Chapter 39

2678 Words
Kyla’s POV Mahigpit kong hawak ang strap ng bag ko habang nakatayo ako sa pintuan ng room ko daw sabi ni pres ng Dance Club, kahit na hindi pa sya ang president ay tatawagin ko na syang president dahil sya din naman ang susunod na magiging president. Huminga ako ng malalim at hahakbang na sana kaso naalala ko nanaman yung mga nangyari kaya nagmadali akong humakbang paatras habang nakayuko sabay pihit sa kaliwa kaya.. “Aray!” sabay na sigaw namin at natumba pa kami. Ang ulo ko ang sakit! Hinimas himas ko ang ulo ko at agad na tumingin sa nakabungguan ko at tumayo ako tapos inalalayan sya. “Sorry.” Mahinang sabi ko. “Okay lang! Pero bakit ba naman kasi may pag-atras pa?” malakas na pagkakasabi nya kaya agad akong napaatras. Galit ba sya? “Ay! Natakot ba kita? Nako wag kang matakot! Ganito talaga ako magsalita hahaha!” tapos tumawa pa sya ng pagkalakas lakas kaya napakunot ang noo ko. “Ay, hindi palatawa. Anyway, ako nga pala si Janina Montefajar at ikaw ay si??” nakangiting sabi nya tapos inilahad nya pa ang kamay nya. “Kyla Javier.” Matipid na pakilala ko at inabot ang kamay nya. Ngumiti sya ng malaki at nagulat ako ng bigla nya akong akbayan ng malakas. “Nice! Bagong kaibigan! Tara na at pumasok!” malakas na pagkakasabi nya kaya kahit na gusto kong kumawala ay hindi ko magawa dahil ang bigat ng kamay nya! “Janina! Ang ingay mo nanaman!” sigaw ng isa naming kaklase. Nagulat naman ako ng bigla nyang itaas ang gitnang daliri nya. “Wala kang pake!” sigaw nya pabalik kaya agad na napasimangot ang babae na sumaway sa kanya. “Dito ka maupo sa tabi ko.” Nakangiting sabi nya kaya wala akong nagawa at naupo na sa tabi ng bintana. Dahil maaga pa ay naisipan nyang magkwento ng magkwento kaya wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumango ng tumango tapos maya’t maya ay nanghahampas pa sya kahit na sya lang ang tumatawa. At don ko narealize na si Janina ay isang.. sadista na tao dahil pakiramdam ko ay magkakapasa na ako. “Tama na.” masungit na pagkakasabi ko dahil hindi ko na kayang magtiis sabay himas sa braso ko. “Hala, ang sungit ni Kyla!” nakapout na sabi nya kaya napabuntong hininga naman ako at kasabay nun ay ang pagpasok ng teacher namin. Ang sakit talaga ng braso ko hays. Ito ba yung sinsabi ni ate na bagong kaibigan? “Pst.” Nilingon ko si Janina ng sitsitan nya ako. “Sorry na. Samahan na lang kita sa clinic.” Bulong nya pero di ko sya pinansin pero sinitsitan nya ako kaya lumingon ulit ako. “Please?” tinanguan ko na lang sya. May magagawa ba ako? “Ikaw si Kyla diba?” tanong naman ng kaklase kong babae na nasa harapan ko. Tumango naman ako sabay lingon kay Janina na nagbabasa sa unahan. “Goodluck kay Janina.” Sabay bungisngis kaya agad akong napatanong ng.. “Bakit?” “Eh kasi napakasadista! Alam mo bang nagkapasa ako kahapon kakahampas nya?” nakangiwing sabi nya kaya agad naman akong napailing at di na sumagot. “Ay ang sungit.” Bulong nya na parang di bulong dahil narinig ko naman. Masungit ba ako? Sa tingin ko naman hindi.. sadyang tahimik lang? “Kyla! Tara lunch tayo!” aya ni Janina tapos hinila ako palabas ng room pero agad din syang napahinto ng biglang may napahiga sa daraanan namin. “Akin yan!” sigaw ng isang babae na may black na buhok at inibabawan ang babaeng may.. wow pula ang buhok nya. “Ayoko! Hindi ko ibibigay! Hiyaaa!” tapos sinapa nya yung babae sa ibabaw nya kaya agad itong natumba kaya tumayo ang isa at tumakbo. “Bwiset ka! Sakin ibinigay yaaan!” sigaw naman ng babae at hinabol yung isa. Lahat kaming nasa hallway ay tahimik na pinanood sila habang maingay silang nagsisigawan. Okay? Ano kaya yun? “Anong nangyari sa dalawang yun? Pero, tara na Kyla gutom na gutom na ako!” sigaw ni Janina tapos hinila ako. Pagdating namin sa cafeteria ay nandon ulit yung dalawang babae at nangingibabaw ang sigawan nila tapos nagtakbuhan pa pero wala namang umaawat. “Para silang may sariling mundo noh?” sabi ni Janina na ikinatango ko. “Kaibiganin kaya natin sila?” naeexcite na tanong nya na ikinailing ko paulit ulit. “Oh bakit naman?” tanong nya. “Eh kasi masyadong maingay.” Sabi ko naman pero natawa sya. “Okay lang yan! Unique nga ang mga kaibigan mo pag ganyan eh!” natatawang sabi nya kaya napahinto ako sa pagkain. Dapat bang unique ang mga maging kaibigan? Tanong ko na lang sa isip ko. Uwian na at tapos na ang klase at kasalukuyan lang akong nakatayo at hawak na ang bag ko. Pupunta ba akong Dance Club? Paano kung di naman ako matanggap don? Paano kung.. “Kyla!” “Ay dance club!” napasigaw na sabi ko dahil sa pagkagulat ko. “Bakit ba nakasigaw ka?” Napakunot si Janina ng noo sabay salubong ng kilay. “Bawal na bang sumigaw?” clueless na tanong nya kaya di na ako umimik at binitbit na angbag ko. “Ang sungit mo talaga Kyla! Pero maiba ako, sasali ka din ng dance club?” nakangiting tanong nya sakin habang naglalakad. Parang ayoko na.. “Silence means yes! Tara dali! Gusto ko ding masubukan ang magsayaw!” sigaw ni Janina at kagaya kanina ay wala akong nagawa dahil sa higpit ng kapit nya. Nakapasok kami ng Dance Club at masasabi kong napanganga ako dahil may gumugulong sa matt. “Hala sila nanaman?” pakiramdam ko tuwang tuwa si Janina sa kanila. “Akin to!” “Hindi! Akin yan!” “Clean, masapak na kita malapit na!” “Sasapak din ako! Hindi pwedeng ikaw lang!” sigaw pa ng isa at nagpagulong gulong ulit sila. Dance Club ba ito? Pero tama naman ang nakasulat sa pinto. “Hay nako mga bata talaga oh! Settled down na may sasabihin ko.” Sabay punta ni pres sa harap. Inilibot nya ang tingin nya at ng makita nya ako ay ngumiti sya kaya napangiti naman ako. “Masaya ako na napili nyo ang dance club kesa sa ibang club.” Panimula nya at nagsalita pa ng kung ano ano. “Ngunit sasabihin ko na mula ngayon ay ako na ang President nyo dahil umalis na si dating President at nagtransfer sa ibang school with reasons na hindi pwedeng ishare.” “I hope na susundin nyo ako at magkakaroon tayo ng magandang samahan.” Nakangiti nyang sabi at nagpalakpakan naman kami. Matapos ang announcement ay nagpaalam sya ng may tumawag sa kanyang isang estudyante. Napangiwi naman ako ng hawakan ni Janina ang kamay ko at hilahin. “Hello! Napansin ko kayong nagkukulitan sa hallway!” masayang bati nya don sa dalawa pero isa lang yung ngumiti tapos yung isa ay nakacross arms at nakataas ang kilay na nakatingin samin. “Hi naman! Oo eh! Ang kulit kasi nitong Stella na to!” sabi nung may pulang buhok at dinuro yung katabi nya na agad namang tinabig ng isa. “Ikaw ang makulit! Wag mo nga akong ituro!” “Janina Montefajar nga pala at siya naman si Kyla Javier.” Nakangiting pakilala ni Janina tapos nakipagkamay pa. “Clean Logan tapos ito naman si Stella Allister.” Nakangiting pakilala nya tapos bumulong kay Janina na narinig ko. “Nangangain si Stella kaya iwasan nyo ha.” Tapos nagtawanan at nag-apiran silang dalawa at maya maya ay pabalik balik na lang ang tingin ko sa kanila dahil parang gumawa na sila ng sariling mundo at maingay na nagkwentuhan. “Oh anong tinitingin tingin mo?” Masungit na tanong ng sinasabing Stella daw ang pangalan. “Wala naman masama ba?” masungit na balik ko din. Ang sungit nya kasi nakakahawa eh! “Alis nga.” Sabi nya at dumaan sa gilid ko at binangga pa ako sa balikat kaya agad akong nainis tapos itinapon sa kanya ang towel na nahawakan ko. “Problema mo ba?” inis na baling ko sa kanya. Humarap naman sya at binato ako ng bote na sa gulat ko ay bigla ko itong naiwasan. “Wala! Wag kang mambato!” “Wag ka ding mamangga!” sigaw ko din sa kanya. Sasagot na sana sya pero may biglang sumingit. “Ano kayo lang ang magbabatuhan!? Di kami papayag ni Janina! Sali din kami!” nanlaki pareho ang mata namin ni Stella sabay lingon sa dalawa na may hawak na palang maibabato. “Clean mali – “ naputol ang sasabihin ni Stella ng magsimulang mamato yung si Clean. “Attack!” Sigaw pa ni Clean at nagsimula silang mambato. At kahit na labag man sa loob ko ay naging magkakampi kami ni Stella sa batuhan dahil kung pipigilin ko naman ay kawawa lang akong maiipit sa gitna. “Tangina mo Clean! Huminto ka ng bwiset ka!” sigaw ni Stella kaya napanganga naman ako ng tamaan sya sa mukha ng damit. “Tangina mo din! Ito ang bagay sayo!” tapos dinaganan sya ni Clean. At dahil nawala ako sa focus ay naitulak at nadaganan din ako ni Janina at pagulong gulnog kami sa matt. “Mga bata kayo! Ang gulo gulo ng paligid!” napahinto kami dahil sa sigaw ni president at napaayos ng upo. Nagturuan sila at nakaturo sakin ang daliri ni Stella at agad ko naman syang tinuro din. “Kayong apat! Linisin nyo yan!” nanggagalaiting sigaw ng president at nakakatakot pa ang mukha kaya walang ingay kaming tumayo ng bilis at nagligpit. “Ang saya.” Natatawang sabi ni Janina kaya natawa naman si Clean at maya maya ay tumawa na din si Stella at dahil nahawa ako ay natawa na rin ako. Ganito pala ang pakiramdam ng may kaibigan. /// “Pasensya na pasensya na nagmamadali talaga ako!” sabi ng nakabungguan ko at hindi manlang ako tinulungan na makatayo. Napapikit pikit ako at pilit na pinalilinaw ang mga mata ko habang hinahanap ko ang salamin kong di ko alam kung san ba tumalsik dahil sa pagkakabunggo sakin ng babaeng tumatakbo kanina. Isang linggo na mula ng maging kaibigan namin sila Stella at Clean na nasa katabing section lang pala namin. Masasabi ko na masaya silang kasamang tatlo pero dahil hindi ko minsan masabayan ang kakulitan nila ay pinili ko na lang na panindigan ang pagtawag nila sakin ng masungit. Nakarinig ako na parang may nabasag kaya agad akong napalingon sa pinanggalingan non. Nakita ko ang isang janitress na naka earphone habang may tulak tulak na basurahan. Lumapit ako don at halos maiyak ako ng makita kong basag basag na ang salamin ko. Pinahid ko ang luha ko. Anong sasabihin ko nito kay ate? Pinunasan ko ang mga luha kong tumutulo at hinayaan na lang ang taong tumulong na magtayo sakin. “Kyla? Bakit umiiyak ka?” tanong nya kaya agad kong pinahid ang luha ko at pinalinaw ang mata ko para makita sya ng malinaw. “Clean.” Banggit ko sa pangalan nya. Nakita ko naman syang tumingin sa baba at natawa. “Ang iyakin mo naman!” mapang-asar na sabi ni Clean kaya agad ko syang hinampas at sinamaan ng tingin. “Aruu! Grabe ka naman! Nahawa ka na ba kay Janina!?” tapos hinimas himas nya ang braso nya. “Alam mo kesa iyakan mo yan. Tara sama ka sakin hahanap tayo ng kapalit nyan!” nakangiting offer nya tapos inilahad nya pa sakin ang kamay nya. Napahinga ako ng malalim at sumama sa kanya. Kahit nagdadalawang isip ay wala akong nagawa at sumakay na sa sasakyan ng pagbuksan ako ni Clean ng pinto at umikot sya tapos sa unahan sya naupo. “Daddy, si Kyla nga po pala bago naming kaibigan ni Stella.” “Good afternoon po.” Nakangiting bati ko sa daddy ni Clean. Ngumiti naman ito at binati ako. “Daddy, diretso po tayo sa hospital ni mama. Nabasag po kasi salamin nya at papagalitan sya pag nalamang nawawala ito.” Napailing naman ang daddy nya at agad na sinunod si Clean. Napapangiti naman ako habang nakikinig sa kanila na masayang nag-uusap. Clean is cool. Magaling din syang sumayaw tapos mabait din sya kaso madalas talaga syang pang-asar eh. “Puntahan mo na lang ako sa office ng mama mo pagtapos na kayo ha. Ipapaalam ko na din sa kanya.” Sabi ng daddy nya at agad namang nagsalute si Clean at hinila ako. “Hello po tita.” Banggit nya sa isang doktora at agad na ikinuwento ang problema namin. Nagbukas din sya ng iba’t ibang case para ipakita kung may kapareho ang salamin ko. Halos mapasigaw ako ng makita ko ang kapareho nito. “Kyla, magpagawa ka na din ng contact lens.” Sabi naman ni Clean kaya agad akong nagdalawang isip. “Hindi ba masakit yun sa mata?” tanong ko naman pero napapout sya at mukhang nag-iisip. “Eh kasi napapansin kong nahihirapan ka sa salamin mo lalo kapag nagsasayaw tayo tapos may steps din na natalon tayo at naikot. Nakita ko kasing tumalsik yung salamin mo that time at muntik ng matapakan.” Paliwanag nya habang direktang nakatitig sa mga mata ko. Napaiwas naman ako ng tingin at tumango na lang tapos sinabi nya sa doktora. Bale pinagawan nya ako ng salamin tapos contact lens. Maluha luha ako ng ilagay ko ang contact lens tapos halos maluha din ako ng tanggalin ko din yun. Tinuruan kasi ako kung paano ito ilagay at alisin tapos itinuro din ang do’s and don’ts at kung paano yun mapanatiling malinis. Suot ko ngayon ang salamin at nakalabas na ng hospital dahil pinauna kami papuntang parking lot dahil mukhang nag-uusap pa ang parents nya. “Clean.” Tawag ko sa kanya at agad naman syang huminto at humarap sakin. “Salamat.” Nakangiti kong sabi. Itinagilid nya ng konti ang ulo nya bago nagsalita. “Naman! Kaibigan kita eh.” Tapos ngumiti sya ng matamis. Napahinto naman ako at napatitig sa mukha nya na ngayon ay natatamaan ng sinag ng araw at kitang kita ko ang pagkakulay ng brown nyang mga mata at ang pula nyang buhok. Humangin ng konting lakas at tinangay ang buhok nya habang nakangiti sya ng malaki. All of a sudden.. narinig ko na lang ang lakas ng t***k ng puso ko. /// Buong isang taon kong pinilit sa sarili ko na wala akong gusto kay Clean. Buong isang taon kong pinigilan ang sarili ko na hindi gustuhin si Clean pero sobrang maalaga at sweet nya sa aming tatlo. Alam ko namang ganong klase syang kabigan at sadyang malambing lang sya minsan tapos inaalala nya din kami. Matalino din sya at lahat lahat kaya sa buong isang taong pagpigil ko na yun ay mas lalo pang lumala. At ngayon ay narealize kong mahal ko si Clean at hindi lang basta gusto. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin kaya hindi ako nagpapakita ng affection sa kanya at dinadaan ko na lang sa pagsusungit. Pinaplano kong sabihin sana sa kanya kapag graduation na pero ngayong nalaman kong may girlfriend sya at mahal nya at bukod dito ay si Alexandra Sison pa ito na hinahangaan ng lahat. Walang wala ako kung ikukumpara aky Miss Xandra. Bukod pa dito ay magkasama pa sila sa isang bahay. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luhang patuloy na tumutulo habang yakap ko ang unan ko. Dapat bang simula pa lang ay umamin na ako kay Clean? Huli na ba para sa nararamdaman ko sa kanya? Hindi pa naman diba? Girlfriend nya pa lang si Miss Xandra.. may pag-asa pa naman ako diba? Kahit manlang sana ipakita kong mahal ko din sya? Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko. Wala akong pake kung sila na ni Miss Xandra. Mahal ko si Clean at ipaparamdam ko sa kanya yun sa kahit anong paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD