“Hays napagod ako don ah.” Mahinang sabi ko habang nag-uunat. Yung pinakahuli kasi ako yung naging taga-abot ng kung ano ano, eh ang babagal kaya nilang maglagay tapos nagtitilian pa kapag umuuga yung upuan.
Ano kaya yun? Sana ako na lang umakyat para matapos na agad diba?
Inayos ko na ang mga gamit ko sabay tingin sa oras ng phone ko. Wow, mag-five pa lang ng hapon? Nice! Bukas pa yung cafeteria yes!
Agad kong binitbit ang bag ko at ang kay Stella sabay takbo papuntang cafeteria.
“Tatlong chicken sandwich, oreo cheesecake at dalawang gatorade po.” Order ko tapos pinabalot ko na lang dahil wala akong balak na kumain dito. Doon ako sa open field!
Napahinto ako sa paglalakad ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Si Xandra?
“Hello?” agad kong bungad ng masagot ko ang tawag nya “Nasaan ka?”
Lumakad na ako palabas ng cafeteria habang binabalance ko ang mga hawak ko. “Palabas na po ng cafeteria papunta ng open field.” Sabi ko naman habang naglalakad.
“Okay, magkita tayo doon.” Sabi nya tapos sunod sunod na ang toot toot. Ayy, binabaan ako? Ang bait talaga ni Xandra ko!
At dahil gusto ko na din syang makita ay naglakad na ako ng mabilis sa nag-iisang puno doon sa open field. After kasi naming ayusin yung Christmas tree sa likod ay nawala na sya na parang bula kaya wala akong choice kundi makihalubilo sa mga kaklase ko na..
Na hindi ko manlang tanda ang mga pangalan nila.
Malay ko ba naman kasi sa mga pangalan nila diba? Eh di naman kami uma-absent ni Stella kaya kaming dalawa lang talaga ang magkasama tapos hindi din mahilig magpa-group work at group presentations ang teachers kaya mas okay.
“Clean, san ka pupunta?” napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Kyla. “Sa pupuntahan ko bakit?” pilosopong sagot ko sa kanya na ikinataas ng kilay nya samantalang ngumiti naman ako sa kanya.
“Gago, oh.” Mura nya sabay tapat ng maliit na cookies sa bibig ko na agad ko namang kinain. “Masarap ah! Sa cookery nyo to?” tanong ko naman na ikinatango nya. “Yeah, uuwi na ako. Sabay ka?” tanong nya na agad kong ikinailing.
“Nope! Sasamahan ko pa si Stella baby eh. Mauna ka na, ingat.” Sabi ko pa tapos kumaway na ako sa kanya samantalang naglakad na sya paalis.
Nice Stella, nagamit kita palusot! Wahahaha! Pero nasaan na si Janina? Siguro sinundo yun ng mga kuya nya kaya agad na sumibat si Kyla. Pero aside from that..
“Nice, may pa-sapin?” agad na bungad ko kay Xandra na kasalukuyang naka-upo sa kumot tapos may baunan pa sya sa harapan nya.
“Wala lang. Ano yang mga dala mo?” tanong nya tapos umupo na ako sa tabi nya at inilabas sa supot isa isa ang mga laman non. “Ta-da! Fudz syempre, nagutom kasi ako eh. How about that lunchbox?” tanong ko naman sa kanya.
“I bake this after we decorate the Christmas tree.” Sabi naman nya na ikina-excite ko. “Pwede ko bang matikman?” natutuwang sabi ko na ikinatawa nya ng mahina. “Of course, I bake it especially for you.”
Tapos binuksan nya yun dahan-dahan. Ilang cookies ang nasa loob non tapos may dalawa pang cupcake na chocolate flavor.
“Here.” Sabi nya tapos itinapat nya yung cupcake sa bibig ko pero agad akong napapout. “Xandra naman eh, may papel pa kaya. Edible din ba yan?” tanong ko tapos agad nyang binawi yung cupcake at inalis yung papel sa bandang kalahati.
“I’m sorry. I got excited plus the fact that you are really adorable right now.” Sabi nya naikinapula ko. Adorable ba ako? Parang hindi naman? “Here.” Sabi pa nya kaya agad ko ng sinubo.
Napangiti naman ako ng matikman ko na tamang tama lang yung timpla, hindi matabang hindi din sobrang tamis. Yung tipong hindi nakaka-umay. “Ang sarap! Marunong ka pala sa baking?”
“Medyo? Pero mas marunong ako sa baking compare to cooking. Here, have some cookie.” Tapos sinubo naman nya sakin na ikinalaki ko lalo ng ngiti.
Sa totoo lang, mas masarap ang gawa ni Xandra compare kanina kay Kyla dahil mas crunchy tapos sakto lang yung kay Xandra, while yung kay Kyla mas matamis pero masarap din naman. Basta pagkain!
Kumain kami ng sabay ni Xandra habang nagkekwentuhan. Tapos maya maya ay susubuan ko sya tapos palitan lang kami.
Pero being Xandra, hindi pa din maiwasan na bumanat nanaman sya kaya namumula ako! Tapos bilang ganti ay sasagutin ko sya kaso mas malala pa yung sinasagot nya kaya ayan wala na! Talo nanaman ako sa kanya!
“Clean, gusto mo bang magsleepover sa bahay?” tanong nya na hindi ko na pinag-isipan pa. “Oo naman! Kailan ba?” sagot ko sa kanya.
“Mamaya. Nagpaalam na din ako kila dad.” Natawa naman ako ng dahil don. The fact na nagpaalam na sya is talagang dapat matuloy yun so parang ang dating ay pinapaalam na lang nya na mag-i-sleepover kami mamaya talaga eh.
“Sige payag ako dyan syempre. Sabado din naman bukas eh.” Sabi ko pa tapos uminom na kami. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa kanina nung bigla syang nawala sa room kaso may biglang sumingit kaya napahinto kami.
“Excuse me.” Sabi ni Polaris na ikinatigil ko sa pagkekwento. Luh, nakita kami ni Polaris na magkasama!
Napatingin ako sa kanilang dalawa na parang may something sa titigan nila. “Xaxa.” Bigkas ni Polaris na ikinakunot noo ko. “Ate Lala.” Sabi naman ni Xandra.
Wow, so ganun pala ang tawagan nilang magpinsan? “Clean.” Napalingon naman ako kay Polaris ng tawagin nya ang pangalan ko.
“Pwede bang iwan mo muna kami ni Alexandra? May pag-uusapan lang kami. Salamat.” Sabi nya ng dere-deretso. Magpinsan nga sila! Pag nagsabi sila yung tipong hindi ka na makakakontra eh!
Tumango naman ako at iniligpit na ang mga kalat namin tapos binuhat ko na ang bag ko at ang kay Stella. “Oo naman. Mauuna na ako.” Sabi ko habang nakatingin kay Xandra tapos lumakad na ako paalis.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yun o talagang sumama ang tingin sakin ni Polaris bago pa ako makalagpas sa kanya?
Bahala na nga hays! Di ko masabayan ang magpinsan na iyon!
Makapunta na nga lang kay Stella, magpapatulong pa ako sa kanya eh. Panigurado namang nagbabangayan nanaman sila ni Ashley.
Pero knowing Tela.. bibigay din yun hahahaha!