Nandito ako ngayon sa office ni Donovan at magkatabi kaming nakaupo habang nakatingin sa laptop niya. Naghahanda kami para sa meeting mamaya with Governor Singson. I will also be presenting and help him convince the Governor for an agreement. Parang wala lang nangyari noong nakaraang araw. Umakto lang akong hindi naiilang sa kaniya. Ganoon din naman siya pero dahil sa nangyari, alam kong sa kaloob-looban niya ay gusto niyang matikman ang aking laman.
Kung lupa itong si Donovan, malamang ay tigang na ito. Balita ko ay matagal na raw itong walang kinikitang babae. Mukhang taon na. Posibleng wala na rin itong nakakasama sa kama.
“Ready?” tanong nito sa akin nang mag-flash ang last slide ng presentation.
“Sir, what if I messed up?” tanong ko sa kaniya habang nakatitig sa kaniyang mukha.
He tilted his face. His eyes that were locked into my eyes wandered to my nose, down to my lips, and back to my eyes.
“Then I'll punish you.”
Napangiti ako sabay kagat ng aking labi. “I'll take whatever punishment it is,” sagot ko naman gamit ang aking malanding boses.
So, this is Donovan Magnante. The CEO with a serious face and cold voice. Alam kong gusto niyang makipaglaro sa akin. Ang hindi niya alam, matagal nang nangsimula ang laro at sisiguraduhin kong ako ang mananalo.
Tumayo siya at napasinghal dahilan para mapangiti ako. Keep resisting my charm, Donovan. Eventually, kakagat ka rin.
“Get ready. We will be traveling to Samar in an hour.”
Pagkalipas ng halos dalawang oras, nakarating na kami sa Samar ngunit hindi kami didiretso sa mansion ni Governor Singson. May sasakyan na roon na naghihintay. Dahil ilang minuto na lang din at alas onse na, naisipan muna naming kumain ng lunch.
Wala masiyadong tao kung kaya'y na-serve din kaagad ang order namin. Maganda ang restaurant na napuntahan namin. Hindi ito kalakihan pero halatang tanging mayayaman lang ang may kakayahang kumain dito.
“While on our way to the governor's place, make sure that you'll look presentable,” saad nito saka kinuha ang champagne glass na may lamang malamig na tubig.
Bakit? Mukha bang hindi presentable ang suot ko? I'm wearing a green shirt, two upper buttons are unbuttoned—as always, and I paired it with my classic black pencil skirt. Napalunok naman muna ako bago sumagot.
“May mali po ba sa suot ko?” tanong ko naman. Mabuti nang ngayon pa lang alam ko na. Nakakainis lang kasi 'di niya naman ako sinabihan kung ano ba dapat ang suotin.
Napailing siya. “There's nothing wrong with what you wear.”
Nakahinga ako nang maluwag. For goodness sake, wala akong dalang damit dahil hindi namam daw kami mag-o-overnight dito.
“It's just that, you have to button your shirt properly.”
Ayan na naman 'yang butones na 'yan. Siya nga hindi rin makapag-butones nang maayos sa damit niya. Why does he care?
“The governor is a bit touchy. Manyak at bastos. Baka ma-trip-an ka niya.”
Nag-aalala ba siya sa akin? At kahit magustuhan ako ng governor, 'di ako papayag na maging babae no'n. For all I know, malamang matanda na iyon.
“If in exchange for the deal, why not? Wala namang problema sa akin,” pagbibiro ko pa. Kaagad nagtama ang kaniyang kilay at nanlisik ang mata sa akin. “I was just joking.”
Nagtiim-bagang siya at saka napatingin sa malayo.
*****
Matatagpuan sa tuktok ng burol na tanaw ang baybayin ng Samar ang mansyon ng governor. Its wide capiz-shell windows shimmer in the sun, while the sprawling white façade—with hints of old Spanish architecture—stands proudly. Napapalibutan ito ng kalachuchi, bougainvillea, at matataas na puno ng niyog. Ang daanan ay may lumang batong harang at malalapad na hagdang kahoy na patungo sa pintuang gawa sa narra.
May dalawang bantay sa labas ng pintuan. Nang makilala ng dalawa si Donovan, kaagad kaming pinagbuksan. Kaagad na tumambad ang kagandahan ng mansyon. Its high ceilings are supported by exposed wooden beams, and the floor is a glossy mosaic of local tiles that echo every step. Nakasabit sa mga dingding ang mga sining na gawa sa banig at mga larawan ng sa tingin ko ay pamilya ng governor. Amoy na amoy ko rin ang halimuyak ng ylang-ylang at bagong pinturang kahoy.
May malaking chandelier sa gitna at sa magkabilang gilid nito ay ang hagdanan.
“Donovan,” tawag ng governor dahilan para mag-angat kami ng tingin sa kanang hagdanan. Pababa kasi ito. Matangkad si Governor Singson, makisig ang katawan at masasabi kong may itsura kahit na puti na ang lahat ng buhok nito. Makapal ang kilay, bilog ang mga mata, matangos ang ilong at manipis na labi. Nakangiti itong napababa. “Oh, you brought a gift.”
Napatitig ito sa akin, lalo na sa shirt kong halos pumutok na ang butones dahil sa kasikipan. Mas lalo itong ikingangiti ng governor. Batid niyang may malaking nagtatago sa likod ng shirt ko. Kinuha nito ang aking kamay saka hinalikan.
Napasulyap ako kay Donovan. Nag-iinit ang kaniyang mata na para bang gusto niyang tupukin ang governor.
“She's not a gift. She's my assistant,” saad nito. Napangiti ang governor, isang nakatutuksong ngiti.
“May pagkaseloso ka pala,” pagbibiro ng governor. “Anyway, let's go upstairs and so we could start your pitching.”
Wala naman kaming sinayang na oras at kaagad na nagtungo roon. Nasa showroom niya kami. Sa tapat ng kwartong ito ay ang veranda kung saan makikita mo ang magandang karagatan.
Ipinaliwanag ni Donovan ang tungkol sa Biocentrix. All of the technical aspects were up on his sleeves. Samantalang ang marketing and the socio-economic impact was assigned to me.
Napatayo ako sa tabi ng napakalaking screen. Both of their eyes are on me, so I started explaining.
“Ito ang Samar,” saad ko sabay turo sa mapa. “It is a place with rich land and resilient people. Ngayon, we’re offering you a future where nature and innovation work together.
Napapatango lang so Donovan habang seryosong nakikinig. Ang governor naman ay nakangiti at mukhang ibang mapa ang tinitingnan niya—ang aking shirt.
“Biocentrix is not just an AI. It’s a guardian system — imo-monitor nito ang inyong dagat, kakahuyan, hangin, at ang komunidad in real time,” pagpapatuloy ko. “With Biocentrix, you will receive automatic alerts when water levels rise abnormally, when toxic leaks are detected, or when the land shows signs of erosion — before disaster strikes. That’s prevention.”
Hindi ko alam kung na-a-absorb ba ni Governor ang mga sinasabi ko. I hope he does kasi nakakapagod din magsalita.
Nagpatuloy lang ako sa pagpapaliwanag hanggang sa makaabot ako sa aking final lines. “We don’t just want approval. We want partnership. Bigyan niyo kami ng sixty days. Let us pilot Biocentrix in one city. We’ll handle the tech. You’ll handle the spotlight.”
Ngumiti ako at dahan-dahang lumapit sa governor. Hinawakan ko ang kaniyang balikat dahilan para mag-angat siya ng tingin sa akin. “Let’s make this province the blueprint of a smarter, greener nation. And let’s start today.”
Kinuha ni Governor Singson ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang balikat saka hinalikan iyon. Napasulyap ako kay Donovan. He's not smiling. His jawline became more prominent. Ano ba ang ikinagagalit niya?
“I would love to accept that if,” nagtitigan kami ni Donovan at nakita ko ang kaba sa kaniyang mukha, “if you two will spend the night here. May mga ka-sosyo kasi akong bibisita mamayang gabi and there will be a party.”
Nag-usap muna kami ni Donovan. Hindi sana siya papayag dahil wala sa plano namin ang mag-overnight. Isa pa, wala kaming dalang damit. Ngunit dahil iyon ang kondisyon ni Governor Singson, pumayag kami.
*****
Gabi na ngunit iba't ibang liwanag ang ang bumubuhay sa malawak na veranda. Ang sarap din sa pakiramdam lalo na kung humahangin. Hindi ko inaasahang marami-raming tao ang darating. Wala akong kilala ni isa pero ang mga mata nila'y kanina pa sulyap nang sulyap sa akin.
Hindi ko rin sila masisisi dahil nakasuot ako ng isang red satin dress at malaya nilang nakikita ang nakadungaw kong hinaharap. Ipinahiram lang sa akin ng gobernador. Sa anak niya siguro ito o baka sa babae niya.
Pinalitan naman ni Donovan ang suot niyang puting long sleeve na polo ng isang short sleeve black polo. Katulad ng dress ko, pinahiram lang din iyon sa kaniya. And speaking of Donovan, nasaan na kaya ang letseng lalaking iyon?
“Glowing and looking perfect in red,” saad ni Governor Singson sabay abot sa akin ng inumin. Kanina pa ako inom nang inom at aaminin kong medyo may tama na ako.
“Thank you,” iyon lang ang sagot ko sabay kuha sa baso. Nang mapalingon ako sa likuran ni Governor Singson, sa may pinto ng showroom, nakita ko roon si Donovan. Nakatayo siya, may hawak na champagne glass at nakatingin sa amin ng gobernador.
Ininom ko ang ibinigay sa akin ng gobernador at sabay kaming napasayaw nito. Magkaharap kami ngayon ng governor at ipinatong ko ang isang kamay ko sa balikat niya. Iginalaw ko ang aking katawan, nakakagat labi habang ang mata ay salitang ang titig—sa governor at kay Donovan na ngayon ay parang makakapatay na ang mga tingin. Naglakbay pababa ang aking kamay habang dahan-dahan na gumigiling pababa ang aking katawan. Napapatingin naman sa itaas ang governor at ang dalawang kamay nito ay naka-sideward na para bang may sinasamba sa isang simbahan.
Kung puwede ko lang suntukin ang pagmumukha ng lalaking ito, kanina ko pa ginawa. Ngunit para sa deal, kailangan kong magpigil. Nang mapatayo ako nang maayos at napasulyap sa kinaroroonan ni Donovan kanina, wala na ito roon. Ang tanging nakita ko na lang ay ang nakabukas na pinto ng show room.
Peke akong napangiti at mahinang tumawa na para bang nasisiyahan. Pagkatapos noon ay mahina kong itinulak ang governor para makatakas na ako sa tabi niya.
Kaagad akong nagtungo sa showroom, dala-dala ang basong ibinigay ng gobernador. Tahimik at madilim ang silid—nakapatay ang ilaw, ngunit sapat ang liwanag na tumatagos mula sa bintana upang ilantad ang bawat perpektong kurba ng katawan ni Donovan… at ang mapanuksong guwapo niyang mukha.
Nakaupo siya sa sofa, tila isang hari sa kanyang trono. Ang kanang braso niya'y nakapatong sa likod ng upuan, habang ang isang kamay ay marahang umiikot ang baso, para bang pinaglalaruan ang sarili niyang kapangyarihan.
His eyes were on me again. That slow, deliberate kind of stare that makes a woman feel seen . . . desired . . . claimed.
Napakagat ako sa aking ibabang labi habang marahan kong isinara at ini-lock ang pinto.
Donovan Magnante . . . let the game begin.