Chapter 9
After ng conversation na yon ay tahimik na ulit kaming naglakad. Yung tahimik na kumportable at ineenjoy lang namin na kasama ang isa’t isa.
Hays namiss ko tuloy yung kama sa bahay!
“Galing na tayo dito kanina ah?” sabi ko ng makita kong same nanaman yung paintings na nadaanan namin.
Tumingin naman si Xandra sakin. “Your right. Siguro totoo nga ang kwentuhan ng seniors kanina.”
“Kwentuhan?” tanong ko pa sa kanya at sabay kaming huminto.
“They said na parang maze daw ang CBAGHS kapag gabi kaya mostly ng mga bantay ay hanggang labas lang ng buildings. Kaya daw yung ibang tumatakas ng Function Hall ay kinaumagahan na nakakabalik dahil don pa lang nila nakikita ang daan.”
“Seriously?” di makapaniwalang react ko na agad namang ikinatango ni Xandra. “Edi bukas pa tayo makakabalik nyan?” tanong ko pa sa kanya.
“Nah, kung bukas pa tayo makakabalik ay mahuhuli tayo. Kaya dapat humanap tayo ng paraan para makabalik.” Sabi pa nya. Tama! Kailangan naming makabalik agad dahil ayoko namang magkarecord si Xandra ng dahil sakin noh!
“Galing na nga tayo dyan! Nababaliw ka bang bata ka?!” napatigil kami ni Xandra sa pagliko sa hallway ng marinig namin ang isang napakapamilyar na boses.
“Bakit ba bata ka ng bata?! Grade 8 na ako! 8 means malapit na akong magdalaga! Stop calling me bata!” sigaw pa ng isang tao na kilalang kilala din namin. “Bakit di kayo namamaos?” inosenteng tanong ng isa pang bata.
The heck!?
Lumabas na kami sa pinagtataguan namin at ang unang nakakita samin ay si Stella. Nanlaki ang mga mata nya pero agad ding napakunot ang noo nya ng makita nya ang mga kamay namin ni Xandra kaya dahan dahan akong bumitaw.
Gosh! Baka makahalata si Stella!
“Tela! Ashley! Jewel!” sigaw ko na agad namang ikinalingon ng dalawang bata. “Miss Clean!” sabay nilang sigaw tapos tumakbo pa palapit samin ni Xandra.
“Hello din po Miss Xandra.” Bati nilang dalawa ng makita nila si Xandra sa tabi ko. “Clean, bakit magkasama kayo ni Miss Xandra?” tanong ni Stella na agad kong ikinalingon sa kanya.
“Nagkasalubong kasi kami kanina sa hallway eh. Kayong tatlo? Bakit magkakasama din kayo?” balik kong tanong sa kanila.
“Nagpasama po kasing umihi si Ashley, kaso nung pabalik na po kami ay naligaw naman po kami. Timing naman po na pagliko namin sa hallway ay pasalubong din po si Miss Stella kaya nagkabanggaan po sila.” Paliwanag ni Jewel tapos agad na nagsamaan ng tingin yung dalawa.
“Kung tumingin ka kasing bata ka sa daan diba.” Mataray na sabi ni Stella kay Ashley kaya agad na tumaas ang kilay nya. “Wow hiyang hiya naman po ako sayo Miss Stella, kasi – “
“Parang dito ko narinig yung nagtatalo eh.” Naputol ang sasabihin sana ni Ashley ng makarinig kami ng mga yabag at boses ng mga lalaki.
Shit!
Napatingin kami sa isa’t isa na may nanlalaking mga mata. Damn! Mga bantay!
Agad kong tinuro kay Stella yung mga halamanan sa gilid at sabay kaming nagtanguan. Ito yung halamanan na ginamit din namin noon para makatakas kay Florintina eh!
Hinatak ni Stella yung dalawang bata samantalang hinawakan ko si Xandra at inalalayan para makapasok sa halamanan.
Saktong pag dapa ko ay ang paglakas ng mga yabag at talaga namang timing na timing oh! Dito, dito pa talaga sa pwesto namin sila huminto!
“Pare, dito talaga yun eh.”
“Baka naman iba yung narinig mo pare.”
“Gago ka ba pre? Ako pa tinakot mo?!”
Base sa pagtatalo nila ay malalaman mong parehas na silang naduduwag kaya nakaisip ako ng isang napakagandang kalokohan hahaha!
Agad akong dumampot ng maliit na bato at pinakita kay Stella. Kumunot ang noo nya pero nginuso ko ang bato tapos yung direksyon ng mga bantay tapos umarte na ibabato kaya agad naman nyang nagets. Tumango din ang mga bata at sabay sabay kaming kumuha ng bato at binato sa mga bantay.
“Aray! Ikaw ba yun pare?”
“Gago hindi! Aray ko!”
“Pare – “
“Ano?!”
“Ang daming mga bato! Aray aray!”
“Totoo nga ang multo! Aaaahh! Tangina kahit wala ng sahod!” sigaw ng isa sa kanila at sunod sunod na mga yabag na papalayo ang narinig namin.
“Pffft! Hahahaha!” and I burst out laughing! Damn kalalaking mga tao eh! Humiga na ako habang tumatawa at maya maya ay tawanan na ang nangyari. “Gago ka Clean ah. Ang taba ng utak mo! Hahaha!” sabi ni Stella tapos nagthumbs up pa sakin.
Ngumiti naman yung mga bata sakin kaya ngumiti din ako sa kanila. “Oh tara na. Dapat makabalik na tayo sa function hall bago pa tayo mahuling lima.” Sabi ko pa kaya agad na naunang tumayo yung tatlo at lumabas.
Nang akmang tatayo na sana ako ay nakaramdam ako ng pisil sa butt ko at agad na napalingon sa nag-iisang taong kasama ko. “Valerie said that she touched you there but you are mine, right? Can I also touch you there?” inosenteng tanong ni Xandra kaya agad akong napanganga.
“O-oo pero.. pero hindi ngayon. Nakadrugs ka ba Xandra?” bulong ko pa sa kanya. “Yeah, drug called love and its effect is I keep on falling in love with you Cleandrea.” Sabi nya ng nakangiti tapos nauna ng lumabas sakin.
And here I am left speechless! Daaaaamn! Ayoko talagang bumabanat si Xandra! Feeling ko gusto kong sumayaw ng matindi! Arrghh! Kinikilig akooo!
///
Ngayon ay lima na kaming naglalakad sa isang madilim na hallway habang nagbabangayan pa din yung dalawa pero ngayon ay toned down na. “Guys, will you stop?” tanong ni Xandra na agad nilang ikinatigil.
“Sorry.” Sabay din nilang sabi at napahilot na lang ako sa sintido ko. “Sa wakas.” Bulong ni Jewel sa tabi ko at sabay kaming napabuntong hininga.
Napahinto ako ng may naaninag akong nakakaloka.
Huminto sila nang sabay sabay at talagang kapit kapit pa kami ah!
Mula sa dulo ng hallway ay mayroong babaeng nakaputi na naglalakad. Tinitigan lang namin sya at sabay sabay na humigpit ang mga hawak namin sa isa’t isa.
“Putangina.” Sabi ni Stella na sobrang lutong! “G-gosh? I mean, ghost?” nanginginig na sabi ni Ashley.
Napangiwi ako ng mas humigpit ang kapit ni Jewel sa braso ko. “Di pa po ba tayo aalis?” tanong pa nya tapos ako naman ay humawak sa kamay ni Xandra. “Ano na?” tanong ko pa.
Maya maya lang ay huminto sa paglalakad ang babae sa mismong gitna ng hallway, at dahil hindi nga namin sya makita masyado dahil sobrang dilim sa lugar nya plus lutang na lutang yung dress nyang mahabang puti…
Sabay sabay kaming napatalon ng bigla na lang syang lumingon sa direksyon namin!
Kapit kapit kami hanggang sa pagtalikod namin at sabay sabay pa talaga kaming tumakbo! Daaaaamn fuuuck!!
“KYAAAAAAAAAAAAAAH!!”
“MAMAAAAAAAAAA!!”
“AYOKO NA TALAGA!!”
“WALANGHIYANG NIGHT OUT TO!”
“I’m scared.”