Chapter 10

1141 Words
Alam nyo yung sa highway? Yung mayroong intersection? Yan na po dapat yung tatawirin naming hallway habang tumatakbo kami at sumisigaw. Pero dahil mas mabilis ata ang reflexes namin ni Xandra ay nakita namin na may magsasalubong sa harapan namin kaya agad kaming napahinto. Pero yung tatlo? Ta-da! Dere-deretso pa din kaya matapos mapahiga nung mga nagsalpukan ay natisod naman sila at sumubsob sa sahig. Hay nako! “Matatakutin ka pala Clean.” Napalunok naman ako dahil sa sinabi ni Xandra sabay tawa ng alanganin. “Oy hindi naman masyado. Nagsimula to dahil kay manong eh.” Paliwanag ko pa. “Ouch.” “Ang tuhod ko.” “Ang noo ko.” Sunod sunod na daing nila tapos sabay sabay pa silang nagsipag-upo. Napakunot agad ang noo ko ng marecognize ko yung mga nagsalpukan kanina. “Alice? Florintina? Valerie?” tawag ko sa kanila isa isa kaya agad silang napalingon sa pwesto namin. Napalayo ako kay Xandra ng bigla syang dambahin ni Valerie. The heck!? Ako kaya ang girlfriend! “Miss Xandra! Kanina pa kita hinahanap takot na takot – “ blah blah blah at marami pang iba kaya lumapit na lang ako sa iba pa kesa pakinggan ang napaka importanteng whim nya tsk. Napa-atras ako bigla ng duruin ako ni Stella. “Walanghiya ka Clean! Nakahinto ka na pala di mo manlang kami hinawakan!” “Luh?! Eh kayo nga tong bumitaw sakin pagliko natin sa isang hallway kanina eh!” sigaw ko pabalik sa kanya kaya agad naman syang natigilan. “Talaga?” tanong nya sa sarili nya at talagang inalala nya pa ang ganap kanina ah! “Stop! Kayo, kayo at kayo! Anong ginagawa nyo dito?! Curfew na kanina pa!” sabay sabay kaming napatawa ng alanganin ng tinignan kami isa isa ni Florintina. “Pero bakit kayo din po nandito Miss Florintina?” inosenteng tanong ni Jewel tapos nakatitig pa kay Florintina. “Pfft!” kanya kanyang pigil namin ng tawa. Damn! Bakit ganon? Mukha na nga syang inosente tapos napakainosente pa ng dating ng mga tanungan ni Jewel hahahaha! Pero may point sya don ah! “Oo nga naman Florintina. Bakit nandito pa kayo sa labas ni Alice? Kasama ba kayo sa mga bantay?” sunod sunod kong tanong pero inirapan kaming lahat ni Florintina sabay cross arms. “Ang totoo ay naliligaw kami pabalik ni Alice.” Matipid nyang sagot na ikinatango namin. “Eh bakit tumatakbo kayo habang sumisigaw?” tanong pa ni Stella na ikinakagat ko ng labi. Mapang-asar din tong si Stella talaga! Malamang duwagers din tong si Florintina! “Uhm..” hesitated na sabi ni Alice kaya agad ng tumikhim si Florintina. “Duh!? Di pa ba obvious?! Takot din kami! Ang dilim dilim kaya ng paligid! Anong gusto nyo? Mag-enjoy pa kami?” sarastic na paliwanag nya kaya agad kaming nagtawanan. Natigil kami sa tawanan ng biglang may pumeke ng ubo, of course ang girlfriend ko ayiieee! “Guys, that’s enough. This group is getting bigger. We should go back to the Function Hall before we get caught.” Ma-awtoridad na sabi ni Xandra. Shet, ang hot ni Xandra! Agad kong inilihis ang tingin ko bago pa ako maglaway. Pero, may laway ba? Pinunasan ko agad ang gilid ng labi ko para masiguro kong di ako naglaway kahit papaano. “s**t!” mahinang cuss ko ng may umihip sa tainga ko. “What were you thinking Clean?” napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Xandra sa gilid ko. “Ha?” Damn! Diba malakas kiliti ko sa tainga? Huhu! Umatras ako ng konti para matignan ko pa sya lalo. “Are you drooling over me?” “H-huh?!” “As you can see, naglalakad na sila heading north pero ikaw pinupunasan mo pa ang labi mo.” Sabi nya pa kaya agad akong napalunok ng sunod sunod. Syeet! Ganon ba ako ka-obvious?! “Anyway, save it for tomorrow. I’ll make sure to taste your lips.” Sabi nya pa tapos agad akong hinawakan sa wrist at sumunod na sa kanila. Bakit ganon? Ne-excite ako ng sobra! Anong mayroon tomorrow? Sana bilisan ni haring araw at magtomorrow na! /// Habang naglalakad ay hindi namin mapigilan na magkwentuhan kaya kahit na sobrang dilim ng paligid ay wala na kaming pakialam, dahil unang una sa lahat ay napakarami namin. “Ayoko naaa huhuhu!” Napahinto kami sabay sabay ng may nag-echo na boses sa hallway. “Ano yun?” tanong ni Florintina na halatang kinakabahan. “Miss Xandra.” Agad na humapit si Valerie kay Xandra kaya agad akong napa-ismid, sapukin kita eh. “Jewel, iuwi mo na ako kay mama.” Rinig ko pang sabi ni Ashley tapos yumakap na din sa braso ni Jewel. “Bwiset ka Clean, natatakot ang lahat pero yung mukha mo mukha pag naiinis. Trip mo?” bulong ni Stella sa gilid ko pero agad ko syang inakbayan. “Wala, ang dilim kasi ng paligid.” Napasimangot si Stella sa sagot ko kaya agad nya akong siniko ng mahina. “Baliw ka ba? Anong connect non?” Nag-compress kami sa gitna ng sunod sunod na nag-echo sa paligid ang mga paghikbi kaya kapit kapit kaming lumakad. “Unang bumitaw babatukan ng lahat ah.” Bulong ko sa kanila na agad naman nilang sinang-ayunan. “At kailangan ng ganon?” ang pangunahing taga kontra! Sino pa ba? Edi si Florintina! “Wag kang kj vice! Sali Sali din pag may time ha?” sabi pa ni Stella na agad na ikinalingon ni Florintina samin, nasa bandang unahan kasi sila ni Alice. Tinaasan nya ng kilay si Stella sabay pinasingkit nya ang mga mata nya. “At sinong kj – “ napahinto si Florintina sa pagsasalita ng may humikbi nanaman tapos parang may kumakalampag pa. The heck!? Yung totoo?! Tadtad na ng horror ah! Pwede awat awat naman?! Wala bang yung light scenes naman dyan at yung parang bonding lang?! Hindi porket naman November ngayon matatadtad na ng horror noh! I’ve had enough! Joke! Syempre push pa din alanganan namang huminto ako dito sa dilim noh?! “KYAAAAAAAAAH!” napakalakas na tili ni Florintina sabay takip ng mukha nya gamit ang dalawang kamay ng may bigla na lang nalaglag sa harapan nya. Napatalon kami sa gulat at dahil curious kami ay agad kaming lumapit at tinignan yon. “Mop?” tanong ni Valerie kaya agad naming sinamaan ng tingin si Florintina. “Sinong bumitaw?” tanong ni Stella kaya agad naming pinalibutan si Florintina. “Don’t tell me na totoo yung babatukan!?” sigaw ni Florintina at akmang tatakas pa pero.. pfft! Si Xandra mismo yung humarang sa daraanan nya. Hahaha! “Sugod!” sigaw ko at sabay sabay naming pinagbabatukan si Florintina. Hahahaha! “Hey – Ouch! – sto- I – sai- stop! – guys!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD