morning to nine. Alas otso y media na at kung kailangan kong tumayo rito ng tatlumpong minuto pa, gagawin ko.
Pero pakiramdam ko ay pabor sa akin ang tandhana. After a few minutes, a maddening, infuriating scent—rich, smoky, and sinfully addictive—wrapped around me like invisible fingers tugging at my breath. I smelled him before I see him. Parang bumagal ang takbo ng oras lalo na noong maipako ko ang aking mga mata sa kaniya. Despite being far from where I was, it hit me, his scent filled the air. It was deep, masculine oud, kissed with black pepper and leather, the kind of scent that lingers. It's him.
Donovan Magnante.
The man I swore I’d ruin.
He's wearing a white polo shirt with sleeves rolled up to his elbows and paired it with black tie that's slightly loosened. Thoughts on how I will destroy him blur just a little at the edges as I glance at him. Hindi ko man gustong pansinin kung ano ang itsura niya, parang hindi ko kayang palagpasin ang mga napansin kong katangian. Ganito siguro dahil ngayon ko lang siya nakita nang personal.
Or maybe this is how he is. He always leaves an impression.
Kahit laki sa yaman at halos 'di na maarawan, pinoy na pinoy pa rin ang kulay ng balat nito—smooth-deep moreno complexion. Matangkad siya at kahit may suot siyang pang-itaas, I can tell that he has broad shoulders and sculpted arms. Nang titigan ko ang kaniyang mukha, una kong napansin ang kaniyang buhok. It was jet-black, like the color of their building, and perfectly slicked back; perfect for his defined jawline with light specks of stubble. Bagamat hindi siya nakatingin sa akin dahil tila walang pakialam sa mga taong nasa kaniyang paligid, noong sobrang lapit na niya sa akin, I noticed a small scar on his right brow that fits on his almond-shaped eyes in a rich brown shade. His nose was straight and pointed, a perfect match to his naturally pink lips.
He smelled and looked like danger and desire, like boardrooms and bedroom sin. In short, my enemy is handsome. Wait, did I just admit that he's handsome?
Okay, he got the looks, I'd give that to him. But now it excites me to think how his look would change when something unimaginable happens to his life.
Nang maglaho na siya sa aking paningin at mapagtantong pumasok na ito sa elevator, dali-dali rin akong pumasok at baka maudlot ang plano kong magsabay kami sa elevator. Hindi ko na napansin kung ano ang ginagawa niya dahil pagkapasok ko, sinadya kong matumba sa kaniya.
I planned this, but not to the extent that my head would hurt because I hit his hard-chest. As soon as he caught me, I dropped my folder—documents flying its way down to the floor.
Napahawak ako sa kaniyang dibdib habang tinutulungan niya akong makatayo ng maayos. He smelled even better up close.
Hindi ko tiningnan ang kaniyang mukha. “Pasensiya na po,” saad ko at sabay kaming napaupo para pulutin ang mga nagkalat na papel.
That was when our eyes locked together. Our faces were so close that I could smell his mint-scent breath. Everything is falling into places—well, as planned.
Siya ang unang kumawala mula sa pagtititigan namin. Nang mapansin kong dadamputin na niya ang folder, dali-dali ko iyong inabot para mahawakan ko ang kaniyang kamay. Muli na naman siyang napatingin sa akin.
Napakagat ako sa aking labi at parang naluluhang napatingin sa kaniya. “Pasensiya na po talaga,” muli kong saad kahit na ang totoo ay sobrang saya ko. I'm making impressions, I know. At itong unang beses naming pagkikita ay tiyak na hindi niya makakalimutan.
“Here,” saad niya nang pareho kaming mapatayo at saka abot sa akin ng ilang papel na nakuha niya.
Tinanggap ko naman iyon at ipinasok sa folder. Inayos ko ang aking skirt saka sinuklay ang aking buhok gamit ang aking kamay.
“Sir, pasensiya na po talaga. Hindi ko po talaga sinasadya,” muli kong paghingi ng tawad sa kaniya.
Hindi ko mabasa ang itsura ng kaniyang mukha. Parang seryoso lamang siya. “It's fine. Just be careful next time.”
Parang hindi ko ramdam 'yong pag-aalala sa boses niya. His sonorous voice was so cold. Mas malamig pa sa building na ito.
Napatingin ako sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang neck tie. “ Ah,” saad ko, kunwari nag-aalinlangan, “ayusin ko na lang po ito.”
Bago pa siya makapalag, kaagad kong hinawakan ang necktie niya mas lumapit ako sa kaniya. Para siyang nanigas lalo na no'ng sinadya kong idikit ang aking dibdib sa kaniyang katawan. Diniinan ko iyon habang inaayos ang kaniyang necktie.
Umatras ako at pagkatapos ay dumistansiya sa kaniya. He pressed his necktie and cleared his throat. Hindi man lang siya nagpasalamat sa akin.
“Where are you heading to?” bigla nitong pagbasag sa katahimikan. Napalingon ako sa kaniya, pero siya, nanatiling nakapako ang tingin sa nakasarang elevator. “Sa HR?” tanong nito ulit.
“Paano niyo po nalaman?” tanong ko naman kahit alam kong nalaman niya dahil sa mga dokumentong nalaglag.
“It's on the fifteenth floor,” saad nito. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.
Tumango na lang ako at saka kaagad na pumindot ng para sa fifteenth floor. Nasa thirteenth floor na kasi kami. Pagkatapos noon, katahimikan ulit.
Walang kibuan. Kahit ang sulyapan ako ay hindi niya ginawa. I think I'm wrong. Hindi niya ako napansin. This beast is so hard to please.
Tumunog ang elevator, senyales na nasa fifteenth floor na kami. Bago pa man bumukas ang elevator door, nagsalita siyang muli.
“If you want to get hired, button your shirt properly.”
Hindi ko na siya nilingon at lumabas na lang ako—nakangiti na para bang nanalo sa lotto. Hindi ako nagkamali. He noticed me.
The next thing to do? Make him want me.