Clean’s POV “Clean mag-usap nga tayo.” Seryosong pagkakasabi sakin ni Polaris ng magsalubong kami sa hallway. Napakunot noo naman ako ng lumakad na sya pero tinignan ko lang sya. “Clean.” Pag-uulit nya pa kaya wala akong nagawa na sumunod na lang sa kanya. Aba sya ang presidente dito edi sya na! Nandito kami sa restricted area at parehong nakasandal sa pader. “What’s with you and Alexandra?” tanong nya na agad kong ikinahinto. Sabi na magtatanong to eh! Badness, hindi ba sinabi ni Xandra?! “Bakit mo naman natanong?” tanong ko sa tanong nya. “Bakit hindi mo na lang sagutin?” masungit na tanong nya ulit sa tanong ko. At dahil tanong yun.. “At bakit ko naman sasgutin?” balik ko na tanong ko din sa kanya. “Clean, sumagot ka na lang pwede! Pinsan ko si Alexandra, wala manlang ako kaalam al

